Home News Isang Lalaking Nagtatrabaho sa Tubuhan Bilang Tapasero, Natupad ang Pangarap na Maging...

Isang Lalaking Nagtatrabaho sa Tubuhan Bilang Tapasero, Natupad ang Pangarap na Maging Licensed Teacher!

Karamihan sa mga magulang ay hangad lamang ang nakakabuti para sa kanilang mga anak. Madalas ang kanilang pagpapalaki sa mga ito ay base na rin sa kanilang pinagdaanan o di kaya naman ay karanasan sa buhay.
Isang lalaki ang lumaki sa pangaral ng kaniyang ama na mas mainam pang magtrabaho sa murang edad kaysa paglaanan ng panahon ang halos araw-araw na pagpasok sa paaralan dahil hindi naman siya kikita ng pera mula dito.
Ang nasabing lalaki ay nakilala bilang si Melvin Osabel Buracho at ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa tubuhan para matustusan ang kanilang pangangailangan.


Sa murang edad ay mataas na ang pangarap ni Melvin kaya naman desidido siyang tapusin ang kaniyang pag-aaral hanggang kolehiyo. Hindi naging madali ang bagay na ito lalo na at tutol na tutol ang kaniyang ama sa pag-aaksaya niya ng oras sa paaralan.

Sa katunayan, ang mga nakababata niyang kapatid ay tumigil na sa pag-aaral at nagtrabaho nalang sa tubuhan dahil sa takot sa kanilang ama. Samantala, si Melvin ay pinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral kasabay ang pagtulong sa ama sa pagtatrabaho sa tubuhan. Ngunit noong nasa Grade 4 na ay napilitan siyang huminto dahil na rin utos ng ama na pagtuunan ng pansin kung papaano kumita ng pera.

Sa kabutihang palad, mayroon siyang nakitang restaurant na naghahanap ng working student at agad itong sinunggaban sa kabila ng pagtutol ng ama.
Naging maganda ang mga grado ni Melvin at sa katunayan ay nakatanggap siya ng iba’t ibang honors ngunit ni minsan ay hindi nagpakita ang kaniyang ama sa graduation ceremony hanggang sa pumanaw ito ng hindi sila nagkaka-ayos.

Mabigat man sa loob ay natapos rin ng binata ang highschool at nagdesisyon munang maghanap ng trabaho upang matustusan ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Minabuti niya ring bisitahin ang ama sa puntod nito para humingi ng tawad.
“Patawad Tay, kung naging mabigat ang loob niyo sa pag-abot ng aking mga pangarap. Hindi na po ako galit sa inyo at nawa ay nauunawaan niyo rin na ginagawa ko ito hindi lamang para sa sarili kundi para kay Nanay at mga kapatid ko. Mahal kita Tay at sana masaya ka sa naging bunga ng aking pag-aaral.”, mga salitang nabanggit ni Melvin sa puntod ng ama habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Ipinagpatuloy nga niya ang pag-aaral sa kolehiya at ngayon ay magaan na ang kaniyang kalooban. Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Elementary Education, major in General Education noong buwan ng Mayo taong 2019 ng may iba’t ibang parangal na natanggap. Maliban dito ay nag-top din siya sa isinagawang Licensure Exam for Teachers noong buwan ng Disyembre!

Talaga namang kahanga-hanga ka Melvin at ipinakita mong malayo ang mararating ng taong hindi sumusuko sa pag-abot ng kanilang pangarap.

Estudyante Ginamit Ang Tsinelas Bilang Eraser Dahil Walang Pambili Ng Gamit Pang-Eskwela

Mayroong mga bata sa mga public schools, kahit na sila nakakapasok sa paaralan ay wala naman silang pambili ng kanilang uniform, sapatos, papel, lapis, bag, notebook, pambura, etc. At dahil dito, naghahanap ng ibang paraan ang mga musmos na ito para mayroong silang magamit.
Katulad na lamang ng isang elementary student na ito na si Harold Labutong na estudyante ng Engracio M Castañeda Elementary School sa La Paz, Tarlac.
Ang bata ay galing sa isang mahirap na pamilya na walang pambili ng mga gamit pang-eskwela. Sa katunayan, ang lapis na kanyang ginagamit ay noong nakaraang taon pa kaya naman ito ay pudpod na. Wala rin siyang magamit na pambura o eraser kaya ang ginagawa niya ay nanghihiram siya sa kanyang mga kaklase.

