Miss Universe consultant na si Miss O sinabing malaki ang chance ni Liza Soberano na manalo sa mga beauty pageants

Ayon kay Olivia Quido ang Miss Universe’s official skin care partner, malaki umano ang tsansa ni Liza Soberano. Kung sasali ito sa beauty pageants.

Matagal ng hinihikayat ng maraming netizens at mga celebrities ang Kapamilya actress na sumali sa mga beauty pageants.

Pero ayon kay Liza ay wala siyang balak sa ngayon para dito. Hindi daw para sa kanya ang mg abeauty pageants dahil mahiyain siya.

Pahayag ni Liza noon, “As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me.

“I’m an intr0vert and stages with a huge audience sc4re me half to d34th (as ironic as it may sound).”

Samantala, isa sa mga consultant ng Miss Universe na si Olivia Quido si Liza ang bet niya. Nanag matanong kung sinong Pinay celebrity ang nakikita niyang pwede sa beauty pageants.

Saad nito sa panayam ng PUSH, “Si Liza Soberano, no questions asked. Number 1 ko sa linya si Liza Soberano. I think she’s going to be a good asset. Ang galing magsalita, ang ganda, ang tangkad. And also, napakaganda ng mukha. I think she has a very good chance if she were to join the pageant.” 

Ang tanong tuloy ng marami, magababago pa kaya ang isip ni Liza at sasali na ito sa mga beauty pageants?

Dahil sa tila couple ring na suot, Enrique Gil at Liza Soberano pinaghihinalaang engaged na!

Engaged na nga ba ang real and reel life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano?

Ito ang usap-usapan ngayon ng mga netizens dahil sa mga larawa nilang kumakalat ngayon sa social media.

Hindi kasi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang tila couple ring na suot ng magkasintahan.

Nag research pa ang kanilang mga followers at napag-alaman nila na isang Cartier love wedding band ang suot ng dalawa.

Kaya naman naging excited na ang napakaraming fans ng LizQuen kung sakaling totoo nga ag balitang ito.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Walang silang ganyang singsing dati OMG Lizquen! Napakasaya namin Godbless you twoGether Forever”

“Yes finally, I am so happy for both yous, plis go marry already stop delaying it. You both were made n meant for each other for Life”

“Parang nag propose ata si quen nong bday ni liza remember yung ring na caption sa ig post ni joross. Feel ko lng, ilove lizquen”

“Engaged? Wow right time”

“It’s about time to reveal the truth, LizQuen”

Hindi ito ang unang beses na lumabas ang haka haka na engaged na nga sina Liza at Enrique.

Nauna na itong napabalita noong birthday ni Liza noong January ng mag celebrate sila sa Siargao.

Sa araw ngang iyon ay napuno ng pagbati mula sa mga netizens na siyang nagmamahal sa nag iisang Liza.

Ngunit wala ng mas tatamis pa sa pinaka mahalagang pagbati mula sa nag iisang tunay na nagmamahal sa kanya kundi ang kanyang boyfriend na si Enrique.

Kasunod din nito ay ang pagbati ni Joross noon na may kalakip na ring emoji.

Ngunit ayon naman kay Liza noon ay hindi niya itatago kung talagang engaged na sila ni Enrique.