Home News Batang tampok sa kmjs noon, may sariling bahay at sasakyan na ngayon

Batang tampok sa kmjs noon, may sariling bahay at sasakyan na ngayon

Ang determinasyon natin na maiangat ang buhay ay tila isang paglalakbay na hindi alam kung saan hihinto. May mga umangat sa buhay dahil sa sariling sikap, mayroon din naman na umangat dahil din sa tulong ng mga tao.

Ang dating araro boy na si Reymark Mariano na tampok dati sa KMJS ng GMA Network kung saan nailahad sa atin ang napakahirap na sitwasyon ng isang bata. Nakakulong ang ama at may ibang pamilya na ang ina. Kaya labis ang kanyang pagsusumikap na sa murang edad ay nag-aararo na ito upang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Marami ang naawa at nagbigay ng tulong sa bata. Gaya na lamang ng isang food samaritan na umako sa pagpapaaral kay Reymark, bukod pa dito ay pinapadalhan rin siya ng buwanang suporta pinansyal sa pangangailangan nito. Dahil nga sa napakaraming donasyon ay nakapagbukas ng bank account ang bata para dito ilagay ang mga donasyon.

Kung dati ay hirap sa buhay ngayon ay masaya na ang bata dahil nabibili na niya ang lahat na gustuhin niya. Tumigil na rin siya sa pag-aararo bagkus ay may sarili na siyang sakahan ng mais. Dagdag pa nito ang pagkakaroon niya ng van at pick-up. At higit sa lahat ay may maayos at magandang bahay na ang bata. Plano rin nila na magbukas ng tindahan para sa mga kapitbahay nila sa lugar.

Marami ang nahabag at tila nagkaisa ang marami sa pagsuporta sa bata. At ngayon ay masasabing maayos na ang kanyang kalagayan. Nakakatuwa dahil may isang buhay ang nabigyan ng pag-asa upang makabangon at makapag-umpisa ng maayos para sa kanyang kinabukasan.

Isang tunay na inspirasyon ang batang si Reymark na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay at makakamit din ang panibago at maliwanag na kinabukasan. Sa sipag, dasal, tiwala at katatagan sa sarili ang magbibigay sa atin ng mas magandang pamumuhay.