Carlo Aquino, nalungkot dahil sa kanyang naudlot na dapat role sa trending na korean series na Squid Game

May role pala dapat ang Filipino actor na si Carlo Aquino sa Squid Game.

Ang Squid Game ay Netflix original series na may temang drama at survival. Ang mahusay na direkto na ito ay si Hwang Dong Hyuk.

Trending ngayon sa social media ang series na ito kung saan naglabasan ang kabikabilang memes.

Pero dapat pala ay mapapanood din natin si Carlo Aquino sa series na ito.

Sa naging Instagram story ng kapatid ni Trina Candaza na si Beatrice Candaza, ibinahagi nito na dapat ay may role talaga si Carlo sa naturang palabas.

Aniya, “@jose_liwanag was supposed to play a role in #SquidGame but travel restrictions happened. I remember @trinacandaza calling me and saying that they’ll stay in Korea for a few months back in 2020. I’m sure there would be more opportunities!”

Si Beatrice ay ang kapatid ni Trina na siyang asawa naman ng aktor.

Sa isang Instagram post noon ni Carlo, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita ang isang handwritten card mula sa direktor na si Hwang Dong-Hyuk.

Sabi sa sulat, “Dear Carlo, thank you for your efforts. Looking forward to working with you in the near future.”

Tila ang role ng aktor sa Squid Game ang binabanggut nito sa sulat.

Sa kabilang banda, nirepost naman ni Trina ang IG story ng kanyang kapatid.

Nagpakita pa din siya ng suporta para sa kanyang asawa, “I’m still proud of you @jose_liwanag! Isipin ko na lang ikaw si Ali.”

Si Ali ay isang character role din sa Squid Game.

Kilalanin si Kenneth ang “Lucky Charm” sa buhay ng Kapuso actress na si Andrea Torres

Masayang nagkaroon ng quick vacation ang Kapuso actress na si Andrea Torres kasama ang kanyang pamilya sa Batangas.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Andrea ang pag-stay nila sa The Farm at San Benito. Isang kilalang resort sa Batangas.

Dito ay kasama niya ang kanyang pamilya, at ang pinakamamahal niyang kapatid na si Kenneth na itinuturing niyang lucky charm sa kanyang buhay.

Saad ni Andrea sa kanyang caption, “One of the things we were aiming for was to get Kenneth to walk here so he can have exercise while breathing in fresh air and sunlight Achieved! Yay!”

Pinasalamatan din niya ang staff ng resort sa pag-aasikaso ng mga ito sa kanyang kapatid.