Ejay Falcon, labis ang pasasalamat dahil sa biyayang tinatamasa niya ngayon simula nang iwan niya ang trabaho sa Mindoro bilang kargador.

Ejay Falcon, nagbalik tanaw sa kanyang pamumuhay noon.

Malayo na ang narating ng aktor na si Ejay Falcon ngayon. Hindi maitatanggi na isa siya sa mga mahuhusay na artista ng kanyang henerasyon.

Nagsimula ang karera ni Ejay nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother at tinanghal bilang Big Winner para sa Teen Edition Plus.

Pagkatapos noon, nabigyan ng oportunidad na sumabak sa pag-aartista ang former PBB housemate.

Dahil sa kanyang galing umarte, nabigyan ng maraming projects si Ejay. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng oportunidad na makatrabaho ang ilang naglalakihang artista sa industriya.

Ilan sa kanyang mga big projects ay ang mga teleseryeng Sandugo, Pasion De Amor at Dugong Buhay.

Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ng aktor ngayon para sa mga biyaya na kanyang tinatamasa ngayon.

Sa kanyang Instagram, nagbalik tanaw ang aktor kung paano siya nagsimula sa simpleng buhay.


“15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School, Sako sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan Pola Oriental Mindoro,” pagbabalik tanaw ng aktor.

Kasama nito ay ang kanyang throwback photo na nagsisilbing “reminder” sa kanya para magpasalamat sa biyayang natatanggap niya ngayon.

Malaki daw ang pasasalamat ni Ejay dahil mula sa isang kargador ay magandang buhay na ang kanyang nakakamtan ngayon.

Karla Estrada, inunfollow sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil umano sa naging tampuahan issue kay Daniel Padilla!

Karla Estrada, nag unfollow nga ba kay Bea Alonzo at Dominic Roque sa Instagram?

Naging usap usapan sa social media ang di umano pag unfollow ni Momshie Karla sa magkasintahan. Napansin kasi ng netizens na wala na sa following list ng aktres ang dalawa.

Hindi kaila sa fans ng anak ni Karla na si Daniel Padilla na super close friends dati ang dalawa. Nagkaroon na daw ng “gap” ang dalawang aktor ngayon sa hindi pa kumpirmadong dahilan.

Ayon sa mga komento ng netizens, nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Daniel at Dominic na hanggang ngayon ay wala pa din pansinan.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz, nabanggit din ito ng komedyante. Pero hindi pa daw malinaw kung bakit nag unfollow si Karla kay Dominic pati na din kay Bea.

Isang anggulo naman ang tinitignan na posibleng dahilan ng aktres. Magkaibigan daw kasi si Marjorie Barretto at Karla.

Si Marjorie ang ina ni Julia Barretto na itinuturong third party ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Ayon kay Ogie, maaaring inunfollow daw ni Karla si Bea dahil dito.