Home News Dalawang Bata, Nakitang Natutulog sa Kariton Habang ang Kanilang Ina ay Nagtitinda!

Dalawang Bata, Nakitang Natutulog sa Kariton Habang ang Kanilang Ina ay Nagtitinda!

Isang facebook post ng Heaven Elents ang nakapag-pahabag ng damdamin ng maraming netizen dahil sa larawang ibinahagi na makikita ang dalawang puslit na natutulog sa kariton habang ang kanila ay nagtitinda ng rambutan. Marahil ay walang ibang pagpipilian ang ina ng dalawang bata kung hindi ang isama ang kanyang mga anak sa kanyang paghahanapbuhay.

“Kanina habang namimili ako sa Divisoria. Nakita ko ang isang mag anak na nagtitinda sa bangketa. Ang Nanay nag titinda ng rambutan at ang tatay ay nag titinda ng Mais na inihaw. Habang ang kanilang mga anak ay natutulog sa loob ng kariton na kanilang pinaglalagyan ng panindang rambutan.naawa ako dahil walang halos bumibili kaya nag desisyon akong bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais.”

“Sana mas piliin natin na bumili sa kanila kesa sa mga supermarket. Dahil sa supermarket ang may ari nyan ay walang problema sa pera di tulad ng mga nagbebenta sa bangketa na isang kahig isang tuka.”

Marami sa atin ang marahil na nakakaranas ng kah!rapan ngunit hindi ito dahilan upang sumuko sa buhay. Nawa ay mabigyan ng tulong ang mag-iina na ito lalo na ang dalawang mata dahil sa murang edad pa lamang nila ay nararanasan na nila ang kah!rapan sa buhay.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizen sa naturang post at may ilan din na nakakaintindi sa sitwasyon ng mag-iina dahil sila mismo ay naranasan at nakakaranas ng ganitong kalagayan.

“Ganyan po dati buhay ko sinasama ko ang anak sa palenke para magtinda. Awang-awa ako sa anak ko noon dahil madaling araw palang ginising ko na para maisama ko sa palengke. Gabi palang dati ko ng inahanda mga bote ng gatas diaper at damit nya. sa awa ng diyos nalampasan ko din ang subrong kahirapan ko noon.”

“Mas matindi ang buhay ko noong bata pa ako kasi mahirap din po kami kong minsan di pa ako makain ng kanin kasi walang pambili tama na sa akin yong nilagang saging o kamote. Kamote sa umaga saging gabi yan ganon po ang buhay ko noon. Sa awa ng ibang tao kinuha po akong kasambahay . Pinaaral ako hsnggang sa akoy nakatapos.”

“Experience ko to dati.ito yong buhay namin ng papa ko.
Nagbubuhat kasi sya ng gulay sa palengke at nag titinda ng gulay at prutas sa mga sidewalk o bina bahay bahay niya at natutulog ako sa kariton na tinutulak nya.
Nakaka iyak na mga nakaraan.”

Lolo, Nakatulog Dahil sa Pagod sa Pagtitinda ng Saging

Mabilis na kumalat ang larawan ng isang lolo na nagtitinda ng saging sa bangketa, makikitang nag-iisa lamang siya at mahimbing na nakatulog dulot siguro ng pagod sa pagtitinda.

Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang Jeff Garcia, at umani ito ng iba’t ibang reaksyon , may mga gustong mag-abot ng tulong para sa kaniya.Sa ganyang edad kasi, dapat ay nasa bahay na lamang sila at nagpapahinga dahil hindi na gaanong malakas ang kanilang katawan at kulang sa resistensya, di naman nalaman kung may anak pa ba itong si lolo o ibang kapamilya.

Sa ganyang edad kasi, dapat ay nasa bahay na lamang sila at nagpapahinga dahil hindi na gaanong malakas ang kanilang katawan at kulang sa resistensya, di naman nalaman kung may anak pa ba itong si lolo o ibang kapamilya.

Ayon pa sa caption ni Jeff,”Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. ?

Mababasa nyo rito ang kaniyang Post,

Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. 👴

God bless you tatay

Totoo nga naman sapagkat isa si lolo sa mga taong nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya. Dahil sa angking kasipagan ni lolo, umani ito ng papuri habang ang ilan ay nais pang magpabatid ng tulong para sa kanya.

Mas minabuti niyang magtinda kaysa mamalimos at gumawa ng iligal para mabuhay, sana naman matulungan si lolo para naman maramdaman niya ang magandang buhay sa mga natitirang panahon niya dito sa mundo.