Home News Isang Lolo, humihingi ng tulong para mahanap ang kanyang pamilya

Isang Lolo, humihingi ng tulong para mahanap ang kanyang pamilya

Viral sa Facebook ang post ng isang netizen, kung saan ay humihingi ito ng tulong upang mahanap ang mga kamag-anak ng isang nakaka-awang lolo na palaboy sa lansangan.
Sa post ng netizen na si Miracquel Balatbat Sunga, hinikayat niya ang mga tao sa social media na i-share ang mga larawan ni lolo upang sa ganun ay mabilis siyang mahanap ng kanyang pamilya.
“Magandang araw po sa inyong lahat gusto ko lang po sanang humingi ng konting tulong sa inyo para matulungang mahanap ang pamilya ni tatay para naman po hindi pakalat kalat si tatay sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sya dala ng katandaan nya.” ayon kay Sunga.
Dagdag pa nito, laging nagagawi si lolo sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan na pakalat-kalat sa kalsada kaya naman nangangamba siyang baka madisgrasya ito gawa ng kanyang katandaan.
“Sya po ay laging nagagawi dito sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan kung mapapasin nyo po ang kanyang mga larawan ay talagang nakaka durog po ng puso ang nangyari sa kanya.” ayon sa post ni Sunga.

Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga

Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga

Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga

Sa bandang comment section naman ay may isang netizen na nagtanong kay kung ano ang nangyari sa mukha ni tatay bakit tila mayroon itong malaking sugat sa bandang pisngi.
Ayon sa sagot ni Sunga, napag-alamang nahulog si tatay sa sinasakyan nitong tricycle isang araw bago niya ito kunan ng litrato ang matanda.
Narito ang kanyang buong post:
“Magandang araw po sa inyong lahat gusto ko lang po sanang humingi ng konting tulong sa inyo para matulungang mahanap ang pamilya ni tatay para naman po hindi pakalat kalat si tatay sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sya dala ng katandaan nya. Sya po ay laging nagagawi dito sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan kung mapapasin nyo po ang kanyang mga larawan ay talagang nakaka durog po ng puso ang nangyari sa kanya. Kung pwede po sana paki share ung mismong picture para mas mapadaling makarating sa kanyang pamilya ang kalagayan ni tatay maraming salamat po Godbless.”
Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:
Mark Jayson Dela Cruz Nakakaawa naman po ang kalagayan ni lolo, ang hirap para sakin na makita siyang nahihirapan lalo na mayroon siyang malaking sugat sa mukha.
Robles Robles Yvets Sana nga po at mahanap na siya ng mga kamag anak niya. dapat si lolo eh nagpapahinga nalang sa kanilang bahay kaso tila ang hirap ng kalagayan niya ngaun.
Nhojner Sagelliv Lote Ndi nya ba alm kng saan xia nktra… Kawawa nmn po c lolo.. Hingi po kayo tulong jan sa mga kptd kng pwede or sa PNP. PRA mpdli ang paghhnp sa famly nya po…
Source: Miracquel Balatbat Sunga / Facebook

Isang lolo na PWD, nag-aalok ng gupit at masahe bilang hanap-buhay gamit ang kanyang bisekleta

Sa kabila ng katandaan na sa buhay, at pagkakaroon pa ng kãpånsånån ay hindi naging hadlang sa isang lolo na ito na maghanap buhay upang maitaguyod sa kanyang mga mahal sa buhay.

Siya si lolo Alejandro Lebuna Sr., mula sa Sitio Ma-inuswagon, Bolilao, Mandurriao, IloIlo, kahit may banta na dulot ng pandemya ay hindi humihinto sa paghahanap buhay.

Si lolo Alejandro ay isang Person with DÏsäbÏlĪtŸ (PWD) na patuloy nag-iikot sa kanilang bayan upang mag alok ng kanyang serbisyo gaya ng pag-gugupit ng buhok at pagmamasahe.

Ayon sa kanyang manugang na si Nancy, deaf and mute si lolo Alejandro, maaga pa lamang ay umaalis na ng bahay si lolo alejandro gamit ang kanyang bisekleta upang mag-ikot ikot sa kanilang lugar.

Hindi naging balakid kay lolo Alejandro ang pagiging deaf and mute, na kahit sa edad ng 73 ay patuloy pa rin ito sa pagbabanat ng buto at kumikita siya sa kada gupit ng P100 at P50 naman sa pagmamasahe.

Kasama ni lolo ang kanyang may bahay na si lola Ernestina, 69 years old. Bukod sa pag-aalok ng gupit at masahe, ay nagbebenta rin sila ng kanyang asawa ng mga tanim na halaman at mga alagang bibe.

Photos courtesy of Facebook @Lpukids Ibike

Dahil sa paghanga sa kanya ng isang netizen, naisipan nitong ibahagi sa Facebook ang nakaka-inspire na kwento ni lolo Alejandro. Agad itong nagviral at bumuhos ang tulong para kay lolo at sa kanyang pamilya.

