Home News Food Panda Rider, hinangaan sa dedikasyon at sipag sa trabaho na tumawid...

Food Panda Rider, hinangaan sa dedikasyon at sipag sa trabaho na tumawid pa ng ilog at sumagwan ng bangka maihatid lamang ang order ng customers

Kung sa pag-ibig ay “Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”, para naman sa food delivery rider na ito ay “hahamaki ang lahat maideliver lamang” ang mga order na pagkain ng kanilang customers.

Naging viral ang Food Panda Rider na ito sa Thailand na nagngangalang Tanyapisit Eiamkitjakarn dahil sa pinamalas nitong sipag, dedikasyon at pagtityaga sa kanyang trabaho bilang delivery man ng Food panda.

credit: Pradit Saengdee | Facebook
Mayroon mga umorder ng pagkain sa kabilang dako pa na kinailangan pa ng rider na tumawid sa tubig. Hindi nag atubili ang rider na magserbisyo at ihatid ang order ng customers kaya naman naghanap sya ng paraan paano sya makatawid sa tubig.
credit: Pradit Saengdee | Facebook
Gumamit ng maliit na bangka ang rider at nagsagwan ito papunta sa mga umorder ng pagkain. Namangha sa kanya ang isa sa kanila na si Pradit Saengdee, kaya’t kinuhanan nya ng video ang delivery rider ng Food Panda.
credit: Pradit Saengdee | Facebook
Inupload nito sa Facebook ang post na may caption na “Food Panda nøw hās mãrine delivery services.” Ayon kay Pradit, nasa gilid pa lamang sya ng ilog noong sya ay umorder ng pagkain, subalit nangisda muna sila. Tumawag umano ang rider noong malapit na sya sa lokasyon ng mga umorder, at nabigla ito na kilala nya pala ang umorder, kaya’t hindi na din sya nagdalawang isip.
credit: Pradit Saengdee | Facebook
“So proud of this hard-working man. If he doesn’t know how to drive a boat or without a boat, he’ll have to wait” saad naman ng isang netizen.

Marami ang napabilib kay Tanyapisit Eiamkitjakarn dahil sa ibang level ng pagtatrabaho bilang delivery guy ng Food Panda. Naging instant celebrity agad sya sa Thailand sa kanyang ipinakitang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.

credit: Pradit Saengdee | Facebook
Marami naman ang natuwa at nainspire sa kwento. Mayroon din naming mga natawa dahil nakasuot pa rin ng helmet si Tanyapisit Eiamkitjakarn kahit nasa bangka na ito.

“An extra nautical mile….cause delivery was completed on water surface…..? In Panda we trust….everywhere and in all conditions….Seems that the 2 fishermen did not catch much to provide their lunch and booked on Panda app. The power of technology”, wika naman ng isang netizen.

Grab Food Rider na may Kapansanan, Nagsilbing Inspirasyon sa mga Netizen!

Halos buong mundo ay naapektuhan ng C0VID-19 dahil sa mabilis na pagkalat nito sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Kaya naman, para manatili ang kaligtasan ng karamihan sa atin ay mayroong mga application kung saan maaari kang umorder ng nasa bahay ka lang.

Ang mga delivery riders ay nagsisilbing isa sa mga frontliner dahil sa kabila ng kinahaharap na pandemyå ay nananatili silang magserbisyo sa ibang tao kahit na ito man ay delikado para sa kanilang kalusugan.

Isang netizen naman ang napagpasyahang umorder ng pagkain at ipadeliver sa kanilang bahay. Siya ay si Edmund Gan. Naisip ni Edmund na ipasabit na lamang sa gate ang kanyang order dahil mas makakabuti umano na “contact-free” ang kanilang transaksyon.

Dahil nabayaran na din niya sa mobile app ang kanyang order ay sinabi niya sa rider na isabit na lang sa gate ang plastic na naglalaman ng kanyang order. Ngunit, sinabi ng rider na kung maaari ay lumabas siya at hawakan ang kanyang binili dahil hindi niya kayang gawin ito ng siya lamang mag-isa.

Nagtaka naman si Edmund dahil naisip niya na kaunti lang naman ang kanyang order kaya naisip niyang lumabas. Nang makita niya ang rider ay laking gulat nito na walang kamay at pabiro pang sinabi ng rider sa kanya na hindi niya makikita ang kamay na hinahanap niya dahil wala talaga siyang kamay.

Nakilala ang rider na si Syahrain. Si Syahrain ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao dahil sa kabila ng kanyang kapansanan at dedikasyon sa trabaho kahit na nasa gitna ng pandemyå ay patuloy pa din siya sa buhay.