Home News Bulag mula pagkasilang, nakatanggap ng ayuda matapos manawagan ng tulong

Bulag mula pagkasilang, nakatanggap ng ayuda matapos manawagan ng tulong

Napakahirap para sa isang indibidwal ang mamuhay sa dilim ng pagiging bulag lalo na kung ito’y mag isa lang at wala ng mga magulang upang sa kanya’y gumabay.

Kaya’t swerte pa ring maituturing ang babaeng ito na may kapansanan sa mata dahil sa pagkakaroon ng tiyahin na nakahandang umalalay sa kaniya at tunay siyang minamahal.

Sa isang serbisyo publiko na isinagawa ng programang 103.1 Brigada News FM – Palawan sa Facebook. Itinampok nila ang kaawa-awang bulag na si Cherry Basa, 32 taong gulang.

Unang itinampok ng programa ang kalagayan ni Cherry noong Setyembre 7 nang manawagan ang tiyahin nito na si Ofelia Bandojo mula Purok Manggahan Barangay Tanatanaon Dumaran, Palawan.

Ayon sa kaniya, simula ng isinilang si Cherry ay hindi na nito nagawa pang masilayan ang ganda ng kanilang lugar dahil sa naturang kondisyon nito.

Lalo pa umanong sinubok ng buhay ang kawawang bulag, ng maulila ito sa magulang matapos bawian ng buhay ang kaniyang ina, pagkatapos nitong manganak sa isa pa niyang kapatid.

Mula noong mawalan ng magulang si Cherry ay ang mga tiyuhin at tiyahin niya na ang nag-alaga sa kanya sa bayan ng Dumaran.

Ngunit dahil sa kani-kaniyang prayoridad ay hirap din ang mga ito sa pagtustos sa mga pangunahing pangangailangan ni Cherry, lalo na nitong panahon ng pandemya.

Makalipas ang halos dalawang linggo mula ng manawagan ang kaniyang tiyahin na si Ofelia Bandojo ay matagumpay na naipaabot ng nasabing programa ang mga tulong na natanggap ng Brigada News para kay Cherry.


Mahirap man matunton at maputik man ang daraanan patungo sa kinaroroonan ng 32-anyos na bulag. Hindi naging hadlang ito upang makarating ang mga nakalaang ayuda para sa kaniya.

Nabigyan ang pamilya ng bigas, pagkain, gatas mga damit at iba pa dahil sa mga nalikom na tulong mula sa iba’t ibang inidibidwal. Nakatanggap din ng cash ang pamilya na galing sa mga naghulog sa Brigada G-Cash account.

Lubos na nagpapasalamat si Cherry sampu ng kaniyang mga mahal sa buhay sa mga mabubuting puso nagkusang tumulong sa kaniya at naging instrumento para siya’y mabiyayaan ng mga pangangailangan.

Pinasalamatan din ng programa ang mga sumusuporta sa kanila at sa mga ginagawang pagtulong nito sa kanilang magandang adhikain.

Samantala, wala namang nabanggit ang Brigada News ukol sa kinarorooan o kalagayan ng ama ni Cherry Bandojo.

Isang Ina, Nananawagan ng Tulong Pinansyal para sa kanyang Anak na Mayroong Malubhang Karamdaman.

Tunay ngang mahirap ang magkaroon ng sakit sa panahon ngayon, sapagkat bukod napaka mahal ng maari mong bayaran sa ospital ay puro puno din dahil sa sakit na lumalaganap ngayon. At dahil dito ay isang ina ang nanghihingi ng tulong para sa kanyang anak na mayroong malubhang karamdaman.

Lakad loob ng ipi nost sa facebook ni Shiela Par ang kalagayan ng kanyang anak upang makahingi ng tulong. Ang kanyang anak kasi ang may Schemic Stroke at maψroon d1ng Vçntricular Septal Dæfect o butas sa kanyang puso, na naging dahilan ng panghihina nito. Dahil din dito ay nangayayat na ang kanyang anak.
Dagdag pa ni Shiela ay ang mga gamot daw na kinakailangan ng kanyang anak ay may kamahalan ang presyo, at dahil sa kanilang kakulangan sa pinansyal ay nahihirapan sila sa pag bili nito. Kaya ngayon ay humihingi sila ng kahit kaunting tulong para sa kanyang anak.

Para sa mga nais tumulong ay narito ang kabuuang post: magandang araw po sa lahat ng makakabasa neto at madadaan ng post ko na ito ako po ay kumakatok at hihingi ng tulong financial para sa pang araw araw na gamutan ng aking anak sya po na Schemic stroke at meron dn po syang Ventricular Septal Defect o butas po ang kanyan puso ..Ang kanya pong mga gamot at hindi mura ang mga presyo dahil po sa kakulangan namin ,kung kayat kami po lumalapit sa inyo .Malaki man po o naliit pag pinag samasama malaking tulong po iyan saamin at sa aking anak dyos na po ang bahalang mag balik sa inyo ng kabutihan nyo Maraming salamat po Gcash no:09508320668 loraine B.

Ama na kahit bula’g ay nagbebenta parin ng walis tambo upang maipaayos ang kaniyang bahay dahil nasira ito sa bagyo.

Måhirap ang kala1gaψan ng mga taong may k6pansœnan, dahil sa kanilang kalagayan nahihirapan silang makahanapbuhay para sa kanilang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngunit, hindi makikita sa kanila ang kawalan ng pag-asa sapagkat para sa kanila habang may buhay may pag-asa


Isa na rito ang kalagayan ng isang lalaking bulag na sa kabila ng kaniyang madilim na mundo ay nagagawa pa nitong maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda nito ng mga walis tambo. Ang lalaking ito ay nakilala sa isang Youbube vlog ng vlogger na si Virgelyncares, siya ay si Tatay Jimmy. Sa araw-araw na paglalako ni Tatay Jimmy ng walis tambo, hindi umano ito natatakot na maglakad mag-isa sa kalsada habang siya ay naglalako. Sa layo ng kaniyang nilalakad araw-araw hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang nilalakaran dahil lagi niyang gabay ang kaniyang tungkod


Dahil sa kaniyang kalagayan napaantig ang puso ng vlogger na si Virgelyncares nang makita nito sa social media ang larawan ni Tatay Jimmy na pagod na pagod na sa kaniyang pagtitinda kahit tirik na tirik ang araw. Hinandugan ng tulong ng vlogger si Tatay Jimmy, upang maipagpatayo niyang muli ang kaniyang nasirang bahay. Sa pag-iinteview sa kaniya ng vlogger nabanggit ni Tatay Jimmy na kaya siya nag-iipon ng pera mula sa kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga walis tambo ay upang makapagpatayo siyang muli ng maliit nga tahanan

Kaya naman dahil kinaantigan ng vlogger ang kaniyang kalagayan binigyan siya nito ng pinansiyal na tulong maitayo niyang muli ang kaniyang tahanan na nasira ng nagdaang mga bagyo. Hindi lang iyon ang natanggap ni Tatay Jimmy pati na rin pangkabuhayan ay binigyan siya nito, upang hindi na siya maglako pa ng mga walis tambo sa daan na lubhang delikado para sa kaniya

Tunay ngang kahit anong hirap ang dinaranas ng isang tao, hindi pa rin nawawala ang pag-asang may magandang bukas ang laging naghihintay sa bawat araw na magdaan