Home News 82 taong gulang na Lola kumakayod parin gabi-gabi para sa ikabubuhay nila...

82 taong gulang na Lola kumakayod parin gabi-gabi para sa ikabubuhay nila ng kanyang apo

Para sa aking Apo!

Ito ang naging dahilan ng isang 82-years old na si Nanay Gloria Tupas na sa kahit pa sa kanyang katandaan ay marangal na naghahanap buhay pa rin gabi-gabi para lang may pangsuporta sa kanyang 8-gulang na apo, ang tangi niya nalang kasama sa buhay.

Ibinahagi ni Kring Man ang nakakaantig puso na kwento ni Nanay Gloria na nagtitinda malapit sa kanyang pinapasukang trabaho sa Alabang.

Dagdag niya na nagiging suki na siya sa mga paninda ni Nanay Gloria at marahil dahil marami ding naawa sa matanda, ay hindi na nagpapasukli pag bumibili.

Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man

Mano-manong binibitbit lang daw ng matanda ang kanyang mga paninda at dahil sa bigat ay di niya na kaya pang magdala ng upuan kung kaya’t nagsasapin nalang ito ng kanyang mauupuan sa pwesto.

Kahit pa sa kayod kalabaw parin si Nanay Gloria tuwing gabi ay masayahing tao ito, kaya nanawagan din si Kring Man sa may mga busilak na puso na pwedeng makatulong sa matanda.

Narito ang buong nakakaantig damdamin na kwento:

Hello FB World, lalo na sa mga taga-Northgate!

Flex ko lang si Nanay Gloria Tupas, 82 na pero patuloy na kumakayod. Perhaps you’re wondering why? Kasi kelangan pa nya suportahan ang apo nyang 8 y/o at tanging kasama nya sa bahay.

Tuwing gabi ko sya nadadaanan sa may tapat ng HSBC. Between 6pm to 10pm sya dun. Suki na nya ko sa mga paninda nyang ampao, paborita, kakanin, atbp. para pasalubong na rin sa aking mother dear. Maraming nabili at malimit e di na nagpapasukli. Paminsan natulong na nga ko mag-upsell. Hehe 😉 Salamat sa inyo ha, kung makaabot man ang post ko.
Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man
Last night, wala sya sa usual pwesto. I checked din sa paminsang nilipatan nya, pero wala rin. Nasambit ko na lang na sana walang masamang nangyari sa kanya. 😩 Kanina, wala pa din sa dati. Pero naglakad ako pabalik. And super happy ako to see her at Filinvest Three, looking cute in a green cap. God is so good!
I asked kung paano nadala lahat ng paninda nya kasi ambigat nun e. Salamat po sa mga tumulong sa paglipat kanina ha.

Nagkwento sya na wala talaga sya kahapon kasi nagpahinga muna. Sabi ko, dapat naman talaga pahinga din lalo pa sa edad nya. Then she said baka like ko daw magpalaba. Juicekoporudy, sa laki ng mga damit ko po ha.
Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man

Kidding aside, I told her hanap ako way to help. Kaya po sana, kung makita nyo sya e pakyawin nyo na ang paninda nya para makauwi sya ng maaga. Salamat din sa mga van operators na pa-Paliparan at sinasabay nyo si Nanay pauwi.

I am posting to hopefully inspire and touch more hearts, na sana we can extend our help to Nanay Gloria. Baka meron pong mga may pwesto bandang SM Molino or anywhere near the area kasi dun sya nauwi.
Kahit mesa lang sana na may silong at silya e okay na para naman makapagtinda sya sa normal na oras at makauwi ng di naman late. Though nais ko sana talaga ay matupad ang wish nya na magkaroon ng munting bahay at tindahan.

Heto po ang mga pics nya, masiyahin lagi si Nanay kahit sapin lang at payong ang dala, bukod sa mga laman ng basket/bag na paninda nya.
Mga paninda ni Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man

Di na nya kaya magdagdag pa ng upuan at lalabis na talaga sa kaya nyang bitbitin. Sana matulungan nyo po ko iparating ito sa mga posible pong makatupad – #WishKoLang #KMJS #MissionPossible #RatedK
Maligayang pasko sa lahat in advance! 💕 At nawa’y tularan natin si Nanay Gloria na di sumusuko at patuloy na lumalaban.

PANOORIN! Lolo, Inabandona ng kanyang mga Pamangkin matapos nyang Alagaan at Pag-Aralin.

Isang matandang lalaki ang nag-iisa sa maliit na barong-barong dahil iniwan ito ng kanyang mga pamangkin matapos nya itong palakihin at pag-aralin.

Si Tatay Ruben na 68-anyos at naninirahan sa sira-sirang barong-barong sa gitna ng gubat mag-isa.

Ayon kay Tatay Ruben ay wala umano syang asawa at anak at ang kanyang magulang at mga kapatid ay pumanaw na kaya sya na lang namumuhay mag-isa.

Noong kabataan nya raw ay sagana ito sa buhay at may magandang trabaho kaya inalagaan nya ang apat nyang pamangkin at pinag-aral. Sya umano ang nagbabayad ng mga tuition fee ng mga ito.

Nalulungkot si Tatay Ruben habang kinukwento na hindi nya na makita ang kanyang mga pamangkin. Ngayong matanda at mahina na sya, kailangan nya ng tulong ng mga ito pero kinalimutan na raw sya ng mga ito at meron na ding sari-sariling Pamilya.

Ang gusto lang ni Tatay Ruben ay maayos na matitirhan para kahit umulan o bumagyo ay hindi sya mababasa.

Tindero ng prutas na PWD, nαnℓυmσ nang mabayaran ng pekeng P1,000 ng isang customer

Isang netizen na si Kristien Javina ang nagpost sa kanyang facebook page tungkol sa tiyo niyang naglalako ng prutas na nabayaran umano ng pekeng ₱1,000.

Ibinahagi ni Kristien na bukod sa PWD ang kanyang tiyo ay senior citizen pa ito. Kaya naman nakakapanlumo na nagawa pa υmαnσng ℓσkσhιn ng isang cυstσmer ang kanyang tiyo.


Mula sa post ni Kristien sa kanyang page, bandang 11 ng umaga sa araw ng Pebrero 7, nang bumili ng isang kilong saging na nagkakahalaga ng ₱80 ang customer at huli na ng malamang nagbayad υmαnσ ng pekeng isang libong piso ang naturang customer.

Sobra namang nαnℓυмσ ang matandang PWD dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon, patuloy parin siyang naglalako sa kadahilanang may lima siyang mga anak na binubuhay.

Kaya naman hindi na naiwasang ibinahagi ni Kristien ang nangyari sa kanyang tiyo na umaasang maibalik ang sukling naibigay nito.

Matapos maibahagi ng pamangkin  ang nangyari ay laking gulat nito dahil sa dami ng nakakita ng kanyang post at marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.

Iniabot naman agad ni Kristien ang mga tulong na nalikom mula sa mga netizens na may mabubuting puso sa kanyang tiyuhin.

Makikita sa mga larawan ang kalagayan ng kanyang tiyo pati na rin ang pamilya nito para malaman ng netizens ang hirap ng sitwasyon ng pamilya ng vendor na sana’y hindi na nakaranas ng ραnℓσℓσkσ.

Laking pasasalamat si Kristien sa mga nagpahatid ng tulong sa kanyang tiyo dahil malaking bagay ito sa pamilya nito.

Isang banyaga ang ilang beses ng nαℓσkσ sa pinas ngunit hindi sυmυkσ at pinagpatuloy ang pamumuhay dito

Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ng isang banyagang taga-Wales, United Kingdom matapos niyang ipagpatuloy ang buhay rito sa Pilipinas kahit na il

Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ng isang banyagang taga-Wales, United Kingdom matapos niyang ipagpatuloy ang buhay rito sa Pilipinas kahit na ilang beses na siyang nαℓσkσ.

Pinili ng 28 taong gulang na si Anselm, isang Welshman, na manirahan na lamang sa Pilipinas simula nang mapangasawa niya ang isang Filipina na taga-Davao City noong 2016.

At tulad din ng ibang foreigners, napamahal na raw sa kaniya ang Pilipinas dahil sa nakabibighani nitong ganda at kultura.

Subalit, sa kabila ng pagpili niyang mamuhay sa bansang ito, maraming mga Pilipino ang nαgsαmαntαℓα sa kaniyang kabaitan – kaya naman, ilang beses na siyang nαℓσkσ.

Gayunpaman, upang mabuhay ang kaniyang pamilya at magkaroon ng mapagkakakitaan, napagdesisyunan ni Anselm na magtayo ng fishpond, kahit na wala siyang background sa ganitong uri ng trabaho.

Ilang buwan siyang nagsanay kung paano manghuli ng mga isda at kung paano niya ito maibebenta. Pinag-aralan din niya kung paano mamangka at ihanda ang mga kakailanganin sa kaniyang fishpond.

May mga mabubuting tao naman daw ang tumulong sa kaniya. Natuto na rin daw siyang magsalita ng Bisaya na siya namang nakatulong sa kaniya sa pagbebenta ng mga isda sa palengke.

Naranasan din niyang manirahan sa isang barong-barong na malapit sa kaniyang fishpond upang makatipid sa pagbibiyahe. Sa ℓσσb ng ilang buωαn ay tinitiis niya ang kαωαℓαn ng kuryente at walang maayos na patubig.