Home News 68-gulang na Lolo, kumakayod parin sa isang gasolinahan para kumita

68-gulang na Lolo, kumakayod parin sa isang gasolinahan para kumita

Nakakabilib at kahanga-hanga ang di matawarang kasipagan at pagpupursigi ang ipinapakita ng isang matandang lalaki na kahit sa kanyang katandaang edad ay pinipili parin magtrabaho para lang may kaunting kita.

Viral sa social media ang naging post ni Kewol Oro, isang netizen na nakakita kay Lolo o mas kilala bilang si Tatay “Bro”, 68-years old na dating empleyado sa isang sikat na gasoline station.

Ayon kay Oro, boluntaryong pumapasok pa din si Lolo sa gasolinahan ng Shell na taga pag-assist ng mga nagpapahingin ng mga gulong para kahit papano ay may kaunting kita siya galing sa mga nag-aabot ng tip sa kanya.

“Pag nagpahangin po kayo ng gulong sa Shell TS Cruz (Alabang-Zapote Rd, Almanza) at si tatay “Bro” Boy, 68y/o ang nag assist sa inyo, bigyan nyo po sya ng tip kahit papano,” salaysay ni Oro sa kanyang Facebook post.

Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro

Halos limang dekada niyang iginugol ang sarili sa pagtatrabaho sa nasabing gasolinahan at kakaresign lang nito noong nakaraang dalawang taon.

Marami din sa mga netizen ang naantig at naawa kay Lolo, na sa halip ay dapat nagpapahinga na lang at ini-enjoy ang buhay ay pinili pang magtrabaho:

Leuqar Oilegnave – Ang galing mo nmn po tatay kht my edad kna po nag tratrabaho k parin po.. my ibang tao po ksi n kht ndi pa gaanong matanda nanghihingi at nanloloko pa po…

Jason Caballero – Lagi ko nga nkikita yan c tatay dyan. Napoleon Rivera – Saludo ako syu tatay..
Ito ang buong Facebook post:
Pag nagpahangin po kayo ng gulong sa Shell TS Cruz (Alabang-Zapote Rd, Almanza) at si tatay “Bro” Boy, 68y/o ang nag assist sa inyo, bigyan nyo po sya ng tip kahit papano.
47 yrs daw po syang naging empleyado sa Shell (ang tagal, kasing tagal na ng kanyang sobrang kupas na suot na polo shirt at sumbrero).

Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro

Nag resign na daw po sya 2yrs ago at minsan pumupunta sa Shell at ang kinikita nya ay galing sa mga tip na binibigay sa knya- umeekstra ekstra sya sa air pump section on his free will para may konting kita at exercise sya…

Mabait Na Rider, Tinulungang Maibenta Ang Mga Nilalakong Walis Ng Isang Matanda


Sa panahon ngayon, dapat ay tayo ay nagtutulungan lalo na kung nakikita na nating harap-harapan na nahihirapan ang ating kapwa.

Isang blessing ang nangyaring pagsasalubong ng isang rider at ng isang matandang lalaki na naglalako ng mga panindang walis sa may San Jose de Monte, Bulacan.

Kwento ng rider na si Benedict Jade Duran, habang nagmamaneho siya papuntang SM Fairview ay nakita niya ang isang lolo na bitbit ang mga walis tambo na mahaba. Noong una raw ay nilampasan niya ito ngunit tiningnan niya ulit ito sa salamin ng kanyang motor.

Makikita na pasan-pasan ng matanda ang mga mahahabang walis habang may dalang tungkod.


Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook

Habang nakahinto ay nagdadalawang isip pa siya kung babalikan niya ito dahil aniya ay may rush order siya noong oras na iyon. Ngunit dali dali siyang bumalik para tanungin ang matanda.

Nang tanungin niya kung magkakano ba ang mga walis ay sinabi na tig Php180.

Ang sabi niya,’Tay upo ka muna pahinga kana ako na bahala magbenta nyan, pinost ko agad sa group ko.”

Mabuti na lamang at mayroon mga nakapansin sa post ni Duran at naubos ang paninda ng matanda. Abot hanggang langit ang ngiti ng matanda ng iabot sa kanya ang perang kinita sa mga panindang walis.

Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook

Ani Duran na napakasarap sa pakiramdam noong napasaya niya ang matanda at napaubos ang panindang walis at pinasalamatan rin siya nito.

“Yung ang sarap sa feeling na natulungan mo si tatay Jesus, opo tama po ang pagkabasa niyo, ang name niya ay Jesus!”

Hinangaan niya raw si Tatay Jesus dahil sa edad nitong 85 taong gulang ay nagbabanat pa rin siya ng buto.

