Home News Isang Batang Lalaki, Nagbebenta Ng Balut Upang Makabili Ng Cellphone Para Magamit...

Isang Batang Lalaki, Nagbebenta Ng Balut Upang Makabili Ng Cellphone Para Magamit Sa Kanyang Pagmomodule

Kumalat at naging trending ang batang ito dahil sa post ng butihing si Mr. Kelly John Madeja. Ayon sa kanyang post, habang siya’y nasa Jollibee ng Odiongan para maghapunan lubos ang kanyang galak ng makita sa lugar na yun ang kanyang maituturing na kaibigan na si Atty. Greggy Ramos PCL President sa Probinsya ng Romblon.

Photo: Kelly John Madeja

Habang sila’y kumakain, bumuhos ang malakas na ulan at biglang nakuha ang kanilang atensyon ng may pumasok na batang nagtitinda ng balut sa lugar kong saan sila naroon. At ang batang nagtitinda ng balut ay nakilalang si Mark Mangao.

Photo: Kelly John Madeja

Sa murang isipan nito natuto na siyang mag hanap buhay para makatulong sa pamilya at mabili ang kanyang inaasam na cellphone para sa kanyang pag-aaral.
Hindi kita sa bata ang pagod at hirap sa buong maghapong pag-iikot mula Dapawan hanggang sa bayan ng Odiongan upang magtinda ng Balut, Chicharon at Itlog Pugo.

Photo: Kelly John Madeja
Photo: Kelly John Madeja

Sa pakikipag usap nila sa bata, napansin nilang magaling ito magsalita at managalog at ng tanungin nila ito kung ilang taon na siya at anong baitang, laking gulat nila ng sabihin nitong siya’y 11 taong gulang na at nasa ikatlong baitang palamang. Nagpabalik-balik ito sa pag aaral sa kadahilanang nagpalipat-lipat sila ng tirahan at dahil narin sa kahirapan.

Halos ikadurog ng puso ni Kelly at Atty. Ramos ang kanilang narinig. Tinanong ni Atty. Ramos ang bata kung ilan na lamang ang laman natirang binibentang balut at binili niya ito lahat sabay inabutan niya ang bata ng isang libong piso, habang nakatingin ang bata sa kanyang styro foam na bitbit para tingnan kung ilan ang isusukli, biglang nagsalita ang butihing si Atty. Ramos na sa kanya na ang buong isang libo at sinagot niya na rin ang bayad sa mga pagkain ng batang si Mark.

Photo: Kelly John Madeja

Kitang-kita ang tuwa sa mata ng bata. Nalaman din nilang ang batang si Mark ay taga San Agustin, Romblon ngunit nakatira siya ngayon sa kanyang tiyahin na taga Dapawan, Odiongan, Romblon.
Sa pagpupursige at tiyaga ng bata sa kanyang murang edad hindi malayong makamit niya ang kanyang mga pangarap.
Sa kabilang banda, makalipas ang ilang araw ng magtrending ang kwento ni Mark, ayon sa Facebook post ni Ginoong Marc Dexter Famini, isang may ginintuang puso na nagsabing itago ang kanyang pagkakilanlan sa pangalang Lisa ang lumapit sa Municipal Admin na si Doc. Ramer Ramos upang matunton ang batang si Mark sa lugar na nasasakupan ng butihing Barangay Captain Lee Famisaran upang tuparin ang munting hiling na Cellphone ni Mark at isa ring ayaw magbigay ng pangalan na kung tawagin natin ay Good Samaritan ang nagbigay ng 2 libong piso kay marM upang makatulong sa kanyang pag aaral.

Photo: Marc Dexter Famini

Walang masidlan ang tuwa at galak ng bata sa mga natanggap nitong biyaya mula sa may mga mabubuting kalooban. Buong pusong nagpasalamat ang bata sa lahat ng taong naging daan para matupad ang kanyang munting pangarap na cellphone para may magamit sa kanyang pag aaral.

12- Anyos na Batang Lalaki, Para Masurpresa at Mabigyan ng Regalo ang Pamilya ay Naglalako at Nagtitinda ng Meryenda!

