Direk Bobet, nilait-lait umano sina Vice Ganda at Vhong ayon sa source ni Cristy Fermin.

Diretsahang ipinahayag ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang panglalait ni Direk Bobet Vidanes. Sa mga kasamahan nito dati sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

Sa October 18 episode ng digital talk show niyang “Cristy Ferminute”. Ibinahagi ng kolumnista na may natanggap siyang text message. Sa hindi na niya pinangalanang source.

Kalakip umano ng nasabing text message ay ang mga hindi magagandang salita na binitiwan ni Direk Bobet.

Saad ni Cristy, Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).”

Binasa na din niya ang nasabing text message.

Nakasaad umano doon, “Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang b0b0 ni Vhong Navarro’. Si Vice naman, ‘Basura talaga ang ugali ng bakla’. Naririnig ‘yun ng mga cameramen sa headset. ‘Wag siyang magsinungaling’.”

“’Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor director. Hindi lang siya nakakadinig nu’n.”

Pagpapatuloy pa nito, “Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi ‘yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen.” 

Sinabi din ni ni Cristy na hindi lamang sina Vice at Vhong ang sinabihan nito ng foul words kundi pati na din ang mga dancer.

Lagi daw umanong sinasabi ni Direk Bobet, “Ang b0b0b0 talaga ang mga babaeng ‘to. Magaling lang magsayaw”. 

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin:

Kim Atienza, Direk Bobet Vidanes at Billy Crawford reunited! Ano nga kaya ang pinag-usapan nila?

Matapos ang mahaba-habang panahong hindi nagkasama-sama, Kim Atienza, Direk Bobet Vidanes at Billy Crawford reunited.

Matatandaan na magkakasama ang tatlo dati sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime. Naunang umalis sa noontime show si Kuya Kim noong 2016, at si Billy ay noon namang 2018.

At nitong taon lang iniwan na din ni Direk Bobet ang Showtime para idirek ang Lunch Out Loud sa TV 5. Kung saan main host na din ngayon si Billy.

Si Kuya Kim naman ay nakaraang linggo lang umalis sa ABS-CBN at ngayon nga ay isa na din siyang Kapuso.

Ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang latest vlog ang naging bonding nilang tatlo. Sa umpisa ng kanyang video saad ni Kuya Kim, “Sa vlog na ‘to, makakabonding ko ‘yung dalawang kasama ko sa ‘Showtime’

“I was in ‘Showtime’ for about six years, six beautiful years. And the person who discovered me was Direk Bobet Vidanes. And of course, isa sa mga co-host ko si Billy Crawford and we spent so many good years together,” dagdag pa niya.

Through motorcycle riding ang naging bonding ng tatlo. Bago pa man ilabas ni Kuya Kim ang kanyang vlog ay naikwento na niya ito. Sa media-con ng pag-welcome sa kanya bilang bagong Kapuso.

Saad noon ni Kuya Kim, “Si Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes. Alam mo, mahilig sa motor ‘yang dalawang ‘yan. Nag-motor kami, at nag-almusal kami doon. At shinare ko sa kanila ‘yung aking mga pinagdadaanan. Pinagdadaanan pa lang noon eh. Wala pang final answer eh.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Marco Gallo, inaming nainis sa naging komento sa kanya ni Kuya Kim Atienza kaya in-unfollow niya ito sa social media!

Mukhang napikon diumano ang aktor na si Marco Gallo sa naging pahayag ni Kuya Kim Atienza kamakailan.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang komento ni Marco para sa dating ka-love team na si Kisses Delavin.
Ito ay ng mahingan siya ng koment tungkol sa pagsali ng dalaga sa katatapos lamang na Miss Universe PH 2021.

Ani Marco sa virtual media conference ng kanilang pelikulang ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.’ “All we see on your Instagram are… your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”

May mga nag react naman sa binitawang pahayag na ito ni Marco. At isa na nga dito ay ang batikang TV host na si Kuya Kim Atienza.

Komento ni Kuya Kim ukol dito, “Your private life need not be shared on social media, Marco. She is bless, she has lots of endorsements. You should be happy for her.”

Sa naging panayam naman kay Marco ng PEP.ph, inamin ni Marco na nabigla siya sa komentong iyon ni Kuya Kim.

“It’s been six years I’m in the industry, and I always tell my close friends when they ask me what happen. It’s tiring in a way that you cannot please everyone.

“They like to write stuff on the Internet without even watching the video, or just because they read it, it doesn’t mean that’s the way I said it.

“I was even joking, in a light mood, and I was being positive towards Kisses.
“And then they were, like, saying so much stuff about it, even Kuya Kim Atienza.”

At dahil dito ay nag-unfollow na daw si Marco sa lahat ng social media accounts. Ng ngayo’y Kapuso na na si Kuya Kim.