Home News Ginang nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa edad na 67 nang pakasalan...

Ginang nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa edad na 67 nang pakasalan niya ang 57 taong gulang niyang nobyo!

“Age doesn’t matter in love!” Iyan ang madalas natin nababasa at nadidinig lalo na kung ang usapin ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na mayroong malaking agwat sa kanilang mga edad.

Image by KMJS via Facebook

Marami nang nagpatotoo sa mga katagang ito kahit mga sikat na personalidad, artista man o pulitiko ay mayroong ganitong karanasan sa kanilang minamahal. Halimbawa na lamang ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto gayundin naman sina Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pag-iibigan ng magkatipan na ito. Sa kabila kasi ng sampung taong agwat ng edad ng “bride” sa kaniyang “groom” ay talagang pinatunayan nila sa publiko na hindi pa huli ang lahat upang magpakasal sila.
Naitampok ang pag-iibigan nila sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo,Jessica Sojo”. Talaga namang mapili si Delfa, 67 taong gulang sa kaniyang mga naging manliligaw noon kung kaya naman tumanda na siyang dalaga at nawalan ng pag-asa.
Nagsisisi pa nga ang kaniyang ama dahil sa hindi na ito nagkaroon ng apo sa kaniya. Ngunit laking pasasalamat nila dahil inilaan ni Delfa ang kaniyang oras at panahon upang maalagaan sila.

Sinong mag-aakala na kahit matanda na siya ay mayroong lalaking mabibighani sa kaniya?

“Nu’ng panahong iyon, kuntento na talaga ako. Hanggang may nagsabi sa akin na ‘Uy, Delfa, meron daw gustong bumisita sa’yo.’ May mga nagsasabi na hindi raw ba kami nahiya, kung kailan may edad na kami saka nagliligawan.” Pahayag ni Delfa.

Image by KMJS via Facebook

Ito ay walang iba kundi si Dodot na 57 taong gulang. Aminado siyang pihikan siya mga babae ngunit nang makilala niya si Delfa ay talaga namang nahulog ang kaniyang loob dito kung kaya naman agad niya itong niligawan.

“May mga naging kasintahan ako pero sadya akong pihikan. Pero nagbago ‘yun nang makilala ko si Delfa. Parang bumalik ‘yung pagkabinata ko. Nagkagusto ako sa kanya. At kahit anong gawin ko, siya ang pumapasok sa isip ko. May mga nanunukso na kung kailan daw matanda na kami saka kami nagliligawan.” Pahayag ni Dodot.

Matapos ang ilang buwan na pagliligawan ay nauwi rin sa kasalan ang matamis nilang pagmamahalan.

Mabait Na Amo Inisponsor Ang Kasal Ng Kanilang Yaya At Niregaluhan Pa Ng Bonggang Wedding Gown

Sa totoong lang, napakahirap maghanap ng yaya o katulong sa bahay. Bibihira lamang ang mga yaya na talagang nagtatagal at tunay na napagkakatiwalaan. Kaya naman kapag ang isang kasambahay ay tumagal na ng 3 taon o higit pa ay talagang napakaswerte mo na.

Sa tagal ng panahon na nakakasama mo sila, hindi maikakaila na nagiging parte na sila ng iyong buhay. Sila ay nagiging katuwang mo dahil malaki ang naitutulong nila sa paglilinis ng bahay, pagluluto, pagseserbisyo, pag-aalaga ng bata, etc. Kaya ang iba pa nga ay itinuturing na talaga silang pamilya.

Katulad na lamang ng may-bahay na si Marga Tan. Ayon sa kanya, isang blessing ang makilala at maging yaya nila si Karen Velarde. Bukod sa masipag na ito ay maalaga pa siya sa mga anak ni Marga kaya naman hindi nakakapagtaka na napalapit na rin sa kanya ang mga bata.

Si Yaya Karen ay masayahin ngunit mahiyain. Noong una pa lamang ay naramdaman na ng kanyang amo na iba siya sa mga dati nilang naging katulong nila dahil makikita sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga sa mga anak ni Marga at itinuturing na rin niya itong parang kanyang mga sariling anak.

Tatlong taon nang namamasukan bilang kasambahay si Yaya Karen sa kanila. Kaya naman noong nagdesisyon ito na may plano na siyang magpakasal ay naging supportive ang kanyang amo.

Sa katunayan, ang kanyang amo ay naghanap ng paraan upang matulungan ang dream wedding ni Yaya Karen.

Ayon kay Marga, humingi siya ng tulong sa isang grupo ng mga ina sa Facebook upang makahanap ng magandang wedding dress para sa kanilang yaya.

Isang ina na nagpakilala bilang “Tiffany” ay naghahanap ng buyer upang ibenta ang kanyang wedding dress.

“I was selling it at a really low price even though it was a gown by Von Lazaro (a well-known bridal fashion designer). I just felt like a new bride might be happy to own it.”

Kaya naman noong nakita ang post na naghahanap ang amo ng wedding dress ay inoffer ito sa kanya ni Tiffany. Ngunit sinabi na maghahanap muna daw ito ng ibang options.

Di kinalaunan ay nagdesisyon ang wedding dress owner na iregalo na lamang ang designer wedding gown kay Yaya Karen. Noong natanggap na ng amo ang wedding dress ay ibinigay niya ito sa kanilang yaya bilang isang surpresa.

Bakas sa mukha ni Yaya Karen ang pagkagalak at naging emosyonal habang inilalabas ang napakagandang wedding gown. Nang magkita ng ibang ina ang video ni Yaya Karen sa pagtanggap ng espesyal na regalo ay marami ang nag-offer ng iba pang wedding gifts tulad ng wedding ring pillow, nag-alok na gagawa ng wedding cake at libreng photo service para sa araw ng kasal.

Hindi makapaniwala ang amo sa suporta ng iba para lamang mabigyan nila ng magandang kasal ang masipag na yaya.
“I didn’t know that everybody could be so generous! Faith in humanity restored talaga.”