Home News Ina Sinisikap Pa Ring Makapagtrabaho Kahit Sa Edad Na 83 Years Old...

Ina Sinisikap Pa Ring Makapagtrabaho Kahit Sa Edad Na 83 Years Old Para Lang Sa Kanyang Anak

Wala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Tiyak na titiisin ng isang ina ang lahat ng sakripisyo mabuhay lamang ang kanyang anak na walang hinihintay na kapalit.

Katulad na lamang ng istorya na ito ng mag-ina na si Jacinta at Kristina Balagtas.

Ang 83 taong gulang na si Nanay Jacinta “Sinta” Balagtas ay kinakaya pa ring maglako ng mga gulay araw-araw para mabuhay ang kanyang bμlαg na anak na si Kristana. Kahit sa ganitong edad ay tinitiis niya ang makapaghanap buhay para mayroon silang mapangkain araw-araw.
Kada 4am ng madaling araw ay aalis na si Nanay Jacinta ng bahay upang mamili ng mga gulay sa Divisoria. At dako ng 7 hanggang 8am ay magsisimula na siyang magtinda ng mga gulay sa mga eskinita ng Navotas gamit ang kanyang maliit na kariton.

Sa kanyang edad ay hirap na siyang makatayo ng matuwid lalo na’t tinutulak pa niya ang kanyang mabigat na kariton sa mga lubak-lubak na daan mailako lamang ang kanyang mga panindang gulay. Sa buong araw ng pagtitinda ay kumikita lamang siya ng Php200 hanggang Php300 kada araw.
Ang perang ito ay ang ginagamit nila ng kanyang anak upang may ipangbili ng makakain. Bukod kay Krisanta ay mayroon pang ibang mga anak si Nanay Jacinta ngunit ayaw niyang humingi ng pera o umasa sa mga ito dahil mayroon na rin silang kanya-kanyang mga pamilya.

Kung iisipin ay napakahirap ng buhay nilang mag-ina dahil walang ibang aasahan ang kanyang anak kung hindi ang kanyang ina. Kahit na si Nanay Jacinta ay nakakaranas din ng sariling karamd1aman tulad ng hypertensi0n ay hindi niya ito iniinda at iniinuman na lamang niya ito ng gamot at saka tuloy pa rin ang pagtatrabaho.
At ang hiling lamang ng mapagmahal na ina ay sana ay humaba pa ang kanyang buhay upang maalagaan pa niya si Krisanta dahil kung nawala na siya kawawa rin ang kanyang bulag na anak dahil wala nang mag-aalaga dito.

Isang masipag na lalaki, pasan ang anak na isang taong gulang habang naglalako ng taho

Lalaki, dala dala ang kanyang anak habang naglilibot para mabenta ang kanilang panindang Taho.

Sa post ni Jam Perry Branch sa kanyang facebook, makikita ang lalaki na pasan pasan niya sa kanyang likuran ang bata habang naglalako ng taho.

Larawan ay mula kay Jam Perry Branch – Facebook
Larawan ay mula kay Jam Perry Branch – Facebook
Larawan ay mula kay Jam Perry Branch – Facebook

Ang taho vendor ay nakilala na si Richard Paclibare na 30 taong gulang na taga Bagong Buwan Aran Darangan Extension Binangonan, Rizal. Ang kanyang kasama anak na laging pasan kapag maglalako na ng taho ay nasa isang taong gulang pa lamang.

Kaya naman hindi ito maiwan ni Richard sa kanilang bahay dahil nag iisa na siyang nagpapalki sa kanyang anak. Kaya naman napilitan itong isama sa paglalako kahit mahirap para sa kanyang at para sa bata.

Ang ginagawa ni Richard ay napakalaking sakripisyo at delikado sa bata lalo na sa panahon ngayon.

Ayon naman kay Jam na napost sa facebook ang kalagayan ng mag ama, naantig at nahabag sya sa mag-ama. Gustong gusto tulongan ni Jam ang mag-ama ngunit wala din siyang pera.

Ang ginawang pagtulong na lang ni Jam ay bumibili siya lagi ng panindang taho ni manong Richard at pinost niya ito sa facebook upang makita ng mga may maganda pusong mga netizen upang sa ganon ay matulongan ang mag-ama.

Nais din niyang kumalat ito upang makarating kay Idol Raffy na lagi tumutulong sa mga mahihirap.

Sana ay may tumulong sa mag-ama.

Source: Jam Perry Branch -Facebook

Mag-amang walang matuluyan, tiniis na matulog sa tump⊗k ng bαsurα na inaanod sa maruming ilog, Umantig sa publiko

May mga tao na hindi pa din makuntento sa kung ano ang mayroon sila.

Nakukuha pa din nilang magreklamo sa kabila ng mga pagkain sa kanilang hapag, bahay na natutuluyan, perang nagagastos kapag kinakailangan at pamilyang nauuuwian.

Kadalasan ay iniisip lang natin ang sarili ngunit kung tutuusin, kung pagmamasdan at oobserbahan an gating paligid, saka lamang natin mapag- aalaman na swerte pa din tayo sa kabila ng ating pinag dadaanan.

Isang larawan ang dumurog sa puso ng netizens na kung saan makikita ang mag amang ito na mahimbing ang tulog habang yakap ang kaniyang anak sa itaas ng tumpok na bαsυrαng inaanod sa ilog.

Kitang kitang madumi ang kanilang mga kasuotan maging ang mga plastic na kanilang hinihigaan

Hindi din ipinakita sa larawan ang kabuuang hitsura ng mag- ama at malinaw na detalye ngunit mas pinagtuunan ng pansin ang kanilang kalagayan.

Ang litrato ng mag- ama ay ibinahagi ng Facebook Page ng Bayan Ko. Samantala, madami din naman ang nag komento na nais nilang matulungan ang mag- ama sa pamamagitan ng pagtawag ng atensyon ng otoridad.
Napaka delikado na sa mundong ito kaya nawa ay matulungan tayo para protektahan at iahon ang isa’t isa.

Hiling ng mga netizens na maaksyunan ang mga ganitong sitwasyon dahil laganap na ang sakit noon pa man dahil sa maruruming paligid na maaaring ikapanganib din ng bata.