Home News 84-Anyos na Dating School Principal, Janitress na Lamang sa Eskwelahan na Kanyang...

84-Anyos na Dating School Principal, Janitress na Lamang sa Eskwelahan na Kanyang Pinaglingkuran sa Mahabang Panahon.

Ang buhay nga ay inihahalintulad sa gulong, na minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa ilalim, ibig sabihin na walang permanente sa mundo, lahat na natatamo natin ngayon ay temporaryo lamang na isang araw lahat ay pwedeng maglaho, kung nasa taas ka baka biglang bumagsak ka.

Isang halimbawa nito ay ang buhay sa ngayon ng isang dating Punong Guro sa Paaralan na ngayon ay isa na lamang Janitress. Marami ang naawa at nagulat sa naging trabaho ni lola matapos na ang kanyang tinuturing tahanan noon na Paaralan kung saan siya ay Principal, ngayon isa na lamang siyang Janitress.

84-anyos na si Lola na kinilala kay Pacita “Pacing” Piano.Inalala sya ng kanyang mga dating kasamahan sa pagtuturo at mga estudyante bilang isang istrikta ngunit mabait na guro, sa loob ng 40 taon na pagtuturo at 5 taon na pagiging punong-guro nito. Nang magretiro si Nanay Pacing noong taong 2000,nakaya nyang mamuhay ng maganda, dahil sa pension at retirement plan nya. Napagawaan nya pa ng bahay ang kanyang pamilya at napautang pa nya ang mga taong humihingi ng tulong pinansyal.

Sa di inaasahang pangyayari ang bahay na kanyang naipundar ay nasunog. At doon din nagsimula na di magbayad sa kanya ang mga taong may pagkakautang sa kanya dahil wala na syang maipakitang ebidensya, dahil naisama ito sa natupok ng apoy.

Ang kanyang anak naman na inaasahan nyang makakatulong sana sa kanya ay na barkada at nagkaroon ng masamang bisyo. Kaya naman wala nang magawa si Nanay Pacing kundi ang magtrabahong muli sa kabila ng kanyang edad.

Si Nanay Pacing ngayon ay kumikita lamang ng 2,500 pesos kada isang buwan. Ngunit wala syang sama ng loob sa kanyang anak at sa mga taong may pagkakautang sa kanya. Dahil maluwag nyang tinanggap ang kapalaran na itinakda sa kanya ng Panginoon.

Nawa’y muli po kayong makakabangon at makaahon basta’t alam niyong mabuti ang inyong ginagawa tiyak ipagkakaloob ng Panginoon ang buhay na maayos para sa iyo.

Sekyu nakapag tapos bilang isang Cum Laude, Guro na ngayon

Nakapag tapos ang dating sekyu na si Erwin Macua sa edad na 38-anyos ay pinagsabay nito ang kaniyang pagta-trabaho bilang sekyu sa gabi at studyante naman sa umaga sa kolehiyo sa kaniya mismong pinapasukan ngayon ay mag tatapos siya rito bilang isang Cum Laude sa STC Cebu City.

Saad ni Erwin Macua “Hindi ako makapaniwala na ga-graduate na ako, sobrang hirap ang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagta-trabaho, kapag may bakante akong klase ay natutulog sa maintenance room upang makapag pahinga, para rin makatipid sa pamasahe tatlong beses lang ako umuwi sa loob ng isang linggo”.

Dahil dito ay nagpursigi si Erwin na makapag tapos ng pag-aaral dahil minsan narin siyang nasabihan ng kaniyang mga anak na nahihiya ang mga ito dahil sa kaniyang trabaho bilang isang sekyu, at minsa’y nasabihan narin ng estudyante na minsan pinagbawalan niya itong palabasin at sinabing “kami naman ang nagbabayad ng sahod niyo galing yun sa tuition fee namin”.

Dahil dito ay pakiramdam niya nanliit siya sa kaniyang sarili, ginawa niya itong inspirasyon upang mag patuloy sa pag-aaral at palagi niyang sinasabi sa kaniyang mga anak na kahit anong mangyari ay dapat matuto tayong rumespeto ng kapwa. kahit ano man ang naging propesyon nito sa buhay.Hindi naglaon ay natupad din ni Erwin Macua ang makapag tapos ng Kolehiyo, at nakamit nito ang ganap na bilang isang Cum Laude ng paaralan. Makalipas lamang ng ilang buwan ay naipasa naman nito ang Board Exam na ngayon ay ganap ng nagtuturo bilang isang Guro sa pampublikong paaralan.

Guro Na Niyayakap Ang Mga Estudyante Bilang Pagbati Sa Pagpasok Sa Eskwela, Hinangaan At Pinuri

Ang pagbati sa mga nakakatanda lalo na sa ating mga guro kapag papasok sa paaralan ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto.
Ang nakasanayan na ng mga estudyante na kapag papasok sila sa eskwela at magsisimula na ang klase ay babatiin nila ang kanilang guro ng  tradisyunal na “Good Morning Teacher” o di kaya ay “Good Afternoon Ma’am/Sir.”
Para sa mga bata, tila baga automatic na ito dahil ito ang turo sa kanila. Ngunit ang isang Grade V teacher ng Arangkada Bawinges Bawing Elementary School sa General Santos City ay mayroong espesyal na pag-welcome sa kanyang mga estudyanteng pumapasok sa paaralan.

Makikita na ang guro na kinilala bilang si Delane Fernz Celeste ay binabati isa-isa ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng fist bump, high five at pagyakap.
Sa kanyang caption na isinulat ay sinabi niya na,
“Develop a passion in learning. If you do, you will never cease to grow. It’s more fun in Grade V-Celeste at Arangkada Bawinges Bawing Elementary School, General Santos City.
Ang naturang guro ay may kakaibang pakulo na bago para sa kanyang mga estudyante na ang bawat isa ay makikitang masaya at excited na batiin ng kanilang teacher. Sa gilid ng pintuan ay makikita ang mga signs na fist bump, high five, at hug.

Bawat papasok na estudyante sa classroom ay pipili ng sign na gusto nilang gawin ng kanilang guro. Halimbawa kapag tinapik nila ang picture na “yakap” ay yayakapin sila ng kanilang teacher na sumasalubong sa labas ng pintuan. Kapag high five naman, ay makikipag high five ang guro sa kanila.

Karamihan sa mga bata ay pinili ang “hug” na tila nais nilang mayakap ang kanilang guro bago magsimula ang kanilang klase. Pumangalawa naman ang “apir” o high five.

Nagbigay naman ito ng good vibes sa mga netizen sa social media lalo nang makita nila ang nakaka-touch na moment na pagyakap ng mga bata sa kanilang pangalawang ina. Narito ang kanilang mga komento.

“Ang cute nung hug. Especially for those kinds na medyo kulang sa lambing mula sa pamilya.”

“Wow pang good vibes early morning sa students and good mood sila sa klase.”

“Good strategy na ni maam for welcoming her students everyday tuloy excited ang anak ko papasok. good job maam.”