Home News 19-Anyos na Pinaghahanap ng Ina, Natagpuan na; Kasama Lang Pala ng Boyfriend!

19-Anyos na Pinaghahanap ng Ina, Natagpuan na; Kasama Lang Pala ng Boyfriend!

Humingi ng tulong ang isang ina mula sa Cebu na si Marifel Lofranco upang mahanap ang kanyang anak na babae na nawawala noong Marso 22 pa. Ang batang babae na hinahanap ng pamilya ay si Jherica Lofranco Auman, ay 19 taong gulang, na ilang araw nang hindi umuuwi sa kanilang tahanan.


“To those who may have seen my daughter, please let us know where she is because this is making me very sad. I haven’t eaten or slept properly since she went missing. Please have mercy,” ang panawagan ng inang si Marifel sa salitang Hiligaynon.

Labis na nag-alala ang ina ng dalagita nang makatanggap ito ng text mula sa anak para humingi ng tulong.


Matapos humingi ng tulong ni Marifel ay agad namang umaksyon ang mga awtoridad upang mahanap si Jherica. Matapos ang paghahanap ay natagpuan na ng mga tauhan ng Consolacion Police Station si Jherica sa Barangay Manlagtang, bayan ng Tabogon sa hilagang Cebu noong Miyerkules ng gabi, Marso 30, 2022.

Taliwas sa mga ulat na diumano ay kinidnap siya, bumisita pala si Jherica sa nasabing bayan upang makipagkita sa kanyang kasintahan na si Herbert Berdin.


Pagdating ng mga pulis sa lugar, naabutan nila ang dalagita na nanonood sa kanyang nobyo na naglalaro ng basketball. Sinabi naman ng inang si Marifel na isang linggo palang umanong magkasintahan si Jherica at ang nobyo nitong si Herbert bago mangyari ang insidente.

Salaysay ng ina, maaaring napahiya umano ang kanyang anak nang ito ay mapagalitan ng ama dahil sa pakikipagrelasyon kay Berdin, na inakusahan nitong sangkot sa ilegal na dr0ga.

Muling pinagalitan si Jherica ng kanyang ama nang pumunta sa kanilang tahanan ang ilang lalaking nagpakilalang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas upang hanapin siya, dahilan upang pumunta siya sa Lapu-Lapu City para makipagkita sa kanyang nobyo.


Nagsimulang mag-alala ang inang si Marifel nang makatanggap ng mensahe mula sa anak na dinala umano siya sa ibang lugar. Sinabi pa ni Marifel sa ina sa kanyang text na gusto niyang umuwi ngunit wala siyang pera.

Kalaunan ay inamin din ni Jherica na hindi siya kinidnap at nagpunta siya sa ibang lugar upang mamasyal. Ngunit, nagaway umano sila ng nobyo matapos ang inuman at naiuwi sa aksidenteng pagka hulog ni Jherica at Herbert sa mababaw na bangin ng bandang hatinggabi.

Dahil hindi pamilyar sa lugar na kinaroroonan ay nagpadala ng mensahe si Jherica sa kanyang ina. Gayunpaman, hindi nagsisisi si Jherica sa kanyang ginawa para makasama ang kasintahan.

Nahanap ng mga local na awtoridad ang kinaroroonan ng dalawa sa pamamagitan ng isa nilang kaibigan na si Ramil Tumulak.