Heaven Peralejo, inaming gumastos na ng P500k sa isang lalaki dahil sa sobrang pagmamahal!

Pagiging single, finding herself, paggastos sa lalaki at kung anu-ano pa ang inamin ni Heaven Peralejo sa kanyang latest vlog.

Isang buwan ang nakalipas ng burahin na ni Heaven ang mga litrato nila ni Kiko sa Instagram. Ngayon ay inamin na ng aktres na siya ay single na nga talaga.
Ito ang inamin ni Heaven sa “Drink or Spill” challenge kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang vlog.

Nang matanong tungkol sa kanyang relationship status saad ng dalaga, “I am single, but not ready to mingle.”

“Nandito ako sa phase na… Sobrang cliche, but I’m just loving myself. I’m getting to know me. Ibang phase talaga ‘yon,” she said. “Kaya nandito ako rin sa Siargao kasi I want to learn independence, enjoy life, na I don’t need any relationship. I just need my friends, and I just need me.”

“I am really happy right now, super happy. As in walang bigat sa puso ko, nandoon ako sa phase na ‘yon.”

Nang matanong naman kung magkano ang pinakamalaking nagastos niya sa isang lalaki ay biglang napahinto si Heaven.

Nagisip muna maigi ang aktres, at sinabing malaki at lagpas kalahating milyon umano ang nagastos niya dahil sa sobrang pagmamahal.

Nag-react naman ang kanyang dalawang kaibigan at sinabing [email protected] siya at hindi naman daw siya sugar mommy.

“Pag nagmahal kasi ako as in all out, kahit naman sa family ganun ako, mahal ko kaya ok lang pera lang yan matatrabaho ko yan,” paliwanag naman ni Heaven.

Hirit na tanong naman ng kanyang kaibigan kung hindi daw ba niya pinagsisihan ang nagastos niyang iyon.

Saad naman ni Heaven hindi niya ito ni-regret dahil minahal naman umano niya ang dating kasintahan na hindi niya pinangalanan.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Heaven Peralejo, umagaw ng atensyon ngayon ng ibahagi ang kanyang kauna-unahang bikini photo sa kanyang IG account!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Heaven Peralejo ang kanyang bikini bods.
Nitong mga nagdaang buwan ay naging hot topic online ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.
Ito ay dahil sa naging relasyon nila ng dati niyang co-actor na si Kiko Estrada. Pinutakte sila ng maraming netizens ng aminin nila sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Si Heaven kasi ang itnuturong dahilan ng hiwalayan noon nina Kiko at dating nobyang si Devon Seron.

Ngunit ilang linggo lang ang lumipas ay umugong ang balita na naghiwalay din agad sina Heaven at Kiko. Matapos nilang mag-unfollow sa isa’t-isa sa kani-kanilang social media accounts.

Sa ngayon tila ine-enjoy ni Heaven ang kanyang single life muli. Ibinahagi nga niya ang masayang bakasyon niya sa The Farm at San Benito sa Batanggas.

Pinainit pa nga ni Heaven ang online world dahil sa ibinahagi niyang bikini photos na first time niyang ginawa.

Sa una niyang post ay naksuot ang aktres ng black bikini habang may hawak na wine glass na may caption na , “loving life”