Home News Isang Babae, Hinangaan Dahil Sa Kaniyang Wagas Na Pagmamahal Sa Lalaki Na...

Isang Babae, Hinangaan Dahil Sa Kaniyang Wagas Na Pagmamahal Sa Lalaki Na May Kakaibang Hitsura

Kailanman ay hindi magiging batayan ang pisikal na kaanyuan, estado ng buhay, at agwat ng edad sa isa’t isa pagdating sa pagmamahal. Para sa karamihan, mas mahalaga pa din sa kanila ang kalooban at kabutihan ng puso ng taong mamahalin nila.

Katulad na lamang ng babaeng ito mula sa Thailand na nagmahal ng isang lalaki na may kaibahan ang hitsura. Ang 23-taong-gulang na babae ay kinilalang si Phatsara Obnak na nagmahal at nagpakasal sa 37-anyos na si Boonme Khanthong. Ang dalawa ay patunay lamang na ang pisikal na hitsura ay kailanman hindi magiging hadlang para sa kanilang pagmamahalan.

Ayon sa ulat mula sa Thai News, ang kasal nina Boonme at Phatsara ay ginanap sa isang village sa northeastern sa probinsya ng Surin, Thailand. Sa isang panayam, ikinwento ni Boonme ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kaibahan sa kaniyang mukha. Ayon sa kaniya, nasira umano ang capillaries sa kaniyang mukha noong siya ay bata pa lamang. Dinala pa nga siya sa Siriraj Hospital sa Bangkok ng ilang beses upang ipatingin ang kaniyang sakit ngunit ito ay hindi na nabigyan ng lunas. Natigil din ang kaniyang pagpapagamot dahil na din sa kahirapan ng buhay nila noon.

Si Boonme ay nakapagtapos lamang ng Grade 5 dahilan para siya ay mahirapan sa paghahanap ng trabaho. Bukod pa diyan, hindi din maintindihan ng mga tao ang kaniyang sinasabi dahil siya ay hirap sapagsasalita.

Mabuti na lamang at tinulungan siya ng kaibigan na si Virat Saothong na isang kontraktor para siya ay magkaroon ng trabaho. Kapag may pagkakataon, tumutulong din siya sa kaniyang kapatid na magbenta ng papaya sa Southern Hat Yai City kung saan niya nakilala si Phatsara. Minahal ni Phatsara si Boonme dahil sa pagiging mapagmahal at maasikaso nito hindi lamang sa kaniya, kundi pati sa kaniyang anak sa dati niyang asawa.

Patunay lamang ang pag-iibigan ng dalawa na kailanman ay hindi magiging hadlang ang pisikal na hitsura para tayo ay makahanap ng taong magmamahal sa atin.

70 year-old na lalaki pinakasalan ang 20-year old na babae, mga magulang ng babae binigyan ng P30M

Sabi nga nila, “age doesn’t matter” sa pagmamahalan. Hindi basehan ang edad ng isang tao pagdating sa pag-ibig. Ngunit minsan ay nagagamit ang kasabihan na ito sa maling paraan. 

Photo credit: Facebook

Hindi maiiwasan ang usap-usapan kapag ang isang may edad na lalaki o babae ay magkaroon ng relasyon sa mas bata sa kanila. 

Mas lalo pang titindi ang tsismis kung nagkataon na maraming pera ang matandang babae o lalaki.

Katulad na lamang ng mga viral photos sa engrandeng kasal ng isang 70-year-old na lalaki at 20-year old na babae sa bansang Thailand.

Photo credit: Facebook

Ang akala ng mga netizens ay nagkaroon lamang ng engrandeng debut ang babae at ang kasama nitong matanda ay ang tatay o lolo nito.Kinilala ang matandang lalaki na si Mr. Chana Jiralerspong. Ang mayaman na may-ari ng coffee empire na Khao Shong Industry.Ayon sa article ng Rachfeed, sa edad na 70 ay hindi pa ikinasal si Chana. Marahil ay talagang hinihintay niya ang kanyang “the one.”

