Home Tech Arlene Muhlach, ipinagtanggol si Angel Locsin kay Mon Cualoping dahil sa sinabi...

Arlene Muhlach, ipinagtanggol si Angel Locsin kay Mon Cualoping dahil sa sinabi nitong no brain cells ang aktres

To the rescue ang beteranang aktres na si Arlene Muhlach para ipagtanggol si Angel Locsin.

Kamakailan lamang ay binatikos ni Philippine Information Agency (PIA) Undersecretary at Director General Mon Cualoping si Angel Locsin.

Sinabihan kasi ni Cualoping si Angel na walang brain cells.

Agad namang nag-react dito ang mister ni Angel na si Neil Arce at hinamon pa ang kawani ng gobyerno. Ngunit ayon kay Cualoping ay hindi umano niya papatulan si Neil.

Makatapos naman nito ay si Arlene Muhlach naman ang nagbigay ng kanyang pahayag laban kay Cualoping.

Saad ng aktres, “Grabe, there are so many of your acquaintances that you can lambast that truly affects our lives as Filipinos and here you go looking for someone who can UP your popularity by ruining what is pure and comes from the heart???!!!

“Nahanap mo pa talaga sya at ang comment nya??! wag naman ganun!! Wag manggamit para makilala.

“Pwede naman sa malinis na paraan para mag-ingay at mapansin ng mga botante! Kailangan bang gumamit ng sikat na may kasabay na paninira?? Respeto naman! makapanlait ka grabe.

“Ayusin mo mundo mo. You are supposed to serve the Filipino people. Hindi maghanap ng sikat to ride their coattails via negativity.”

May kahabaan ang sagot ni Usec sa aktres, “Dear Ms. Arlene Muhlach, to be honest, I am quite confused with your comment in one of my posts. I am your fan hence I know you aren’t a troll.

“I tried to decipher what you wrote. Please allow me to respond.

“I am sorry, Ma’am. But since day 1 in 2016, I have been consistent in defending the Government.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Bea Alonzo, aminadong hindi chini-check ang cellphone ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque: hindi ako selosa

Aminado ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi siya selosa.
Game na game si Bea sa “Guilty or Not Guilty” challenge sa unang guest appearance niya sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 nitong Linggo, September 12.
Sa nasabing show ay walng pag-aalinlangang sinagot ng aktres ang mga katanungan tungkol sa mga ex niya.

Unang tanong kay Bea ni Boobay na sinagot niya ng gulity ay, “Inunfollow ang ex sa Instagram. Guilty or Not Guilty?”

“Hindi lang in-unfollow, binlock sa lahat!” saad ni Bea. Hirit pang tanong ulit ni Boobay, “Bakit mo binlock? Bakit mo in-unfollow?”

Natatawang sagot naman ni Bea, “Pag-uusapan ba natin ngayon? I think alam niyo na…”

Natanong naman si Bea kung “pinakialaman ang cellphone ng boyfriend kasi pinaghihinalaang may ibang babae.”


“Proud ako diyan. Never akong nag-check ng phone… Never!” sabi ni Bea
“Hindi ikaw yung klase ng babae na tamang hinala?” tanong muli ni Boobay kay Bea.

“Hindi. I respect one’s privacy. Feeling ko kasi ‘yung cellphone parang toothbrush,” anang Kapuso actress.

“Tsaka feeling ko, binibigyan mo lang din lalo ng pasakit ‘yung sarili mo. Kasi kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko,” paliwanag pa ni Bea.

Sinabi rin ni Bea na hindi siya selosa na klase ng babae, kasabay ng pagbibiro niya sa isa sa kaniyang mga dating nobyo.

“Tsaka mamsh, ‘yung totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo ‘yung mga… well ‘yung isang ex… ‘yung ibang exes ko,” natatawa niyang sambit.

Kabilang sa mga dating boyfriend ni Bea sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at ang yumoang si Miko Palanca.

Sa nasabi ring panayam, sinabi ng aktres na husband material si Dominic pero wala pa raw sa priorities nila ang magpakasal dahil kinikilala pa rin nila ang isa’t isa.

Lola Zeny ni Dominic Roque, hawig na hawig ni Bea Alonzo noong dalaga pa ito.


Tila itinadhana talaga kung ituring ng marami ang magkasintahan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Nakaraang buwan lamang ng kumpirmahin nina Dom at Bea sa publiko ang kanilang relasyon. Ito ay matapos ang kanilang bakasyon sa Estados Unidos.

July 18 nang dumalo sila sa baby shower para sa tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo. Doon din nakilala ni Bea ang ibang mga kaanak ng nobyo.

Naka-bonding na din ni Bea ang pamilya ni Dominic at ibinahagi ng kanilang fan page ang mga litrato na kuha sa bahay ng aktor.

Makikita sa litrato na naroon ang mga magulang ni Dominic na sina Anthony Sr. at Lena.

Naroon din ang mga kapatid ni Dominic na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean. Asawa ni Anthony Jr. si Marian at anak nila si Claudia.

At kamakailan nga lamang, tila destiny daw kung maituturing talaga sina Dominic at Bea. Dahil viral ngayon ang litrato ng Lola Zeny ni Dom.

Kung saan makikita ang laki ng pagkakahawig ni Lola Zeny kay Bea Alonzo noong kabataan pa nito.

Ipinost ito ng Fan pgae ng magkasintahan at pinagdikit ang litrato nina Bea at Lola Zeny.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang nasabing litrato.
Narito ang ilan sa say ng netizens:

“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo.. Kau daw ang magkakatuluyan”

“Sabi nila pag may resemblance.. destiny talaga sila”

“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “

“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”.

Relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque naging open in public dahil sa bakasyon sa Los Angeles

Nang makauwi na ng bansa, mas lalong naging lantad na sa publiko ang relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Kahapon August 4, ilang litrato sa mga bonding nila sa Los Angeles ang ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram.
At tila wala ng kailangan pang itago si Bea.

Dahil mismong sa post niya ay makikita ang saya na kapiling niya ang kanyang “Hon”

“And into the forest I go, to lose my mind and find my soul” saad ni Bea sa caption ng kanyang unang post.

Kalakip nito ang litrato kung saan nakayakap siya kay Dominic kasama ang kanilang mga kaibigan.

Sa sumunod naman niyang post ay ipinahayag ni Bea ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik sa Manila.

Aniya ang pagpunta sa Yosemite ay ang first-time niya to do camping.

Namiss niya umano ang Manila pero sa pag-uwi niya ay namimiss niya din ang Yosemite.

“My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I’ll also miss being on the road exploring beautiful places. I’m already planning my next trip as I’m typing this,  pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna ”

Ganun din sa kanyang next post, inexpress ni Bea ang kanyang kasiyahan sa naging experience niya sa kanilang bakasyon.

Sa last post naman ng aktres ay hayagan ng ipinagmalaki ni Bea ang pagmamahalan nila ni Dominic.