Home News Balut Vendor Noon, Isa Nang Ganap na Engineer Ngayon!

Balut Vendor Noon, Isa Nang Ganap na Engineer Ngayon!

Isang inspirasyon sa marami ang balut vendor na matagumpay na nakatapos sa kanyang pag-aaral at nakapasas sa licensure examination nitong Agosto 2021. Sa pagtitïnda ng balut ay naisakatuparan niya ang kanyang pangarap na makatapos sa pag-aaral. Ipinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral para matustusan ang mga gastusin niya sa eskwela. Payo naman niya para sa mga mag-aaral na gustong makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay lalo na sa mga working student, huwag sukuan ang mga ito.

Pasado sa August 2021 Sanitary License Examination ang dating magbabalut na si Benny Tomas mula Lallo, Cagayan. Aniya, ang tagumpay niyang ito ay iniaalay niya sa kaniyang mga magulang at mga kapatid. Pareho umanong magsasaka ang kanyang ama at ina ngunit natigil sa pagsasaka ang ina nang ma-str0ke ito noong 2020. Pang-lima si Tomas sa 9 na magkakapatid at siya pa lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral.

Kuwento niya, para makatulong sa mga magulang noong siya ay nasa kolehiyo ay nagbebenta siya ng balut noon para matustusan ang kanyang pag-aaral.


“‘Yong time management ko sa pagbebenta ng balut ay kapag sa tanghali po ay may break kami sa school ay pumupunta ako at bumibili ng balut na hindi pa luto tapos ilalagay ko sa boarding house ko. After ng klase, lilinisan ko ‘yong balut at iluluto tapos magtitinda na ako ng alas-6 hanggang alas-8 (ng gabi).”


“Kapag may mga homework po ako ay ginagawa ko pagkatapos ng pagtitinda ko or kapag may madami kaming break sa daytime, doon ko po ginagawa ang homework ko.”

Bahagi ng kaniyang baon ay ginagamit niyang puhunan para makabili ng candy na kaniyang ibebenta sa kanilang paaralan.

Anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, Nagtapos ng Kolehiyo Bilang Cum Laude

Isang anak ng barangay tanod at kasambahay ang nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude.

Walang kahit anong klaseng kahirapan ang kailanman kayang sumupil sa isang matayog na pangarap at mithiin ng isang estudyanteng puno ng pagpupursige, diskarte at ng dedikasyon.

Tunay na inspirasyon ang storya ng isang mag-aaral na kailanman hindi nawawalan ng pag-asa. Kahit pa lumaki sa hirap at kasalatan sa maraming bagay, hindi ito naging dahilan ni Jhonrick Orense upang limitahan ang tayog na pinapangarap niyang tagumpay.


Kapwa hindi nakapagtapos ang kanyang mga magulang at tatlo pa niyang mga kapatid sa pag-aaral. Namamasukan umano bilang kasambahay ang kanyang Nanay at Barangay tanod naman ang hanapbuhay ng kanyang Ama.

Aminado ang mga magulang ni Jhonrick na pagka-graduate pa lang niya ng high school ay sinabihan na agad nila ito na huminto muna sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at maghanap nalang ng mapapasukang trabaho.

Ngunit hindi siya nagpapigil sa desisyon ng magulang, siya na mismo sa sarili niya ang humanap ng oportunidad at mga paraan upang makapagpatuloy lang sa kolehiyo.

Sinekreto niya ang kanyang pagkuha ng mga exams sa ibat-ibang mga Unibersidad at Colleges. Hindi rin niya pinapalagpas ang pag-aaply sa lahat ng mga scholarship program meron na ini-ooffer ng local government unit maging ng mga paaralan.


Saka nalang niya sinabi sa kanyang pamilya nang makapag enroll na siya at lalo siyang nabuhayan ng loob sa suporta na binigay ang kanyang mga magulang na gagawin ang lahat hanggang makapagtapos siya.

Upang matustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral, pinasok niya ang pagraraket-raket gamit ang kanyang talento sa Art at tinatabi niya ang pera para hindi na popropblemahin pa ng mga magulang niya ang pang-allowance niya.

“Gumagawa din po ako logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops related to art,”
Humugot siya ng malaking inspirasyon sa kanyang mga magulang at sa estado ng kanilang kinamulatang pamumuhay na sobrang kahirapan.

“I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape,”

Aminado ang mga magulang niya na lubos din silang nasasaktan kapagka may kailangan bilhin ang anak para sa pag-aaral pero hindi niya mabili-bili dahil 25 pesos lang ang allowance ni Jhonrick, pero dahil sa diskarte niya, napagkakasya niya ang pinaghihirapan ng kanyang magulang.

“Pag nakikita ko yung mga certificate at medals niya, masaya po ako. Napakasipag at matiyaga sa pag-aaral niyan. Pumapatak po luha ko sa tuwing nakikita kong sinasabitan siya.”
Nakapagtapos at grumaduate si Jhonrick sa International Peace Leadership College Tanay, Rizal sa kursong Bachelor of Arts degree in Journalism at nakatanggap ng mataas na parangal bilang isang Cum Laude.

May ibinahaging payo din siya sa mga katulad niyang kapos sa buhay pero may gustong patunayan at abutin na mga pangarap.

“Kung nakakapag-isip ka ng tama, better look for a ways at iba pang mga paraan pa bukod sa aasa lang tayo sa mga magulang natin. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para matupad at mangyari ang gusto mo.” salaysay niya.

“This is not to boast my achievements. Rather, this is to inspire and motivate everyone who think they can’t. Just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinarily,” pamamahagi niya ng inspirasyon.


Muli na namang naghatid ng inspirasyon ang babaeng ito matapos maging Top 2 sa Board Exam noong 2015, dahil napagawa na nito ang kanilang bahay.

Matatandaang marami ang humanga kay Lah Seraspi ng makapagtapos ito ng Bachelor of Science in Education Major in Biological Science sa Romblom University sa kabila ng kahirapan ng kanilang buhay.

Bukod kasi sa kubo ang kanilang tinitirahan ay wala pa raw umano silang kuryente ng panahong iyon, at maswerte na umano sila kapag may mai-uuwing 100 piso ang kanilang ama panggastos sa pangaraw-araw na pagkain.

Lahat ng pinagdaanan ni Lah ay naging dahilan para magsumikat sya sa buhay at maabot ang kanyang mithiin sa buhay.

Matapos ng limang taon ay napagawa na ni Lah ang kanilang bahay na dati umano ay kubo, ngayon ay bato na.

Dahil yan sa kasipagan, determinado at madiskarte ni Lah upang maiangat ang kanilang pamilya sa hirap.

Ito ang post ng isang page sa fb,
“Natatandaan nyo ba si Lah Seraspi? yung nag Top 2 sa Board Exam nung 2015 na nakatira lang sa maliit na kubo. Eto na po sya at ang bahay nya ngayon, Wala talagang imposible sa taong nagsisikap at madiskarte sa buhay.. wag lang tayo mawawalan ng Pag-asa sa at maniwala kay God at sa kakayahan natin.”