Home News Bumili ka para may makain ako,” pang-aalok ng matandang patuloy parin sa...

Bumili ka para may makain ako,” pang-aalok ng matandang patuloy parin sa paghahanapbuhay

Ang ama ay kilala bilang tumatayong haligi ng tahanan, ang bumubuhay at tumataguyod ng buong pamilya. Kahit na sila ay pagod na ay hindi pa rin maaaring tumigil at sumuko, patuloy na lumalaban kahit pa nahihirapan. Ang isang matandang ito ay patunay na magpahanggang ngayon ay kumakayod parin sa paghahanap-buhay ngunit hindi na para sa kanyang pamilya kundi para sa kanyang sarili nalang. Si Ronald Ancero Casil, isang concern citizen ang nagbahagi sa kanyang Facebook post.

Ang matandang si Lolo Tony Pano ay kaniyang nakita, mag-isa nalang ito sa buhay, at tanging pagtitinda ng lamang dagat lamang ang kanyang pinagtutustos sa kanyang pang-aaraw-araw na pangangailangan. Sa video na kanyang kuha, makikita na halatang nanginginig ang matanda habang siya’y inaalok na bumili sa kanyang nakabaldeng mga halaan upang siya ay may maipambili ng kanyang makakain at pamasahe niya pauwi sa kanila.

Nang ito’y tanungin ni Ronald tungkol sa kanyang asawa at mga anak, sinabi niya na matagal narin na wala na ang kanyang asawa at ang mga anak naman niya ay may sarili na ring pamilya kaya siya na lamang ang naiwan mag-isa. Hindi alintana ni Lolo Tony ang banta ng lumalaganap na sakit ngayon, lalo pa sa kalagayan niyang may edad na at mahina na ngunit wala marahil itong ibang paraan upang buhayin ang sarili Ang matanda ay kumikita lamang ng limang piso sa kada isang takal na maibenta niya, pilit na piagkakasya ang maliit na kita para sa kanyang pagkain at pamasahe pauwi sa kanila. Nag-abot din si Ronald ng kaunting tulong sa matanda dahil nahihilo na umano ito sa gutom. Narito ang kanyang buong post: NAHIHILO NA AKO, BUMILI KA PARA MAY MAKAIN AKO, HINDI PA AKO KUMAKAIN.  Habang may nilakad ako nakita ko si Tatay na nagbebenta at naka-upo mismo sa harap ng simbahan.

Nilapitan ko siya ka-agad dahil wala nang bumibili sa binibenta niya. Dinadaanan lang din siya noong ibang nakakita sa kanya at tinanong ko siya kung ano binibenta niya at kung taga saan siya at ito ang kanyang mga sagot. Gutom na gutom na raw siya dahil hindi pa siya kumain, kulang pa daw pamasahe niya pauwi sa pinanggalingan niya. Ito na raw yung pinagkakakitaan niya kahit limang leso lang ang kanyang kinikita kahit sa isang timba. Para lang daw may matustos at magamit para sa pang araw-araw ni Tatay. Siya raw ay taga Panas, Candijay, Bohol. Dadag ko rin sa kanya, kung makita ko siya ulit bibigyan ko pa rin siya ng kunting tulong kahit papano.

Sa mga gustong tumulong at mag supporta sa mga lakad ko para sa kapwa. Nandito po yung Banknet account ko. Cebuana Bank Account Number: 001082016039 Casil, Ronald Ancero Maraming salamat sa inyong mga supporta, mabuhay po kayong lahat! Sana matulongan ulit natin si Tatay at mabigyan din natin ng mga Blessings kagaya ng iba nating pinuntahan.

WATCH | Lola na malapugad ang bahay, patuloy paring inaambunan ng biyaya galing sa netizen

Sa pagpapatuloy ng pagtulong ng mga netizen at ng Vlogger na si Archie Hilario kay lola dodoy ay inuna nitong ipinaayos ang bahay nito. Sa kanilang pagbabalik ay malapit ng maayos ang bahay nito gayun din ay may dala pa itong mga konting pagkain para dito.

Lubos na nagpapasalamat ang matanda sa tulong na kaniyang natatanggap bukod pa dito ay nagpapasalamat siya sa may ari ng lupa na pumayag na ipaayos ang tinatayuan ng kaniyang bahay. Sa puntong ito ay iniabot na ng vlogger ang mga konting tulong na galing sa mga netizen,

Tulad ng radio, damit, solar para may ilaw siya pag sapit ng gabi, ayon kay lola sa lumang bahay muna siya namamalagi habang hindi pa natatapos ang bahay nito. Isa isang pinasalamatan ng matanda ang mga tumulong dito na mula pa sa ibang bansa.

