Home News Groom Tila Nakalimot Sa Araw Ng Kanyang Kasal, Nagkaroon Ng Isang Sweet...

Groom Tila Nakalimot Sa Araw Ng Kanyang Kasal, Nagkaroon Ng Isang Sweet Moment Sa Kanilang Bridesmaid

Marami ang kailangan planuhin sa pagpapakasal mula sa maliit na detalye hanggang sa  pinakamalaking parte ng kasalan.

Kaya naman magiging abala ang magpapakasal sa preparasyon pa lamang. Sa kabila ng masusing paghahanda hindi pa din maiiwasan ang mga hindi inaasahang mangyari sa araw mismo ng kasal. May mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari sa mga kasalan.

Tulad na lamang ng bagong kasal isang maikling video clip na ibinahagi ni Aldrin Mat Acero Salazar na ipinost sa Facebook page. Makikita na ang bagong kasal na ito kasama ang entourage ay pinaghahanda para sa pagkuha ng litrato pagkatapos ng seremonyas ng kasal.

Mula sa kanilang official photographer ay nagbigay ng utos na gumawa sila ng isang wacky pose, ngunit ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid na dapat sa kanyang bride.

Mula sa photographer sinabi na kailangan nilang lumapit sa isa’t isa at pagdikitin ang kanilang pisngi. Madami ang natawa ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito sa groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa gawi ng isa sa kanilang bridesmaid.

 

Naging katuwaan sa mga taong nakapansin at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan niya ang kaniyang groom.

Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutang nakakatuwang pangyayari ng bagong kasal at kanilang kamag-anak na nakasaksi.

Ang trending na video ay ang talaga namang nagbigay ng saya at tuwa sa ating mga netizens.

Narito ang nakakatuwang video:

Bagong Kasal niregalohan ng isang Brand new Car and House and LOT ng kanilang mga ninong at ninang

Viral ang bagong kasal na ito sa kanilang money dance, imbis na pera kasi ang isinabit sa kanilang mga damit ay papeles at hindi lang ito simpleng papeles.

Kung’di mga papeles ng mga dokumento na sila’y nagmamay-ari na nang isang brand new na sasakyan at isang House and lot

Kasama rin sa nakasabit sa mga ito na lihitimong ibinigay ito sa kanila kasama ang OR/CR ang sasakyan at ang Deed of Sale ng house and lot.

Sa kanilang money dance ay bigay ito ng kanilang mga ninong at ninang na kanilang kinuha sa kasal

Maraming netizen ang napa sana all sa magsing irog na ito, hindi napigilan ng marami ang magkomento sa naturang money dance ng mag-asawa

“Sana all talaga nahiya yung nagsabi ng 500 at 1,000 sa kanilang money dance”

“Sana all ganito rin sana sa kasal ko,”

“Kung hindi ganito ang regalo sa kasal ko, hindi na ako magpapakasal Congrats”

Newly Wed Couple, Nasa 3k Lang Ang Nagastos sa Reception; Unli-Rice at Sabaw Lang, Sapat Na!

Isa sa pinaka espesyal na araw para sa dalawang magkarelasyon ay ang kanilang kasal. Ngunit, bago dumating ang araw ng kasal ay marami pang preparasyon ang dapat ayusin tulad ng mga papeles o dokumento, mga kasuotan, venue o reception at marami pang iba. May ilan na pinaghahandaan talaga ang araw na ito, nag-iipon ng malaking pera para masunod ang kanilang wedding dream at may ilan naman na ang nais ay magkaroon ng simpleng kasal at salu-salo kasama ang kanilang mahal sa buhay.

Marami sa atin ang pinapangarap na makasal sa taon pinakamamahal natin, ngunit ang ilan ay hindi na nagpapakasal dahil malaki umano ang magagastos sa kasal. Sa katunayan, maaari ring makatipid sa kasal basta simple lang pero masaya.

Katulad na lamang ng kasalan ng dalawang ito. Ginanap ang kanilang wedding reception sa isang fast food kung saan may unli-rice at unli-sabaw. Php3,044 lamang ang kanilang ginastos para sa 15 katao kabilang na sila.

Nais nilang mag-asawa na magpakasal at huwag ng gumastos ng malaki dahil ayaw umano nilang mamroblema kung mangungutang sila para magkaroon ng bonggang reception.

Dahil dito, marami sa mga netizens ang namangha sa newly wed couple na ito dahil ginawa nilang posible ang imposible para sa iba. Ani ng mga netizens, maganda ang ideya na ito para sa mga nais magpakasal na gustong makatipid lalo na ngayon pand3mya.