Bagong larawan ni Ivana Alawi na may carpet sa ibabaw ng kanyang kama pinuna ng ilang mga netizens ngayon!

Palaisipan sa marami ngayon ang carpet na nakalagay sa ibabaw ng kama ni Ivana Alawi.

Isa si Ivana sa pinaka sikat na internet personality sa ngayon. Kaya naman bawat kilos ng dalaga ay napupuna ng mga netizens.
Kamakailan nga lamang ay agad nag viral ang video nila ng aktor na si Marco Gumabao. Kung saan makikitang sweet sila sa isa’t-isa.

Napansin din ng marami ang paghawak ni Marco sa hita ni Ivana kaya naman nabigyan ito ng ibang kahulugan.

Matapos nito ay marami ding ebidensya ang naglabasan na tila matagal ng may pagtitinginan ang dalawa.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom ang bibig nina Marco at Ivana ukol dito kahit pa man pinutakte ng mga netizens kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon.

Samantala, panibagong palaisipan na naman sa mga taga hanga ng sikat na aktres at vlogger ang napansin ng mga netizens.

Ito ay kung bakit daw mayroong carpet na nasa ibabaw ng kanyang kama. Na kamukhang kamukha din ng carpet na nasa sahig ng kanyang kwarto.

Nakita nila ito sa altest photo upload ni Ivana sa kanyang social media accounts kung saan nag-flex siya ng kanyang bagong hairstyle.

Isa sa mga agad nakapansin at nag-iwan ng kanyang komento ay si Xian Gaza. Saad nito, “idol ba’t pati sa kama may carpet”
Narito naman ang sagot ng netizens sa tanong na ito ni Gaza:

“sapin yun…para hindi mamantsahan yung kama”

“dami mo talaga napapansin sa likod ano”

“mayaman sila sa carpet, walang mapaglagyan na”

“para hindi mag mantsa yung ano, wag na nga lang magtalk”

“para walang Ebidensya HAHA”

“Pang kuskos ata yan sa paa sa mga hindi makatulog parang sa kulambo?

Ikaw sa tingin mo para saan nga ba ang carpet sa kama ni Ivana?

Ivana Alawi, kapag nakikita ang kapatid na si Mona Alawi na parang pinaghihinaan na ng loob dahil sa iniindang karamdaman nito.

Family-oriented, a woman who will give everything for her family.

Ganito kung ilarawan ng marami si Ivana ng mapanood ang interview niya sa vlog ni Ogie Diaz ngayong araw.
Sa kanilang pag-uusap, una nilang tinalakay ang mga rejections in life ng sikat na vlogger. Ginawa umano niyang inspirasyon ito to strive hard in life.

Ayon pa sa dalaga ay kuntento na siya kung ano man ang meron siya ngayon and she can’t ask for more.

Tinalakay din nila ni Ogie ang tungkol sa paghanga niya sa aktor na si Joshua Garcia. Inamin ni Ivana na nagkakausap sila through direct message ni Joshua sa Instagram.

Pero wala pa sila sa getting to know each other stage or any romantic relationships. Nag-uusap daw sila paminsan as a friend.

Naibahagi din ni Ivana na isa si Joshua sa pinapangarap niyang makatrabaho in the near future. Inamin din niya na hindi pa sila nagmi-meet in person.

Sa bandang huli ng kanilang pag-uusap ay naitanong ni Ogie ang tungkol sa kalusugan ng bunsong kapatid ni Ivana na si Mona.

Dito ay sinabi ng aktres na handa siyang ibigay ang lahat para mapabuti ang kalusugan ni Mona. Kaya umano niyang i-give up ang lahat para lamang gumaling ito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na diabe’tic si Mona at nagte-take na ito ng insulin. Kahit pa nga mismong si Mona na daw ang umaayaw ay hindi niya ito pinapakinggan.

Tuwing nakikita niya daw na pinanghihinaan ng loob si Mona ay umiiyak na lamang siya. At dito na naging emosyonal si Ivana.

Lagi niya umanong sinasabihan ang kanyang bunsong kapatid na lumaban. Kahit puro sakit ang nararamdaman nito.

Ayon pa kay Ivana ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya sa buhay.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan: