Home News Bata Na Tinutulungan Ang Nanay Na Maglako Ng Almusal At Meryenta, Hinangaan

Bata Na Tinutulungan Ang Nanay Na Maglako Ng Almusal At Meryenta, Hinangaan

Kadalasan ay madami tayong reklamo sa buhay. Minsan, konting hirap lang ay agad na tayong nagrereklamo at hindi natin iniisip na mayroon pa palang ibang tao na mas mabigat ang pasan problema at dinaranas na paghihirap.

Kaya’t mainspire sa kwento ng isang batang ito na kahit sa murang edad niya ay wala siyang reklamo kahit na siya ay tumutulong sa nanay niyang naghahanap buhay.

Ibinahagi ng netizen na si Paul V. Demillo ang isang bata na nakilala bilang si OG John Rei. Inumpisahan niya ito sa,

“Baka masyado ka ng hirap sa buhay mo. Share ko lang sayo story nito ni OG John Rei.”

Photo Credits: Paul V. Demillo/ Facebook

Wika ng netizen na umaga pa lang daw ay maririnig mo na ang boses ng batang ito na sumisigaw ng “Almusal,” habang bitbit ang kung ano ano mang panindang almusal na dala niya. Kasama raw ng bata ang kanyang nanay na naglalako na tulak tulak naman ang kariton dala ang iba pa nilang mga paninda.

Tuwing hapon naman daw ay “Merienda” naman ang sigaw ng bata, bitbit ang kanilang mga panindang pang meryenda.

Saad ng netizen, kung ang batang si OG raw ay gumagawa ng paraan para mabuhay at makatulong sa kanyang ina na maghanap buhay, siguro naman ay kaya rin natin itong gawin lalo na’t mas may karanasan tayo sa buhay kumpara sa kanya.

Dagdag ng netizen,

“Kung nahihirapan tayo tol, baka mas nahihirapan din siya lalo sa mura niyang edad. Kaya yung hirap ng buhay na iniisip natin, baka sigurong likhang imahinasyon lang natin yun sa isip natin. Naka depende lang siguro sa isip natin ang lahat ng yun. Siguro, state of mind lang lahat ng yun.”

Photo Credits: Rosafire Suanque Navarro/ Facebook

Isang netizen rin ang nagkomento at nagpatunay na talagang napaka-sipag raw talaga ng batang ito at ang kanyang nanay na kasama niyang naglalako ng sari saring paninda nila.

Maraming netizens rin ang sumaludo at humanga sa kasipagan ng bata at sinabi na sana ay pagpalain pa siya ng Panginoon. Kung siya ay bata pa lang pero walang reklamo sa paghahanap buhay, sana ay maging inspirasyon siya iba na mas marami ang reklamo kaysa sa trabaho.

Batang itinaboy habang nagbebenta ng sampaguita, tinulungan ng isang napakabuting Netizen

Sa panahong kinakaharap natin ngayon, sobrang daming mga realisasyon sa buhay ang bumago sa pananaw ng bawat isa kung saan ang kaunting pagiging mabuti at pagmamalasakit sa bawat isa’y napakahalaga.

Ibigay ang libreng mga simpleng ngiti, at huwag palampasin ang pagkakataong makapagbigay ng kahit maliit na tulong para mga taong mas nangangailangan ngayon.

Katulad nalang sa isang post ni Guila Marie na nag viral ngayon sa social media dahil sa isang napakagandang pangyayari na kanyang nasaksihan at nakapagbigay ng malaking impact para sa kanilang mga nakakakita sa kabutihang ipinamalas ng isang netizen.

“Nakakatuwa at nakakataba ng puso ? Yung nakatulong sya dun sa bata, pero ang laki nung impact dun sa mga nakakita,”

Habang nakapila sa loob ng isang fastfood chain upang omorder ng pagkain, may isang bata na nag-aalok ng kanyang binebentang bulaklak ng sampaguita, ngunit pilit itong pinapalabas ng mga crew member ng sikat na kainan dahil bawal umano ito sa loob at walang suot  na [email protected] ang bata.

Nakita ng marami ang pagmalasakit ng isang customer na babae sa bata, binigyan niya ng tulong ang bata at sinuotan ng [email protected]

“Girl: eto 50 sayo nalng yan.

Bata: salamat ate gusto kong ibili to ng Ice cream. Gusto ko pong matikman yan.

Girl: sige tara bili kita.”

Kahit pa sa murang edad at ang dapat ay nag-aaral o di kaya’y ini-enjoy ang kanyang kamusmusan tulad ng ginagawa ng mga bata, hindi nagpatinag ang bata sa kanyang paghahanapbuhay marahil dahil kailangan upang makatulong sa kanyang pamilya.

Umani naman ng mga papuri at pasasalamat mula sa  mga naantig na mga netizens ang taong may mabuting kalooban na tumulong sa bata na kinikilalang si Arlene Torres Lachica.

Narito ang kabuoang post Guila Marie:

Iba yung feeling kapag nakakawitness ka ng ganitong klaseng kindness.

Pumasok ako ng mcdo kasabay tong girl na to, ng biglang may batang nag aalok ng sampaguita sa kanya.
Nung una pinalalabas ng mga crew yung bata kasi bawal daw magbenta sa loob.

Pero ayaw nya lumabas ng hindi daw kami bumibili. ?

Bata: te pakyawin mo na tong tinda ko. 100 nalang po lahat. Sige na po

Girl: eto 50 sayo nalng yan.

Bata: salamat ate gusto kong ibili to ng Ice cream. Gusto ko pong matikman yan.

Girl: sige tara bili kita.

Nung after nilang umorder, pinalalabas ulit yung bata ksi wala syang Mask.

Pero dahil sa care ni ate Girl kumuha sya ng mask sa bag nya. Binuhol nya yung tali tpos sinuot dun sa bata.

Yung simpleng araw mo nag iiba kapag nakaka kita ka ng mga ganito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ?

Yung nakatulong sya dun sa bata, pero ang laki nung impact dun sa mga nakakita.

Source:  Guila Marie

Service Crew Ng Jollibee, Hinangaan Ng Pakainin at Tulungan Ang Isang Taong May Kapansanan Na Pasilip-silip Lamang Sa FastFood Restaurant

Kaagaw-agaw pansin nga ang ginawa ng isang binatang service crew ng isang fastfood chain mula ng alalayan at pakainin ang isang may kapansanang lalaki dahil sa ito’y gutom na gutom na. Ang service crew na lalaki ay tapos na sa kaniyang gawain at balak na sanang umuwi ng mga oras na iyon ngunit napansin niya ang nakaupong lalaki sa loob ng fastfood chain na kaniyang pinagtatrabahuan.Naramdaman ng service crew na mukhang sabik na sabik kumain ngunit siya lamang ay tumitingin sa mga taong kumakain at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi ito bumibili, ayon sa social media post. Kung kaya’t hindi nag-alinlangan ang service crew na tumungo at tinanong kung siya ba ay kumain na.

Doon niya lamang nahinunaha na hindi pa kumakain ang lalaki at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi makabili. Yaon, sa kalagayan ng lalaki naawa ang service crew kahit na ganito man ang kanilang estado ay hindi nag-atubili na bilhan ng makakain ang lalaki gamit ang kaniyang pera at saka ibinigay sa lalaking may kapansanan. Datapwa’t, hindi maayos na maigalaw ang kamay ng lalaki na nagpapahirap sa kaniyang pagkain dahil sa meron itong kapansanan.

Sabi naman ng service crew dito, “Ako na po ang magsusubo sa inyo upang makakain kayo ng maayos.” Labis naman ang tuwa ng lalaki dahil sa ginintuang puso ng service crew na siyang tumulong sa kaniya. Ang kaganapang ito ay nakuhanan ng larawan ng isang netizen na noon pala ay nakasulyap sa pwesto ng dalawa at nakikinig sa service crew. Ang idea ng netizen na ito nakuhanan at naibahagi sa social media dahil nainspire at napahanga ito sa ipinakitang kabutihang loob ng naturang service crew.

Sa nakalipas ring iyon ay mabilis na lumaganap o nagviral ang naturang larawan sa social media at umani ng magaganda at positibong komento mula sa mga netizens. Ilan lang sa kanila ay nagpakita ng paghanga para sa service crew at walang pag-aalinlangang tinulungan ang lalaki. Ang ilang komento ay narito mula sa mga netizens:
“Blessing that you never have imagine are awaiting for you. You will bump on them sooner or later po. Godbless po Mr.Crew.”

“Grabe nakakaiyak madami pa talagang tao na may mabuting puso sa kabila ng lahat.i salute u sir ??? salamat sa mabuting gawain na pinakita mo na walang kapalit……”
“Ang bait mo naman saludo ako sa mga ganyang tao hindi naghihinayang para makatulong sa kapwa maganda ang pagpapalaki ng magulang mo sayo god bless keep safe.”