Ayon sa matanda ay mas maginhawa na ang pamumuhay nito hindi tulad noon na halos gumapang at nayuko na lamang sa tagpi tagping bahay nito, pagdating naman sa pagkain ay sa sobrang kapos at panghihinayang ay nagagawa nitong kainin ang natirang pagkain kahit na ito ay panis na.

Sa tulong ng vlogger na ito ay unti unting nagkakaroon ng pag asa ang matanda patungo sa maginhawang buhay kung kaya’t pursigido silang matulungan ang matanda gayon na rin ang mga netizen na walang sawang pagsuporta sa kanilang adhikain.

Kitang kita sa ngiti ng matanda ang lubos na pasasalamat sa mga ito dahil wala itong ibang pamilya, kung meron man ay nag iisang kapatid lamang ngunit kapos din sa buhay kung kaya’t mag isa lamang itong namumuhay sa gitna ng kagubatan.


Ang kabutihan ng puso ay hindi matutumbasan ng anumang materyales kung kaya’t tumulong sa mga kapos sa buhay, hanggat tayo ay nabubuhay gumawa lang tayo ng kabutihan sapagkat ito ang ating misyon, mas nakakagaan ng loob ang ngiti ng isang tao na alam mong tinulungan mo na walang hinihinging kapalit.

WATCH | Isang lalaki sa gitna ng kagubatan, tinitiis ang katiting na sweldo sa loob ng 4 na buwan.

Isang grupo ang napadaan sa kubo ng isang lalaki na nag ngangalan na Sharwin Sabino 39 taong gulang, ayon dito ay nag iisa na lamang siya sa buhay dahil namatay na ang asawa nito sa sakit na cancer at hindi man lang sila nagkaroon ng anak.

Dahil sa sakit ng kanyang asawa dalawang beses itong nagpabalik balik sa ospital at hindi naka ipon para ipagawa ng kanilang bahay, sa ngayon ay pag gawa ng pilapil at pagbabantay ng niyog ang kanyang ikinabubuhay, at kapag may niyog gagawin niya itong kopra upang makabili ng bigas at pang gastos sa pang araw araw.

Ngunit kailangan munang maghintay ng tatlo o hanggang apat na buwan upang maka-ani ng niyog bago ito maka sweldo. Pilit na pinagkakasiya ni Sharwin ang kanyang sweldo, kung walang ani ay maghahanap siya ng ibang trabaho para lang magka pera.


Halos magtatatlong taon na si Sharwin sa kubong ito at ganito ang estado niya sa buhay at pagsapit ng gabi ay saka niya ilalatag ang munting sapin at lumang kumot na tila malungkot, ngunit para sakanya mas gugustuhin pa daw niya na mapag isa para tahimik at wala na siyang balak na mag asawa ulit.

Sa pagkakataon na ito ay kung magkakaroon siya ng sapat na pera ay gusto niyang bumili ng bigas at pangangailangan nya sakanyang pang araw araw na buhay bukod pa dito ay bibili rin siya ng materyales para sakanyang munting kubo.

Sa konting kinikita nito ay talagang kapos sa buhay dahil sa loob ng apat na buwan 1500 lamang ang sweldo nito ngunit hati pa sila ng may ari ng niyugan dito. Hindi nagdalawang isip ang grupo nato na tulungan si Sharwin at nag abot ng kaunting tulong dito at nagsabing tutulungan ito sa pagpapaayos ng kanyang kubo.


Ayon sa Vlogger na si Archie Hilario o mas kilalang pobreng vlogger  ay napadaan lang sila sa kubong ito at nalaman ang sitwasyon ng lalaking ito. Sa panahon ngayong pandemic sino paba ang magtutulungan kundi tayo kapwa tao din kung kaya’t kung may maitutulong ka sa kapwa ay tumulong ka lalo na ngayong pandemic ay lahat tayo naaapektuhan. Mas bigyang pansin ang nangangailangan ng tulong at tumulong ka sa kapwa dahil may balik ito sayo na kabutihan.

102-Anyos na Lolo, Patuloy pa din sa Pagtitinda ng Duyan Kahit na Mabigat at May Edad na Siya


Marami sa ating mga kababayan ang mailig magreklamo sa buhay. Ngunit, ang pagrereklamo ay hindi nakakatulong upang tayo ay makaraos sa buhay bagkus ay dapat magsumikap at kumayod upang matustusan ang pang gastos sa araw-araw. Pinatunay ito ng isang Lolo na may edad na 102-anyos. Kinilala si Lolo na si Tony Villanueva.

