Home News 80-Anyos na Lolo, Nanalo ng P142.6-M sa Lotto!

80-Anyos na Lolo, Nanalo ng P142.6-M sa Lotto!

Marami sa atin ang nagbabakasali na magwagi ng malaking papremyo sa pagtaya sa Lotto. Usap-usapan naman ngayon ang isang lolo na taga Leyte nang maging instant milyonaryo matapos na manalo sa lotto na P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 16, 2022.


Nag-claim ng kanyang panalo si lolo sa PCSO central office sa Mandaluyong noong Enero 27. Nahulaan ni lolo ang Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46. Sinamahan naman ng kanyang dalawang anak na lalaki ang matanda nang siya ay dumating sa tanggapan ng charity agency upang kunin ang kanyang mga napanalunan.

Regular umanong tumataya ng Lotto si lolo sa loob ng 15 taon at gagamitin niya umano ang pera para bumili ng mga ari-arian para sa kanyang mga anak.


At magsisimula din daw si lolo ng maliit na negosyo at magbubulas din ng sariling Lotto outlet para mag patuloy na pagkaka kitaan.

Sa ilalim ng TRAIN Law (Republic Act No. 1169), ang mga premyo ng PCSO lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay sasailalim sa 20% tax. Ibig sabihin, si lolo ay makakapag uwi pa rin ng tumataginting na P114,080,000 pagkatapos maibawas ang nakatalagang buwis.

Samantala, isang solo bettor naman ang nanalo sa draw nitong Marso 2022 sa 6/58 PCSO lotto draw na may jackpot prize na Php 79,699,584.80.


Ayon sa PCSO, ang nanalong ticket ay binili mula sa City of Manila, Metro Manila. Narito naman ang listahan ng mga nanalo ngayong buwan ng Marso 2022.

Marso 20, 2022: Natapos na naman ang paghihintay para sa 6/58 lotto. Ang pinakabagong nagwagi mula sa Lungsod ng Maynila ay nanalo ng 79,699,584.80 Million sa kumbinasyon, 29-05-03-11-08-42.

Marso 20, 2022: Ang pinakabagong 6/49 jackpot prize na 67.8 Million ay napanalunan ng isang solo bettor mula sa Legaspi City, Albay sa kumbinasyon 09-04-06-17-12-02.

March 14, 2022: Ang 98.5 Million pesos 6/55 jackpot prize ay naiuwi ng isang solo bettor gamit ang kumbinasyon 09-17-45-39-35-15.

Marso 5, 2022: Ang nanalo sa 6/42 Lotto ay nanalo ng 12,537,017.20 sa kumbinasyon, 18-34-33-39-11-36. Ang nanalong ticket ay binili sa Taytay, Rizal.

Marso 2, 2022: Isa pang milyonaryo ang idinagdag sa listahan ng 2022 milyonaryo. Ang 6/45 winner mula sa Gen. Trias, Cavite ay nanalo ng 8,910,000.00 sa kumbinasyon, 02-30-45-42-27-17.

Simula ng Enero 2022 ay mayroon nang 15 nanalo sa PCSO Lotto draw, ngunit kamakailan lang ay binalita ng PCSO na mayroong bettor na nanalo noong Pebrero 2022 ang hindi pa nag claim ng kanyang panalo.