Home News Ganito Pala Tratuhin Ni Pauline Luna Ang Anak Nila Ni Vic Sotto...

Ganito Pala Tratuhin Ni Pauline Luna Ang Anak Nila Ni Vic Sotto Na Si Tali

Kinagiliwan ng mga netizens ang mga videos na kuha ng mag-ina na si Pauline Luna Sotto at ang kaniyang anak na si Tali Sotto. Ito ay kinatu…

Kinagiliwan ng mga netizens ang mga videos na kuha ng mag-ina na si Pauline Luna Sotto at ang kaniyang anak na si Tali Sotto.
Ito ay kinatuwaan ng marami dahil sa kanilang mga sweet at happy moments na mag-ina na makikita talaga kung gaano ka hands-on mommy si Pauline sa kaniyang anak.
Sa mga videos na ibinahagi ni Pauline sa kaniyang social media accounts, kapansin pansin talaga na maganda at maayos ang pagpapalaki nina Pauline at Bossing Vic Sotto sa kanilang anak. Sa murang edad pa lamang kasi ni baby Tali ay matalino na ito.


Kamakailan nga lamang nang magbahagi si Pauline ng video kung saan makikita si Tali na nagsasalita at nagbibilang ang iba’t ibang lenggwahe tulad ng Spanish, Japanese, at Chinese.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at humanga sa magandang pagpapalaki nina Bossing Vic at Pauline kay baby Tali. Saad pa ng ilan na kahit pa man madalas na busy ang dalawa sa kanilang schedule sa showbiz ay makikita pa din kung gaano sila ka-hands on sa kanilang anak na si baby Tali.


Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ito ay lumalaki ng may respeto sa kapwa, mabait, at matalinong bata.

Marami din ang humanga sa bonding at sweet moments ni Pauline at baby Tali.

Narito ang ilang komento mula sa online community:
“Cuties si tali sotto, matalinong bata, madaling turuan. Love it Tali, maraming nagmamahal sa iyo dai. God bless.Amen.”

“Ang cute mag-usap nila bilang mag-ina. Parang magkabarkada lang eh..hehe..good job, Pauleen..”

“apka talented nman tlga ni bavy tali mga lucky parent.”

“beauty and brain si tali so cute and loving pa nakakatuwa”

“Baby Tale your such a Talented hugs n kisses bb smart girl mommy Pauline  and your daddy are great Parents Godbless whole Family”

Pauleen Luna, Sinagot Ang Netizen Tungkol Sa Balita Na Siya Ay Buntis Sa Ikalawang Anak Nila Ni Vic Sotto

Pinabulaanan kamakailan lamang ng TV host-actress na si Pauleen Luna kamakailan lamang ang mga balitang kumakalat na siya ay nagdadalang tao sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.

Ikinasal sina Vic at Pauleen noong Enero 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. Ito ay matapos ang apat na taon nilang pagiging magkarelasyon. Isinilang naman ni Pauleen ang kanilang firstborn noong Nobyembre 6, 2017 na si Talitha o Tali.

Nitong mga nakalipas na buwan, maraming mga balita ang kumakalt tungkol sa pagdadalang tao umano ng ilang mga celebrities sa Philippine showbiz industry. Isa na nga sa mga celebrity na napabalitang buntis ay si Pauleen.


Ngunit, nitong Martes lamang, Pebrero 9, tinapos na ni Pauleen ang kaniyang katahimikan at nagsalita na tungkol sa isyu na ito.

Sinagot kasi ng aktres ang komento ng isang netizen sa kaniyang Instagram post. Sa nasabing post, ibinahagi ni Pauleen ang ilang larawan ni baby Tali kung saan makikita ito na nagsu-swimming sa swimming pool na hindi na kailangan pang alalayan dahil tila ba sanay na sanay na si baby Tali.

Simpleng caption ni Paueleen,

“My Purpose.”

Sa naturang Instagram post, isang netizen naman ang nag-iwan ng komento kung saan tinatanong nito kung buntis ba muli si Pauleen o nagdadalang tao na siya sa kanilang pangalawang anak ni Pauleen kay Vic.

Sinagot naman ito ng TV host ng “No” na may kasamang smiling face emoji.

Maliban kay Tali, anak din ni Vic sina Danica Sotto-Pingris, Oyo Sotto, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Paulina Sotto-Llanes.

Sina Danica at Oyo ay anak ng Eat Bulaga host sa dating asawa na aktres na si Dina Bonnevie. Si Mayor Vico naman ay anak ni Vic sa veteran actress na si Coney Reyes.

Samantala, ang ina naman ni Paulina ay ang dating aktres na si Angela Luz. Si Tali naman ang kaisa isang anak ni Pauleen.