Para kay lolo Alejandro, lahat ay kanyang gagawin para maitaguyod at ating pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay.

“Bilang magulang, hindi na natin iniisip ang ating mga sarili, dahil ang mahalaga sa atin ay maibigay natin ang pangangailangan ng ating mahal sa buhay,” pahayag ni lolo Alejandro.

Dumagsa din ang sari saring tulong kay lolo at sa kanyang pamilya mula sa mga netizens at iba pang may mabubuting puso at mga naantig sa kwento ni lolo Alejandro.

Walang pwedeng maging hadlang sa taong may pagmamahal sa kanyang pamilya, kahit sabihin pang may katandaan na o may kãpånsānān man ito, mas mahalaga sa kanya ang kapakanan ng kanyang mahal sa buhay at maraming paraan para kumita ng marangal.

Photos courtesy of Facebook @Lpukids Ibike

Viral Ang Photo Ng Isang Kawawang Matanda Na Nagtitinda Ng Tinapay Umaga Hanggang Gabi Para Maipa-Ospital Ang Anak

Napakasaklap makakita ng mga nagtitinda na kahit sobrang tanda na nila ay patuloy pa rin ang kanilang paghahanap buhay. Dahil sa hirap ng buhay at kailangan nilang kumita ng pera, tinitiis pa rin nila ang pagod ng pagtatrabaho imbes na sana sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.
Sa isang Facebook post, viral ang larawan ng isang kawawang matandang lalaki na nakitang nagtitinda pa ng tinapay o steamed bun sa isang sidewalk sa Taipei, Taiwan.
Ayon sa post, ang matandang tindero ay dating taga Shandong, China ngunit kinailangang manirahan sa Taiwan matapos na magkaroon ng problema sa utak ang kanyang anak dahil sa päggämit ng substånsyå at pagkakaroon ng dyabetis.

Upang masuportahan at mabayaran ang mga gastusin sa ospital ng kanyan anak, ang matanda ang kinailangang magtrabaho ng maigi mula araw hanggang gabi sa pamamagitan ng pagbebenta ng “mantou” sa Chinese o steamed buns.
Sa umaga ay matatagpuan ang kanyang maliit na stall sa Jingmei at sa gabi naman ay lilipat ito sa labas ng Wanlong station upang doon naman magbenta.


Ayon sa concerned netizen na nakakita sa matanda, nakita niya ito na hindi pa kumakain ng hapunan. Kaya nilapitan niya ito at tinanong kung gusto niyang kumain. Ngunit tila hindi na nakakarinig ng mabuti ang matanda kaya naman minabuti na lamang niyang ipagdala ito ng pagkain at siya naman ay pinasalamatan.
Nais rin ng netizen na sana sa kanyang post ay makilala ang matanda sa publiko upang siya ay matulungan sa kanyang pangangailangan.

Saad pa ng netizen sa kanyang post,
“I’ve seen that there’s still a lot of mantou left when it’s late at night. There are a lot of people passing by the bus station, so why not take away a bag of mantou to eat at home while you’re in the process of waiting, as it’s really value for your money!”

Tindero Na Kumakanta Habang Nagbebenta Ng Mini Videoke, Hinangaan Ng Mga Netizens

Hinangaan at naging viral sa social media ang lalaki na ito na ipinakita ang kaniyang galing sa pagkanta habang nagtitinda ng mini videoke.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Carmen Illao, makikita ang isang lalaki na kumakanta habang bitbit ang kaniyang mga panindang mini videoke at hawak ang isang mic. Ayon kay Carmen, natuwa at namangha daw siya kay Tatay dahil bukod sa kaniyang galing sa pag-awit, nakakaaliw din daw ang kanta na inaawit nito.

Si Tatay ay nagtitinda ng mga mini videoke at naisipan niyang umawit marahil upang ipakita sa mga customer ang ganda ng item na kaniyang ibinebenta.

Samantala, kaagad naman na naging viral sa social media ang nasabing video at umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens online.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Tatay dahil hindi maipagkakaila na mayroon itong talento pagdating sa pag-awit. May ilan namang netizens ang naaliw din kay Tatay dahil sa napili nitong kantahin ganun din sa kaniyang mga moves habang kumakanta.

May ilang netizens ang nagbahagi din ng kanilang encounter kay Tatay na aniya ay nakakatuwa daw talaga si Tatay lalo na sa tuwing ito ay kumakanta.

Hiling naman ng maraming netizens na sana ay madaming mabenta na mini videoke si Tatay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Magaling talaga yan minsan kinatahan din kame nya nakakatuwa naman gd bless po”

“Demo kung demo ❤️ salute to you sir 🤜🤛”

“Ang galing nm sana madami sya mabenta ,… God bless”

“Ayos back up dancer n tatay hihi…umuwi k n tatay magglit c aling tisay”

“Ang galing nman ni tatay… umuwi kana kay nanay,,nagaAntay ng pera pag wala kang Benta ay yari ka kay nanay!! Wahahaha!! lol!”

