Home News Coleen Garcia, hindi napigilang kiligin sa simpleng birthday surprise ng kanyang asawa...

Coleen Garcia, hindi napigilang kiligin sa simpleng birthday surprise ng kanyang asawa na si Billy Crawford.

Kilig to the bones talaga ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia.

Ito ay matapos mag handa ng isang surpresa ang actor singer para sa kaarawan ng kanyang misis.

Nagdiwang ng kanyang 29th birthday ang celebrity mom kahapon, September 24, 2021.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi naman ng Kapatid actor ang naging surpresa niya sa kanyang asawa kasama ang kanilang pamilya.

Makikita na may hawak na birthday cake si Billy at  pabiro pa nila itong kinantahan ng Happy Birthday Song.

May naging super sweet message din siya para sa kanyang asawa.

“Happy birthday my love! Thank God you were born. U have given all of us more than you can ever imagine. And me specially knowing that I always have my rock no matter what! To the best wife, and mom anybody could ever have.”

Sa kabilang banda, pinasalamatan naman ni Coleen ang kanyang thoughtful na asawa pati na rin ang kanilang pamilya.

I really wasn’t expecting to do anything for my birthday this year, but my family and friends decided to surprise me here at home.”

Wala daw talagang alam si Coleen sa pakulo ng kanyang asawa na kita naman sa larawan na ibinahagi niya kung saan basa pa ang kanyang buhok at walang make up.

“So full of love and gratitude. Thank you, my loves. You made my birthday extra fun and happy!”ani ni Coleen sa kanyang post.

Mga netizens kinaaliwan ang ‘Bungisngis’ video ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari

Nagbigay good vibes na namang muli ang napaka-cute na baby nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari.

Habang lumalaki ay lalong nagiging cute ang anak nina Coleen Garcia and Billy Crawford na si baby Amari.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang maaliw sa kanyang kacutan.

Kamakailan nga lamang ay nagbahaging muli si Billy ng video ni Amari kung saan nakakatuwa ang bungisngis nito.

Saad ni Billy sa kanyang caption,  “Happy! Thank You Jesus for this bundle of joy! And thank you to my wife @coleen for being the best wife and mom our little angel and myself could ask for. I love you guys so much! ”