Home News Isang mapagmahal na Ina, barya-baryang pinag-ipunan ang pambiling regalo sa top student...

Isang mapagmahal na Ina, barya-baryang pinag-ipunan ang pambiling regalo sa top student na anak

Ipon, para sa minimithing kahilingan ng anak.

Gagawin karamihan ng mga Ina ang lahat ng makakaya matupad lang ang inaasam-asam ng anak.

Isang post ngayon sa social media ang nag viral dahil sa nakakaantig damdamin na kwento ng isang Nanay sa Cebu, kung saan tinupad niya isang kahilingan ng kanyang anak.

Sa post na ibinahagi ng K & L Marketing, isang mobile phone shop na nakabase sa Cebu, isang Ina ang bumili sa kanila ng cellphone gamit ang mga barya-baryang ipon nito.

Ayon sa post, mangha silang nasilayan kung gaano kalaki ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak at handa itong gawin ang lahat maibigay lang hiling nito.

Larawan kuha mula sa Facebook post

“We have witnessed a great & pure mother’s love. We salute you Nay. There’s no greater love than mother’s love,” dagdag nito.

Makikita sa kuhang larawan kung gaano kadami ang barya na inilatag ni Nanay sa loob ng store, pambayad niya sa binili nitong cellphone para sa anak.

Napag-alaman nila mula kay Nanay, na ito ang magiging kauna-unahang cellphone ng anak bilang gantimpala niya dahil nagiging mabuti ito sa pag-aaral at Top Student pa sa klase, kaya naman ay di mapantay-pantayan ang pagsisikap niyang maka-ipon ng saktong pera.

Marami din sa mga netizen ang naantig sa kwento at nagpahayg ng kanilang mga damdamin tungkol dito:

Orlando S. Pamittan Jr. – It touched my heart. I love you mom. 😭😭😭 I am sorry for asking things that I wanted but not necessarily needed. From now on I’ll appreciate everything.

Mckalecassie Velcin – A mother’s love is so unconditional. My kids never asked or demanded anything from me but I want to give them the best. Because they are always honor students since kindergarten and are champion in spelling or math and they are well-behaved.

When asked what they want they would only say, “we don’t have money. Don’t buy me anything. But I want to and when I do they say, “Oh, Mama, do we have money left? Did you buy something for yourself?”Clear Leigh – God bless you Nanay😘😍 To the Son/Daughter of Nanay, please take good care and love your mother. She’s a great and wonder mom, she did everything just to give what makes you happy and wants.. All you have to do, just love her unconditionally like she did.. And don’t push her too much in everything you wanted in your personal matter. Always put in your mind what she sacrificed just to buy that phone..

Ito ang bahagi ng post:
“Respect your mother. You aren’t aware of how many sacrifices she gave for you and for your happiness. Ask people who don’t have mothers, they’ll tell you how lucky you are.”
Today at K&L Marketing Lapu-Lapu Branch, we have witnessed a great & pure mother’s love.
We salute you Nay. You have showed us kung ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak.There’s no greater love than mother’s love.

Tinupad talaga ni Nanay para mabili lang niya ang pangarap, kasiyahan at kailangan sa school ng kanyang anak. Bata pa din ang kanyang anak. Babawi din yan sayo sa susunod nay. 1st phone ever to ng kanyang anak as a reward na din for being a Top Student at needs for her studies.😍 God bless you, Nay.
P.S. Someone like you deserves a gift from us this Christmas Nay! Keep in touch!

Marahil lahat ng ina ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak. Wala nang mas hihigit pa ang ligaya na dulot ng anak para sa ina kaya naman binubuhos nila ang lahat maibigay lamang ang nais ng kanila anak. Ito ay pinatunayan ng isang ina nang magbigay ng simpleng birthday celebration o party para sa kanyang anak kahit na kapos umano siya sa pera.

“Pangarap talaga niya ‘yun marami siyang hinihingi wala naman kaming pera. Gusto sana kahit simple maranasan naman ng anak kong makapag birthdya party,” kuwento ng ina na si Mary Ann.
Nagsilbi namang venue ang makitid na bangketa sa Capt. M. reyes St. sa Makati para sa espesyal na ika-7th birthday ni Janella Mae.
Pinagbihis din ng unicorn dress at hairband si Janella para sanyang birthday party. Nagkabit rin ng karton ang kanyang ina na may nakasulat na “Happy Birthday Janella!” May ilang lobo din na nakalagay sa paligid ng karton.


Ang pangyayaring ito ay nakita ni Kim kaya namana ay agad niyang kinuhanan ng litrato ang nakakaantig na eksena ng mag-ina. Dahil dito, agad na nag-viral ang larawan ng mag-ina sa social media.

Marami at bumuhos naman ang tulong na natanggap ng mag-ina mula sa mga netizens. Lubos ang pasasalamat ni Mary Ann lalo na’t nitong Lunes lamang ay diumano’y nanakawån pa siya habang nakatulog sa bangketa.


Sa mismong kaarawan ni janella ay marami ang nagbigay ng regalo at pagkain gaya ng unicorn cake, spaghetti, donut at marami pang iba.

Ina, Nasorpresa ng Makita ang Anak na Sundalo ngayong Mother’s Day!

Natural lamang sa atin na makaramdam ng pangungulila, kapag may isang myembro ng pamilya ang umalis manlang at mawalay sa atin. Minsan panga ay may pagkakataong hindi tayo mapakali kung nasa mabuting kalagayan kaya sila. Gaya na lamang sa isang ina sa Quezon,City, na si nanay Concordia. Mahigit isang taon na kasing hindi nakikita at nakakasama ni nanay, ang kanyang anak na sundalo mula noong nagkaroon ng pandemya.
Ngunit, laking gulat ni nanay Concordia ng sorpresahin sya at makita ang kanyang anak na matagal ng hindi nakikita ngayong araw ng mga ina. Isang taon na kasing hindi nakikita ng sundalong si Christian ang kanyang ina, kaya ng nadestino sya sa NAIA ay nagkaroon sya , ng pagkakataong makita ang kanyang ina na nasa Quezon,City lamang noon. Nagpanggap pa umano si Christian, na kaklase nito at may pinadala para sa ina.
Ayon naman sa panayam ni nanay Concordia, ay lumaking mama’s boy daw si Christian. Laging nakayakap sa kanya at humahalik-halik pa kapag nagluluto sya sa kusina. Kaya laking gulat na lamang ni nanay Concordia ng sabihin ni Christian na magsusundalo sya. Pero sinuportahan lamang daw ni nanay si Christian sa gusto nito.