“Salido ako kay tatay, magkikita pa ulit tayo! Maraming gustong tumulong sayo tay!”

Screenshot from video: Benedict Jade Duran/ Facebook

Laking pasasalamat rin ni Duran sa mga taong umorder ng walis at di raw sila nagdalawang isip na bilhin ang mga walis ni tatay.

Komento ng isang netizen na nadurog raw ang kanyang puso na makita ang matanda na hirap na sa paglalakad at may pasan pa itong mabigat na paninda. Mayroon ding iba nag nais mag-abot ng tulong sa matanda.
Watch | Lalamove Delivery Rider, Tinulungang Makauwi ang Isang Mororcycle Rider na Nasiraan sa Gilid ng Kalsada!

Likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa at ang pagbabayanihan na talaga namang maipagmamalaki natin sa ibang lahi. Isa na rito ang Lalamove Delivery Rider na tumulong sa isang motorcycle rider nang makita nitong tila nasiråan sa gilid ng kalsada. Kwento ni chris Dii, nasiraån umano siya ng motor sa Commonwealth bandang alas-diyes ng gabi.


Dahil dito ay nawalan na siya ng pag-asang makakuwi sa kanila sa may Cubao. Sa pag-iisip niya kung paano siya makakauwi sa kanila ay inilapag niya ang helmet sa sahig habang malayo ang kanyang tingin.

Sa kabutihang palad, ay hindi naman niya inaasahan na may tutulong sa kanya. Lumapit naman sa kanya ang isang Lalamove Rider na nagmistulang anghel at tinanong siya kung nasiråan ba siya na agad naman niyang sinagot na ayaw umano umandar ng kanyang motrsiklo.



Kaya naman, agad na nag-offer ang Lalamove Rider na ihatid siya upang upang makauwwi na dahil wala na rin umanong motor repairing shop ng mga oras na iyon.

Sa video na ibinahagi ni Chris Dii sa social media ay makikita na sa pamamagitan ng lubid ay itinali hila-hila ng morosiklo ng Lalamove rider ang kanyang motorsiklo at walang pag-aalinlangang tinulungan siya nito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Chris Dii sa Lalamove rider na tumulong sa kanya para makauwi.

Marami sa mga netizens ang naka-relate sa pangyayaring ito. Ayon sa kanila, tinulungan din sila ng ilang Lalamove Rider. Saludo naman ang karamihan sa pagiging matulungin nito sa kanyang kapwa.

“Nasiraan din ako sa sta.mesa tropang lalamove ang tumulong saken. salute sainyo mga boss. kaya lahat ng transactions ko sa maliit na business ko lalamove lang tlga gngamit kong apps pra.makabawi sa mga tropang rider. ingats palagi mga boss and godbless.”

“Ganyan din sa akin nakabike nman sila galing sila sa tagaytay nman pauwi narin ako galing ako cavite dumaan ako sa SM SUCAT pauwi sila valenzuela buti may tali ako kya henila ko ung bike ni kuya toktok riders din ako ingat kyo plagi sa biyahe mga sir cainta rizal pa ako nauwi”

“Parehas lang po kame lalamove rider din po ako pero marami na rin po ako natulungan masarap sa pakiramdam na tumutolung ka sa kapwa rider mo,” komento naman ng isang rider din.

Rider, Na-delay ang Kanyang Pagdeliver Dahil Hinablot Umano ang Kanyang Cellphone na Gamit Niya sa Kanyang Trabaho!

Isa sa pinakamalaking bagay na kinakailangan ng isang rider bukod sa motorsiklo ay ang cellphone, kung saan makikita ang application ng kanilang kumpanya ng mga Food Deliveries gaya ng Grab, Food Panda at iba pa.

Kung walang cellphone ang isang rider ay hindi siya makakatanggap ng bookings, hindi din niya makukuha ang ilang impormasyon ng customer at higit sa lahat ay hindi siya makakapasok bilang isang rider dahil ito ang pangunahing kailangan nila.

Isang rider naman ang na-delay sa kanyang pagdeliver dahil hinablot umano ng kawåtan ang kanyang cellphone habang hinahanap ang delivery point ng customer. Nawalan siya ng pang tawag sa customer kaya nahirapan itong mahanap kung nasaan ang kanyang customer.

Hindi napigilan na maiyak ang rider dahil hindi pa daw tapos hulugan ang kanyang cellphone sa home credit. May nasama pa daw na kaunting ipon na nakasiksik sa kanyang cellphone. Hindi na din niya alam kung paano siya makakanap ng trabaho dahil ang pangunahing kailangan bilang isang rider na cellphone ay nawalan na siya.

Narito naman ang post ng facebook page ng Sigaw ng Bataan:

“PASENSYA NA PO SA DELAY

Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone.


Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.”