“Dapat ung nag video ..binigyan nyo sana ng TIP o kaya binilhan nyo …pang bigas bigas na sana ni tatay un”

Netizen Nahabag Sa Isang Matandang Nagtitinda Ng Mga Crochet Items At Hinikayat Ang Publiko Na Bumili Rito

Kahanga hanga talaga ang mga matatanda na kahit sa kanilang edad ay nagsusumikap pa ring magtrabaho. Minsan, dahil na rin kasi sa hirap ng buhay kung kaya’t ang ilang mga senior citizens ay pinipili pa ring maghanap-buhay.

Ngunit nakakalungkot lang dahil imbes na sana ay nagpapahinga na lamang sila sa kanilang mga bahay ay napapagod pa sila sa kakatrabaho. Kagaya na lamang ng isang matanda na ito na nakitang nagtitinda ng mga ginantsilyong mga gamit.

Ibinahagi ng netizen na si Jose Aran sa Facebook ang larawan ng isang matandang nagtitinda ng mga crochet items. Hinimok niya ang kung sino mang madadaanan si nanay ay bumili sana sa kanya ng kanyang mga paninda tulad ng lalagyanan ng cellphone, wallet, water bottle, sombrero etc. na siya mismo ang naggantsilyo.

“Baka mapadaan kayo sa may ilalim ng LRT sa may sidewalk along old GSIS building papuntang SM Manila.

Bili na kayo kay Nanay ng mga crocheted wallet, lagayan ng water at etc…

P150 tong lagayan ng water (bottle not included) medyo pricey pero effort naman sa pag crochet yan for sure.”

Napakasaya raw ng matanda nang bumili ito sa kanya dahil siya raw ang kanyang buena mano. Dagdag pa niya na libreng repair kapag may nasira man sa kanyang binili.
Wika ng isang netizen na sana ay magawan raw ng Shopee account si Nanay para mas marami siyang mabentahan at hindi na pa kailangang lumabas ng bahay.
Kahanga-hanga ang mga katulad ni Nanay na napaka-tiyaga sa paggawa ng mga ginantsilyong mga bagay. Di biro ang paggantsilyo dahil nakakapagod rin ito sa kamay at sa mata.

Kaya naman sana kung sino man nga ang madadaanan siya ay bumili sa kanya hindi niyo lang siya mapapasaya kung di makakatulong na rin kayo sa kanya.

God bless you po nanay!

Ina na Kakapanganak pa Lamang, Natagpuang Naninirahan sa Maliit na Kariton


Isang concerned netizen na si Allen Malergo ang nagbahagi ng larawan ng mag-ina na naninirahan sa maliit na kariton. Ayon sa kanya ay 10 araw pa lang ang nakakalipas simula ng isilang nito ang sang0l.

May tumulong sa kanila sa ospital kaya nakalabas silang mag-ina. Natagpuan ang mag-anak sa Malolos, Bulacan.

Nang tanungin ni Allen ang lalaki na may katandaan na din kung anak ba nito ang sangg0l ay sinagot niya ng oo na may ngiti sa kanyang labi.
Tinanong din ni Allen kun saan sila kumukuha ng panggatas ng kanilang anak, ang gatas lamang na nanggagaling sa ina nito ang pinapaded3 nila dahil wala silang kakayahang bumuli ng gatas.Dahil dito, hindi naman nagdalawang isip si Allen na magbigay ng tulong para kahit papaano ay may pangbili ang mag-anak ng gatas o pagkain nila.

Ayon pa kay Allen, nakita niyang pursigido at masaya ang mag-anak kahit na maliit lamang ang kanilang sinisilungan at salat sa buhay.


“Kanina pong umaga habang naglalakad ako sa may palengke ng Malolos, pumukaw ng damdamin ko ang isang baby na bagong panganak na nasa loob ng kariton kasama ang kaniang nanay,habang ang kaniang tatay ay iiwan muna sila panamantala upang bumili ng ulam..Tinanong ko ang lalake mejo may katandaan na…anak nio po? Habang may ngiti sa labi,oo mag ina ko..10 araw palang Na naipapanganak sa Provincial.”

“Buti ho may napangbayad kau,oo wala kaming binayaran dahil may tumulong sa amin..Pero paano po ang kaniang gatas ?Sa gatas na lang ng nanay niya wala kaming pangbili ng gatas..At ng umalis na ang tatay ay kinausap ko ang nanay na parang sa tingin ko ay hindi masyadong nakakarinig o nakakaintindi ng tagalog..kaya sa abot ng aking makakaya ay inabutan ko sila para may pangbili ng gatas o ulam nilang mag anak..Natutuwa ako sa ama na pursigido at masaya kahit sa maliit na tahanan lang..”


“Subalit mapapaisip ka paano ang kinabukasan ng batang ito?.
Kung makikita nio ang karitong ito ay ang kanilang “munting tahanan.”.
Kailangan din nila ng inyong munting tulong..salamat po.
Paki share na lang po para kumalat at mas marami ang pwedeng tumulong sa kanya.”