Marami ang humanga at bumilib sa batang lalaki na ito dahil sa kanyang kaisapagang ginagawa. Nagtitinda kasi sya at nag lalako ng mga meryenda upang makapag handa ng surpresa at regalo para sa kanyang pamilya at mahal sa buhay.

Mahigit isang taon  na daw na naninirahan dito sa Maynila ang 12 taong gulang na si Joshua sapagkat inabutan daw ito ng lockdown dito sa lugar, kung saan ay bumibisita lamang sya sa isang kamag anak. Kaya ng sinimulan ang lockdown ay hindi na nakauwi pa si Joshua sa kanila sa Cavite.

Ang kanyang Ama naman ay naiwan sa Cavite. Kwento pa nila ay nagkasakit na daw at hindi makapag lakad ang kanyang Ama sa Cavite kaya ay napilitan si Joshua na dumiskarte at magbalat ng buto sa pamamagitan ng paglalako at pagtitinda ng meryenda, para maipadala ay ang pera sa kanyang pamilya sa Cavite at para narin sa kanyang simpleng regalo para sa mga ito.

Batang lalaki, matiyagang tinutulungan ang amang bulag sa pagtitinda ng ice cream

Marami ngayon ang naaantig sa isang batang lalaki dahil sa kabila ng kaniyang murang edad ay kasama sa kaniyang prayoridad ang pagtulong sa paghahanap-buhay ng kaniyang amang may kapansanan.

Naisapubliko ang kwento ng paslit nang ibahagi ng Facebook user na si Archel Novecio Reli noong Pebrero ang ilan sa mga larawan ng bata kasama ang kaniyang ama.

Ayon kay Reli, laging nakabuntot ang bata sa kaniyang ama na tindero ng ice cream.

Dahil bulag ang ama, ang batang lalaki ang nagsisilbing gabay at mga mata nito. Ang bata ang tagasiguro na hindi mapapahamak ang kaniyang ama habang ito ay naghahanap-buhay sa kalsada para sa kanilang pamilya.

Dahil dito, maraming netizens ang nakaramdam ng pagkamangha hindi lamang sa ama kung hindi maging sa bata.

May ilan pa nga na nagpaabot ng tulong sa bata at sa kaniyang pamilya dahil sa kaniyang pagiging mabuting ehemplo sa ibang tao.
8-Anyos na Batang Babae, Nagsilbing Ina sa Kanyang 4 na Kapatid Dahil May Malubhang Karamdamån ang Ina!

Malaki at mabigat na pasanin ang pasan-pasan ng walong taong gulang na batang babae. Bukod sa pagluluto at paglilinis ng bahay, ay nagsilbi siyang ina ng apat niyang mga kapatid. Sa murå rin niyang edad, ay imbis na nakikipaglaro sa ibang mga bata ay siya mismo ang nag-aalaga, nagpapakin at nagpapaligo sa kanyang ina na may karåmdaman.

Ang kuwento ng batang si Jenny ay mabilis na nag-viral matapos na maabutan sila ng tulong ng isang vlogger na si Virgelyncares.

Lubhang mapayåt ang ina na si Jewel at walang nutrisyon na pumapasok sa kanyang katawan kaya bumagsak ang kanyang kalusugan. Kapapanganak lamang niya noon sa kanyang bunso nang bigla siyang magkasåkit. Si Jenny na panganay na anak ni Jewel ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

Habang ang ina ay nakahiga ay abala naman si Jenny sa pag-aasikaso sa mga kapatid. Ang ama ni Jenny ay sa laot naghahanapbuhay kaya wala rin siyang ibang aasahan kung hindi ang sarili niya.



Inamin niyang nahihiråpan na siya sa kanyang sitwasyon kaya ang tanging hiling na lamang niya ay gumaling ang kanyang ina.

“Nahihirapan din po. Masaya ako na natutulungan si Mama,” saad ni Jenny.

“Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili niya, para kami naman ang alagaan niya.”

Lubos naman ang pasasalamat ni Jewel sa tulong na natanggap niya mula sa vlogger. Sa ngayon ay patuloy na ang kanyang pagpapagaling at nakakatayo na din. Naging mas maayos na ang kanyang kalagayan kumpara sa naunang pagbisita ng vlogger sa kanilang tahanan.