Home News Isang Flight Attendant, Itinuturing Ngayong “Hero” Matapos I-br3astfeed Ang Isang Sangg0l Habang...

Isang Flight Attendant, Itinuturing Ngayong “Hero” Matapos I-br3astfeed Ang Isang Sangg0l Habang Nasa Flight

Nakatanggap ng papuri sa publiko ang isang flight attendant mula sa Pilipinas dahil sa pagtulong na ginawa nito sa isang ina na naubusan na ng kaniyang gatas sa pagpapa-bre4stfee sa kaniyang anak habang sila ay nasa himpapawid.

Ang 27-anyos na flight attendant na si Patrisha Organa ay hindi nagdalawang isip na magbigay ng tulong sa naturang pasahero sa pamamagitan ng pag-alok niya dito na siya na ang magpapa-br3astfeed sa kaniyang anak.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng nasabing flight attendant ang larawan niya habang karga ang sanggol.

Ani Patrisha,

“I heard an infant’s cry, a cry that will make you want to do anything to help.

“I approached the mother and asked if everything’s okay, I tried to tell her to feed her hungry child.

“Teary-eyed, she told me she ran out of formula milk. Passengers started looking and staring at the tiny, fragile crying infant.”

Ayon kay Patrisha, nakaramdam siya ng awa nang makita ang kalagayan ng sangg0l.

Dagdag niya,

“There’s no formula milk on board. I thought to myself, there’s only one thing I could offer and that’s my own milk. And so I offered.”

Pumayag naman ang supervisor ni Patrisha tungkol dito. Kaya naman pumunta siya kasama ang nasabing nanay sa pribadong parte ng eroplano para i-br3astfeed ang sanggol sa domestic Philippine Airlines flight noong 2018.

Pagpapatuloy niya,

“The baby started rooting, she was so hungry.

“I saw the relief on her mother’s eyes. I continued to feed the baby until she fell asleep. I escorted her back to her seat and just before I left, the mother sincerely thanked me.”

Sinabi ng flight attendant na siya ay isang br3astfeed advocate at mayroon din siyang nine-month-old baby girl.

Marami naman sa mga netizens ang pumuri at humanga sa kabutihang ipinakita ni Patrisha sa nasabing nanay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“This is amazing! We don’t know why mom ran out.”

“I absolutely love this, I’ve often dreamed of being able to help out with my milk to another mother in need. Your a hero.”

“Thank you. I needed to see something beautiful.”

“I’m sure it wasn’t planned. Things happen, and I’m a solution was available and graciously offered.”

Isang Babae, Nanganak sa Eroplano!

Isang babae na nagngangalang Lavinia Mounga ang nanganak sa eroplano. Ngunit, tila kakaiba ito dahil hindi alam ni Lavinia na siya ay nagdadalang-tao. Si Lavinia ay nagmula sa Salt Lake City, Utah at papunta sana ng Honolulu, Hawai. Maswerte ang babae dahil mayroon siyang nakasabay na doktor at tatlong nurse na nagtulong-tulong para sa panganganak ni Lavinia.

Ang anak ni Lavinia ay pinangalanang Raymond. Ayon sa news release ng Hawaii Pacific Health, nasa 29 weeks pa lamang ang tiyan ni Lavinia ng ito ay manganak. Kinilala ang doctor na tumulong kay Lavinia na si Dr. Dale Glenn at ang tatlong nurses na sina Lani Bamfield, Amanda Beeding at Mimi Ho.

Kulang umano sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies. Dahil dito, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbilical cord ng sanggol at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigay ng init sa bagong silang na bata.

Naging maayos naman umano ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras na nasa eroplano hanggang sa makarating sila sa airport.

“The emergency personnel took great care of the baby upon arriving in Hawaii,” ani ni Dr. Glenn.

“The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us,” saad ni Lavinia.

“Our miracle baby nephew was born 29 weeks along with 3 hours left on our flight and was such a strong trooper. Our sister did not know she was pregnant so she was just as shocked as the rest of us when our nephew was born!” sabi ng mga kapatid ni Lavinia.

Watch! Cutomer, Binulaga ng Dalawang Ahas na Nakasama sa Delivery Package na Kanyang Natanggap!

May mga pagkakataong nangyayari paminsan-minsan ang hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng isang customer na binulaga ng dalawang ahas na kasama sa kanyang inorder na folding bed. Ayon sa customer, habang binubuksan umano niya ang delivery package ay laking gulat niya nang makita niya ang ahas na naroon sa folding bed. At hindi lamang isa ang kanyang nakita, kundi dalawa.

Ayon naman sa online shopping platform na Lazada, sila ay nakikïpag-ugnayan na sa customer at sa iba pang nadamay sa naturang insidënte.

“Lazada ano to bakit may ahas na 2 sa loob jusko muntik pa kami ano to freebies. Nakikïpag coordinate na po si Lazada about sa incidënt.” Ito ang caption ni Are Jhae Libunao sa kanyang pinost na larawan at video kung saan makikïta ang dalawang ahas sa kanyang delivery package.

Marami naman ang nagshare ng naturang post na umabot na sa 21k. Sabi pa ni Are Jhae, “Buti talaga di lumabas habang yakap yakap ko sa tricycle kundi baka natuklåw na ako ng dalawa na yan”

Sa kabutihang palad ay wala namang natuklåw ng dalawang ahas at inaalam pa ng Lazada kung paano nagkaroon ng ahas sa nasabing delivery package.