Si Lolo Tony ay tubong Leyte. Kahit na mabigat ang binubuhat niyang duyan ay purisgido pa din si Lolo Tony na maghanap-buhay. Nilalako niya ang kanyang paindangduyan sa buong Barangay Rizal. Hindi alintana ang pag0d na nararamdaman ni Lolo Tony dahil ang mahala sa kanya ay makabenta at kumita.
Upang mapanitili ang kanyang malakas na pangangatawan ay gulay at isda lamang ang kanyang kinakain. Hindi υmαnσ ѕιуα kumakaen ng karne at mga pagkain na may halong vetsin.

Ayon sa concerned netizen na si Rhodz Jimenez Casio-Salili na nagbahagi ng larawan sa social media ay hiling nito na sana ay makarating ang kalagayan ni Lolo Tony sa Local Govenment upang mabigyan umano siya ng benepisyo para sa kanyang edad.

Narito ang naturang post:

“Pasikatin natin itong si tatay Tony Villanueva from Leyte, 102 years old na po sya pero malakas pa at naghahanap buhay ng marangal, nilalako nya yung paninda nyang duyan sa buong Brgy.Rizal, kahit mabigat ang duyan hindi alintana ang pagod makabenta lang, ang sikreto daw nya sa malakas na pangangatawan ay walang Betsin at Karne, Puro gulay at isda lang daw kinakain nya, paki Share na lang para may bumili ng Paninda nya at makarating sa Local government para matulungan at makuha ang benepisyo nya sa edad nya.”

Isang Lolo, Nagbebenta Pa Rin Ng Lugaw Upang Buhayin Ang Sarili Kahit Madalas Na Walang Bumibili

Marami sa mga netizens ang naantig at naging emosyonal dahil sa kwento na ibinahagi ng isang concern netizen sa social media tungkol sa kalagayan ng isang matandang lalaki na kahit pa ito ay wala ng kasama sa buhay at mag-isa na lamang, nagtatrabaho pa rin ito upang mapunan niya ang mga pangangailangan niya sa araw-araw.

Ang kwento naman ng matandang lalaki ay ibinahagi ni Max Udomsak mula sa Bangkok Thailand ang isang lolo na 78 taong gulang na ngunit sa kabila ng kaniyang edad, kumakayod pa rin ito araw-araw kung saan ito ay nagtitinda ng lugaw o pork porridge.


Pero madalang daw ang pumapansin sa tinda nito kaya naman madalas ay 34 pesos lamang ang kinikita nito sa araw-araw na pagtitinda.

Ngunit, kahit pa man daw walang masyadong bumibili kay lolo, nagsusumikap pa rin daw ito sa pagtitinda kung saan nga binebenta niya ang kaniyang lugar sa halagang 40 pesos kapag mayroong itlog na kasama habang 34 pesos naman kung wala.

Ang mas nakakalungkot pa dito, kahit pa man maghapon nagtitinda si Lolo ng kaniyang lugaw, may pagkakataon daw talaga na kahit isa ay walang bumibiling lugaw sa kaniya. Kaya naman madalas ay kinakain na lamang ni Lolo ang mga lugar na natitira niya.

Si Lolo naman ay nakatira lamang sa isang abandonado at lumang bαhαу nα nαѕυnσg nσσn dahil na rin nga hindn iya kayang umupa o bumili ng kaniyang maaaring tirhan dahil na rin wala naman siyang gaanong benta. Tanging tarpaulin at trapal lamang ang nagkukubli sa tirahan ni Lolo nang sa gayon ay kahit pa umulan, hindi siya mababasa.

Ibinahagi naman kaagad ng concern netizen ang kwento ni Lolo. Hinikayat din niya ang mga netizens na kung madadaan sila sa pwesto ni Lolo, sana ay bumili sila ng lugaw na binebenta nito bilang tulong na rin sa matanda. Sabi naman ni Max, bukod daw sa mura ang lugaw na tinda ni Lolo, ay talagang masarap din daw ito.

Matapos makita ang post ni Max, marami naman sa mga netizens ang nagpadala kaagad ng kaunting tulong para kay Lolo upang mapunan na ang mga pangangailangan niya sa araw-araw. Ang ibang netizens naman ay pumunta kay Lolo upang makabili ng lugaw na binebenta nito.