Home News 17-Anyos na Binata sa Maguindanao, Halos Nasa 7 Feet na Ang Taas!

17-Anyos na Binata sa Maguindanao, Halos Nasa 7 Feet na Ang Taas!

Isang 17-anyos na binata ang viral ngayon matapos kumalat ang kanyang larawan sa social media. Marami ang napahanga nito dahil sa kanyang taas na aabot na sa halos 7 feet. Para sa mga binatilyo dito sa ating bansa ay malimit tayong nakakakita ng mga ganitong kataas na height. Madalas ay nasa 5 feet hanggang 6 feet lang.

Sa isang post na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho facebook page, ay naitampok ang ilang mga larawan ng binata na kinilalang si Brix.

Ayon kay Brix, natuwa umano ang nurse sa kanya dahil sa kanyang height. Inaya pa umano siyang magpicture ng nurse at tumuntong pa umano ito sa upuan para lamang maabot siya. Mapapansin ang malayong agwat ng kanilang height.

Kuwento niya, bata naman siya ay katamtaman lamang ang kanyang taas ngunit bigla na lamang siyang lumaki. Kung minsan pa ay tinatanong rin siya ng mga tao kung ano ang sikreto niya sa pagpapalaki.

“Pagdating ko doon sa vaccination area, natuwa ‘yung nurse na ang tangkad ko raw. Sabi niya, picture daw kami. Tumuntong siya sa upuan para maabot ako. Nung bata naman po ako, tama-tama lang ‘yung height ko, pero naging bigla po ‘yung paglaki ko. ‘Yumuyuko po ako kapag lumalabas ng bahay o kapag sasakay ng jeep. Tinatanong ako ng mga dati kong ka-height na, ‘Bilis-bilis mong lumaki, Brix. Anong sikreto mo?’ Sa ngayon 6’8 na ‘yung height ko. Gusto ko pong maging matagumpay na basketball player!”