Home News Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May...

Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May Maipambili Ng Kanyang Gamot

Dulot ng kahirapan maraming mga Pilipino ang nagtitiyagang maghanapbuhay para lang kumita ng pera. Hindi na nagiging basehan ang edad sa paghahanapbuhay upang mabuhay lamang sa araw-araw. Upang matustusan ang mga pangangailangan kahit ang makikipagsapalaran sa kalye ay walang pag-alinlangang gagawin.

Katulad na lamang ng isang matandang lalaki na sa kabila ng kaniyang kalagayan ay pinipilit niyang maghanapbuhay upang makabili lang ng kaniyang gamot para sa araw-araw. Ibinahagi sa social media ang kwento ng matandang lalaking ito na namataan na naglalako ng mga basahan sa kalye kahit na tirik na tirik ang araw. Ayon sa nagbahagi ng kwento ng matanda, kapansin-pansin na hirap na ito sa paglalakad at napag-alaman pang siya ay may sakit. Ngunit hindi daw ito alintana sa matanda, dahil kinakailangan umano niyang makabenta upang may pambili siya ng kaniyang gamot na kaniyang iniinom araw-araw.

Ang matandang lalaking ito ay makikitang nagbebenta sa Pasig, siya ay naglalako sa bandang palengke at ang kaniyang basahan ay ibinebenta niya sa halagang 20Php. Sa kabila ng kaniyang kalagayan, pinipilit niya pa rin ang maghanapbuhay upang matustusan lang ang kaniyang kalusugan. Kahit na lubhang napaka-delikado para sa kaniya ang nasa labas hindi na iyon mahalaga sa kaniya ang importante ay mayroon siyang maiuwing pera at matugunan ang kaniyang mga pangangailangan lalo’t higit na ang kaniyang gamot.


Kaya ipinanawagan sa publiko ang mga taong may mabubuting puso na matulungan ang matandang lalaking ito na maubos ang kaniyang mga paninda upang siya ay makauwi na sa kanilang tahanan at makapagpahinga.


Source: Raffy Tulfo In Action

Sa awa ng Diyos ay natulungan din si Lolo ni Idol Raffy Tulfo, Binigyan siya ng negosyo at apartment. Tunay ngang hindi tulog ang Poong Maykapal at gumagamit ng mga instrumento upang makalasap ng ginhawa ang mga kaawa-awang tao. Sana ay dumami pa ang mga taong matulungin sa mundo.

Viral sa social media ang matandang nagaayos ng kanyang Sirang Bisikleta, Binigyan ng Bagong Bisikleta

sang matanda ang nag-viralsa social media matapos i-post ang larawan nito na nire-repair ang gulong ng kanyang bisikleta sa gilid ng kalsada.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Roswel Placigo
Kahit sira sira na ang gulong ng bisikleta ni Tatay Jhonny Cuevas 52-anyos, ay patuloy pa rin nya itong ginagamit sa paglalako ng kanyang serbisyo, ang pag gawa ng mga sirang payong.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Roswel Placigo
Dahil mabilis na kumalat at nag viral sa social media ang larawan ni Tatay Jhonny. Marami ang mga good samaritan na nag abot ng tulong at bagong bike para sa kanya.

Naihatid na ang bagong bike at kaunting tulong kay Tatay Jhonny na galing sa isang bikeshop. Kita sa mukha ni Tatay Jhonny ang kasiyahan ng matanggap niya ang bagong bike at kaunting tulong financial.

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Roswel Placigo

Larawan ay mula sa Facebook Post ni Roswel Placigo

Roswel Placigo na nagpost ng larawan ni Tatay Jhonny ang naging daan upang matulongan ito.

Sa ngayon ay patuloy na naglilikom ng tulong si Roswel para maipatayo ang hiling ni tatay Jhonny na munting sar-sari store.

Sa facebook account ni Roswel ay makikita naman na nagbibigay siya ng update sa mga natatanggap niyang tulong from time to time.

Sa kasalukuyan nga ay papunta na si Roswel sa bahay ni Tatay Jhonny upang ihatid ang nalikom na tulong.

Mabuhay ka Tatay Jhonny at sana ay matupad ang iyong mga hiling at maibgay sayo. Mabuhay ka din Sir Roswel at pagpalain kayo.

Watch | Isang Lalaki na Nangangalakal at Tanging Kariton Lamang ang Tinutuluyan, Binigyan ng Bagong Pag-asa ng Vlogger!


Marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng lubhang kahiråpan sa buhay. Gayunpaman ay may mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa katulad na lamang ng isang sikat na vlogger na kilala bilang Virgelyncares. Marami na ang natulungan ng vlogger na ito at kasama na sa kanyang mga natulungan ay ang isang lalaki na nangangalakal at tanging kariton lamang ang nagsisilbing silungan.


Sa vlog na ibinahagi ni Virgelyncares sa kanyang youtube channel nitong Setyembre 9 ay maraming netizens ang napahanga sa lalaki. Sa katunayan ay humanga din ang vlogger sa lalaki dahil mas iniisip pa niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanyang sarili.

Binanggit niya sa vlogger na may taong mas nangangailangan ng tulong dahil kahit na mismo siya na walang-wala ay naaawå rin.



Dahil dito, ay hindi naman napigilan ng vlogger na alukin ang lalaki ng bagong pag-asa sa buhay. Binigyan niya ito ng Php20,000 bilang tulong sa panimula ng lalaki na imbis na mangalakal sa daan ay maghanapbuhay na lamang sa kanyang probinsya.

Nabanggit din ng lalaki na nagmula pa siya sa Maynila at nilakad lamang niya ang mahabang daan para lamang makarating kung nasaan siya ngayon. Tulak-tulak ang kariton ay matiyaga siyang nangangalakal ng basura para may makain sa pang araw-araw.


Sa tulong ng vlogger ay makakapagsimula na muli ng bagong pag-asa ang lalaki. Lubos naman ang pasasalamat ng lalaki sa tulong na ipinagkaloob sa kanya ng vlogger. Hindi rin niya napigilan ang kanyang emosyon dahil hindi niya inaakala na makikita ni s Virgelyncares na napapanood lamang niya sa youtube,

Narito ang kabuuang video: