Home News Grab Cyclist, natumba at nawalan ng malay dahil sa init at gutom

Grab Cyclist, natumba at nawalan ng malay dahil sa init at gutom

Isang netizen ang nagmagandang loob na tulungan ang isang amang grab deliver cyclist matapos itong matumba at mawalan ng malay habang nasa kasag-sagan ng kaniyang pag bibisekleta

Napag-alaman rin na hindi pa nakakakain sa tamang oras ang rider at mas inuuna pa nito ang pag dedeliver kaysa-kumain.

Kung kaya’t nawalan ito ng balanse at nawalan narin ng malay dumag-dag pa ang kumakalam na tiyan nito.

Saad ng netizen na tumulong sa grab cyclist “Kawawa naman si kuya grb, naabotan naming nakatumba si kuya kawawa naman siya may dug0 ang ulo niya tinulungan namin siyang makatayo kawawa naman.

Hindi papapala siya kumakain si kuya kaya nahilo siya ng dalawang beses at tuluyan nang tumumba mabuti nalang at napadaan kami sobrang naaawa kami kay kuya grab, pauwi na daw siya tapos na daw siyang mag deliver tinanong namin siya kung nakakain na ba hindi padaw “kaya’t inabutan nami nsiyang biscuit at water para maibsan kahit papaano ang kaniyang gutom mainit rin ng mga oras na iyon tanghaling tapat mabuti nalamang at hindi siya sa highway nawalan ng malay kunghindi baka aksidente pa ang inabot”

Dahil sa naturang post ay maraming netizen ang nahabag sa isang ama na matiyagang nag hahanap buhay para sa kaniyang pamilya saad nila “Di masama ang mag-alok kahit konting pagkain sa mga dakilang grab driver. malay mo, malaking bagay na yon para sa kanila dahil may ipangmimeryenda na sila sa maghapon na byahe. mag-abot po tayo kahit tinapay lang at bottle water o kya konting tip kung nakakaluwag naman tayo.”
“sana po lahat ng tao katulad ng pananaw nyo. Kase po yung ibang customer akala mo kung cno ,galit pa pag nalate mga delivery rider tapos biglang ikakansel d nila inisip na kasiraan sa performance ng mga rider konting consideration nman sna sa ibang customer. D natin alam ang mga hirap nla ma deliver lng ng maayos mga order or parcel natin. Yngatz z mga delivery rider”.

GrabFood rider, wala nang nagawa kundi kainin na lamang ang order ng kaniyang customer matapos itong ipa-cancel ng naturang customer!

Sa panahon natin ngayon na maraming mga lugar sa ating bansa ang nasa ilalim ng “Enhanced Community Quarantine” ay talaga namang nakakalungkot na ang maraming mga bagay na malaya nating nagagawa noon ayon sa ating mga kagustuhan ay hindi na natin pa maaaring gawin pansamantala.

Kung marami sa ating mga Pilipino ang nagrereklamo at tila inip na inip na sa kanilang mga tahanan ay mayroon din namang mga taong kinakailangang sumabak sa digmaan kahit pa hindi nila nakikita ang kanilang mga kalaban.

Sila ang mga magigiting nating healthcare workers, pulis, sundalo, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga GrabFood Riders. Ngunit kamakailan lamang ay nadurog ang puso ng marami dahil sa nakapanlulumong sinapit ng isang GradFood Rider na ito kung saan makikitang kinain na lamang nito ang kinanselang order ng kaniyang customer kahit pa para sa kaniya ay malaking bahagi na rin sana ito ng kaniyang kita na iuuwi niya sa kaniyang pamilya.

Ang naturang GrabFood Rider ay nakilala bilang si Yenyen Catiloc. Naging viral sa social media ang kaniyang larawan habang kumakain siya sa labas ng isang gusali.
Binunyag naman ng rider na hindi siya umiiyak noong mga panahon na iyon, pagod lamang daw ito at sadyang naiinitan sa matinding sikat ng araw. Isang netizen naman ang nagbigay-linaw sa naturang larawan at sinabing tunay nga na kinansela ng customer ang inorder nitong pagkain na nagkakahalaga ng P300.

Dagdag pa ng netizen na nakilala bilang si Natdemzon Lazo Pagkanlungan na ang Grab mismo ang umaako ng mga kanseladong order na ito. Ngunit talaga malayo lamang ang kanilang opisina at may katagalan din ang proseso nito.


Tunay nga na hindi madali ang kanilang trabaho lalo na sa ngayon na mayroon pa ring banta ng cσvι∂-19 sa bansa. Nawa ay mas maging responsable ang bawat isa sa atin patungkol sa maraming mga bagay tulad na rin ng sitwasyon na ito upang hindi na rin makadagdag pa sa hirap at sakripisyo ng ating mga frontliners.

GrabFood rider, hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang matandang lalaki na nangailangan ng kaniyang tulong sa gitna ng kaniyang biyahe!

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa ating kapwa. Marahil ay lumaki kasi tayo at nakasanayan na talaga natin ang pagbibigay ng tulong sa ibang tao lalo na kung batid nating nangangailangan talaga sila ng tulong.


Tulad na lamang halimbawa ng isang GrabFood delivery rider na ito na itinuturing ngayong bayani ng marami dahil sa ginawa niyang pagtulok sa isang matanda. Ibinahagi mismo ng anak ng matandang lalaki sa social media ang nangyari at ang labis nilang pasasalamat sa ginawang kabutihan ng rider.

Ayon sa netizen na nakilala bilang si Gladys Sario Alob, nais daw nilang makilala at mapasalamatan ang rider na tumulong sa kaniyang ama. Kahit daw kasi ito ay kasalukuyang nagtatrabaho ay hindi ito nagdalawang-isip na tulungan ang kaniyang ama.
Dahil sa tila inatake ng karamdaman ang kaniyang ama at hindi ito makapagsalita, hinanap na lamang ng hindi pa nakikilalang rider ang OR/CR sa motor ng matanda ay gamit iyon ay hinatid niya ito sa kanilang bahay. Kung masamang loob ang nakakita sa kalagayan na ito ng kaniyang ama, sigurado si Gladys na mapapahamak ang kaniyang ama.
Ngunit dahil napakabuti ng kalooban ng rider ay siya na mismo ang naghatid sa matanda at sinigurado nitong ligtas itong makakabalik sa kaniyang pamilya. Nais ng buong pamilya na magpasalamat sa kaniya ngunit hindi na nagawa pang magtanong ng kaniyang ina tungkol sa pangalan o cellphone number ng rider.

Kung kaya naman nagbabakasakali siyang makatulong ang social media upang mahanap nila ang taong tumulong sa kanilang ama. Sa paraang ito ay makapagpasalamat sila ng personal at makapagbibigay din ng maliit na gantimpala para sa mabuting rider.

Tunay nga na hindi tayo dapat magdalawang-isip na tumulong lalo na kung buhay at kaligtasan na ng ating kapwa ang nakasalalay. Ano man ang ating edad, estado sa buhay o paniniwala, lahat naman tayo ay mayroong lika na kabutihan sa ating mga puso upang makatulong sa ating kapwa.