Home News Herlene “Hipon Girl”, Emosyonal Nang Mabili Ang Kauna-Unahang Sasakyan!

Herlene “Hipon Girl”, Emosyonal Nang Mabili Ang Kauna-Unahang Sasakyan!

Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl nang mabili niya ang pangarap niyang sasakyan. Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya ang pagbili niya ng kanyang kauna-unahang sasakyan. Ayon kay Herlene, katas umano ng sahod niya sa youube ang pinambili niya ng sasakyan.


Si Herlene ay nakilala sa Wowowin dahil sa pagiging kwela niya. Nakatuwaan siyang gawing host ni Willie Revillame dahil may talento ito sa pagkokomedyante.

Tinaguriang Hipon si Herlene dahil madalas umano siyang sabihan ng mga tao na maganda ang katawan ngunit hindi maganda ang mukha. Inihahalintulad siya sa isang hipon na hindi nakakain ang ulo at tanging katawan lamang.



Marami ang nagsasabi na walang katotohanan ang mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Sa katunayan ay napaka ganda ni Herlene ganon din ang kanyang ugali.


Marami din ang nakaka-relate sa kanya lalo na sa estado ng kanyang pamumuhay. Simple lamang si Herlene ngunit mapagamahal sa kanyang lolo at lola.