Isang araw, nanghiram siya ng pambura sa kanyang kaklase at sinabi nang kanyang kaklase na gawa lamang sa rubber ng tsinelas ang kanyang pambura. Dahil maliit na ito ay hirap na hirap si Harold upang burahin ang kanyang papel. Kaya naman naisipan niya ang ideya na gamitin ang kanyang sariling tsinelas bilang pambura.

Nang nakakabura ang kanyang tsinelas ay madalas na ito ang kanyang ginagamit na pambura sa kanyang mga mali sa papel. Napansin din ng kanyang guro na napakaliit na ng gamit niyang lapis, ngunit kahit hirap na hirap na ito sa pagsusulat ay nananatiling positibo pa rin ang bata para matuto at mag-aral.

Ayon rin sa kanyang guro na isang masipag at mabait na bata si Harold at hindi madamot. Kaya naman noong ang kanyang kaklase ang nanghihiram sa kanya ng pambura ay pinapahiram niya ang kanyang tsinelas para pambura.

Sa isang interview, tinanong ang bata kung ano ang gusto niyang maging sa pag-laki at nais raw niyang maging isang mangingisda tulad ng kanyang ama.

Nakakalungkot mang isipin, ang mga batang tulad ni Harold ay nakakaranas ng hirap sa kanilang pag-aaral dahil sa wala silang magamit na gamit pang-eskwela. Ngunit ang mga tulad niya ay totoong kahanga-hanga, dahil kahit na ganito ang kanilang nararanasan araw-araw ay nanatili silang positibo at may pangarap.

Batang naglalako ng mansanas na hindi basta basta tumatanggap ng limos na pera sa kaniya, labis na hinangaan at kinabiliban ng publiko matapos siyang makuhanan sa isang video!

Pagkain at hindi pera ang ilan sa mga salitang binitawan ng batang ito ang talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens. Nasanay na kasi tayo sa ibang mga kababayan natin na talagang mas gustong makatanggap ng pera kung humihingi sila ng tulong sa iba.

Ngunit para sa batang ito, talagang mas nais niyang paghirapan at pagtrabahuhan ang bawat sentimong kinikita niya na siya namang itinutulong niya sa kaniyang pamilya. Ayon sa naging pagbabahagi sa social media ni Xof Naraplap (Rex Palparan) ay nais na lamang sana nilan bigyan ng pera ang batang ito na naglalako ng mansanas ngunit ayaw niya itong tanggapin.

Mas gusto niyang bilhin na lamang nila ang paninda niyang mansanas kung kaya naman maging ang dalawa niyang mga kasama sa sasakyan ay napabili na din. Talaga namang namangha silang lahat dahil sa tila napakagandang pakikipagnegosasyon ng batang lalaki na ito na ayaw tumanggap ng perang limos para sa kaniya.

Maraming mga netizens naman ang labis na namangha sa batang ito ay nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa kaniya. Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon:
“We are happy and thankful to meet you kid….sana marami pang bata ang kagaya mo…magalang at mabait”, pahayag ng isang netizen.

“Sobrang bait naman ni baby boy, sana tularan ka pa ng ibang bata na tulad mo”, komento naman ng isa pa.

“Sarap maging magulang ng ganyang mga bata”, turan naman ng isa pang netizen.

“Nakakatuwa naman ang bata na ganito kabait. Saludo rin kami magulang nito na naturuan siya ng magandang asal”, pahayag pa ng isang netizen.

“Ito iyong mga batang masarap tulungan e. Pagpalain ka sana boy”, komento naman ng isa pa.