Home News 87-Anyos na Lola, 67 Years nang Nakatira sa Sementeryo, Nilalangaw ang Sugat...

87-Anyos na Lola, 67 Years nang Nakatira sa Sementeryo, Nilalangaw ang Sugat at Hindi Makalakad Dahil sa i Matukoy na Sak1t

Hindi na makalakad, nilalangaw ang sugat sa mga binti at may iniindang sakit sa kaniyang katawan. Ganito ang kasalukuyang sitwasyon ni Lola Adoracion sa isang sementeryo sa Mandaluyong City.

Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng matutuluyan, sa sementeryo na lang nanirahan sina Lola Adoracion. Ayon sa kaniyang mga anak, 67 years na silang nakatira sa sementeryo at nagpapalipat-lipat sa mga nitso.
Walang regular na pinagkakakitaan at umaasa lang sa ilang tulong na ipinaaabot ng ilang tao ang pamilya ng 87-anyos na lola.


“Sa ganitong buhay ko, hindi na ako [naghahangad] basta mayroon lang akong maitulong sa mga anak ko dahil mahirap kami. Heto, ‘di na ako makalakad kaya ‘di na ako makatulong sa kanila.”

Para kay Nanay Adoracion, ano mang tulong na kaniyang matatanggap ay ‘di lamang para sa kaniya kundi tulong na rin daw niya sa kaniyang mga anak.


Dahil sa kaniyang kalagayan, madalas humingi ng pansensya si Lola Adoracion sa kaniyang mga anak dahil umano sa pahirap na ibinibigay niya sa mga ito.

“Tanggap ko na ang [kalagayan] ko, hindi na ako nagpagamot dahil mahal pa ang gagastusin. Tinanggap ko na lang na ganito na ang buhay ko. Kaya sabi ko sa kanila, pasensya na kayo dahil ganito na lang ako.”


Gamot, pagkain, at maayos na matutuluyan ang kailangan ni Nanay Adoracion. Hiling din ng kaniyang mga anak na masuri ang kanilang ina dahil halos walong taon na raw ang nakalipas ‘nung huli itong madala sa ospital. | Via Piolo Veluz/GMA Public Affairs