Hindi naman nabanggit ang pangalan ng 20-year-old na babae sa kahit anong blogs o reports patungkol sa engrandeng kasalan.

Samantala, sa Facebook page na ‘Big Kren’, isang news company sa Thailand, ibinahagi nito ang mga larawan ng bagong kasal. Nabanggit din na nakatanggap ang mga magulang ng babae ng 20 million baht ($660k) o mahigit 30 million pesos.

Katulad ng ibang magkakarelasyon na mayroong malaking age gap, marami rin ang humusga sa bagong kasal kasama na rito ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

Ngunit kung titignan ang larawan ng dalawa ay makikita ang ngiti at saya sa kanilang mga mukha. 

Makikita rin sa mukha ng babae na hindi ito napilitan sa pagpapakasal kay Mr. Chan.

Photo credit: Facebook
Photo credit: Facebook
We have already agreed on the wedding date, so no matter where I am in the world, I will come back to meet my wife on the day,” sabi ni Mr. Chan.
Samantala, marami pa rin ang nagdududa sa pagpapakasal ng babae sa matandang lalaki. Anila, kaya raw masaya ito ay dahil nakapangasawa siya ng mayaman. Kaya naman mabibili na nito ang lahat ng gustuhin niya.

Source: Rachfeed

Larawan ng isang 85 taong gulang na babae at 24 taong gulang na lalake, napagkamalang “wedding photoshoot”, alamin ang tunay na kwento

Isang kakaibang kwento ang kumakalat sa social media na ang akala ng marami ay ikinasal ang isang babaeng 85 taong gulang sa isang lalaking 24 taong gulang lamang. Ngunit, ito ang kanilang tunay na kwento.
Si Zhang ay 24 taong gulang na nagtatrabaho bilang bombero sa Fenyi County, Xinyu, Jiangxi province. Samantala si Tang naman simula pa noong 1983 ay nakaugalian nang mag-alaga at kumupkop ng mga inabandonang mga bata. Inaalagaan umano ng matanda ang mga sanggol hanggang sa sila ay lumaki at lumakas na at ibinibigay nya ito sa mga adoption centers, at care institutions.

credit to Oriental Daily

Isa si Zhang sa mga batang inalagaan ng matandang si Tang. Isa lang si Zhang sa anim na mga batang ikinupkop ng matanda noong sya ay 61 taong gulang pa lamang. Sa kabila ng pagkakaroon nila ng kanyang asawa ng limang sariling mga anak ay tumulong pa rin sila sa mga batang inabandona.

credit to Oriental Daily

Subalit, dumating umano ang panahon na nahirapan silang mag-asawa sa pagbigay ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Laking pasasalamat ng pamilya lalo na ni Tang noong 2001 ay tinulungan sila ng Fire Department sa pagbabayad ng Tuition ni Zhang hanggang sa ito ay makapagtapos ng high school, at pati na rin sa pagtatapos ng kanyang ate sa kolehiyo noong 2013.

credit to Oriental Daily

Dahil sa matagal na panahon na naging bahagi ng kanyang pag-aaral ang Fire Department, napamahal na umano ito sa kanya kaya’t napagdesisyunan din nyang maging isang bombero. Noong nakaraang taon ay ginawaran ng parangal si Zhang dahil sa kanyang mahusay na serbisyo.

 

Nagkaroon ng isang photoshoot si Zhang para sa kanyang parangal, at isinama nya ang kanyang adoptive mother na si Tang dahil umano sya ang malaking bahagi ng kanyang tagumpay.

credit to Oriental Daily

Napagkamalan itong isang wedding photoshoot dahil sa suot na damit ni Tang at ang hawak na bulaklak.

 

Sa kabilang dako, marami naman ang humanga sa kabutihang loob ni Tang at ng kanyang asawa.