Home News Isang matandang babae na nangongolekta ng mga basura, usap-usapan ng mga netizens...

Isang matandang babae na nangongolekta ng mga basura, usap-usapan ng mga netizens dahil sa kasa-kasama niya ang mga alagang aso habang nangangalakal!

Pangongolekta ng mga basura sa siyudad ang ikinabubuhay ng matandang babae na ito sa araw-araw. At sa kaniyang pagbabanat ng buto ay kasa-kasama pa niya ang kaniyang mga alagang aso. Hinangaan ito ng maraming mga netizens dahil sa marami sa kanila ang napukaw ang damdamin sa larawan ito na nag-viral sa social media.

Isang netizen na nakilala bilang si Joyce Garban ang nagbahagi ng mga nakaaantig na larawan sa Facebook page na Marikina News. Ang matandang babae na nagtutulak ng kaniyang kariton sa lansangan na punong-puno ng mga napulot at nalikom niyang kalakal ay nakilala rin bilang si Nanay Marina Galliya. Kahit pa nga hirap na hirap ang matanda sa pagtulak ng kaniyang kariton ay matiyaga pa rin niyang itinutulak ito.

Sa likuran nga ni Nanay Marina ay ang dalawa niyang mga alagang aso na talaga namang hindi siya iniiwan kahit saan siya magpunta. Nang tanungin si Nanay Marina kung bakit kasa-kasama niya ang mga alaga sa pangangalakal, ang sagot lamang ng matanda ay tiyak na malulungkot ang kaniyang mga alaga kung maiiwan ang mga ito sa kanilang bahay nang walang kasama.
Ayon pa kay Joyce, ibinahagi niya ang larawan ng matandang babae upang kahit papaano ay matulungan ito ng ilang mga tao na makakakita sa social media ng kaniyang kwento. Kahit sana maayos na kariton lamang ayon sa kaniya ay magiging malaking tulong na para sa masipag na matanda. Tunay ngang nakakamangha na sa kaniyang edad ay hindi pa rin nito alintana ang pagiging delikado ng kaniyang trabaho.

Sana ay maraming mga tao pa ang makakita at makabasa ng kaniyang kwento at sana ay matulungan din ang kawawang matanda sa kaniyang kalagayan sa buhay. Isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na tila hindi nabibigyang halaga ang mga bagay na kanilang tinatamasa sa ngayon na dahilan rin kung bakit sila namumuhay ng kombinyente sa araw-araw.

Matandang lalaki ang kanyang alagang aso sa pagtitinda sa ilalim ng matinding buhos ng ulan

Sa tatlong video na i-p-in-ost ng netizen na si Lordy Soriano sa Facebook public group na “DOGS & PUPPIES Philippines,” mapapanood dito ang isang lalaking nagtutulak ng kariton na mahihinuhang tila isang tindero. Kasama niya ang kanyang aso habang nakatali ito sa kariton.

Makikita ang dalawa na naglalakad sa may gilid ng kalsada kahit pa na malakas na ang buhos ng ulan. Ilang sandali pa ay gumilid muna sa isang tabi ang lalaki, kasama ang kanyang aso, upang sumilong.

Narito naman ang naging komento ng mge netizens patungkol sa video.

“Kawawa naman si tatay at ang aso,” sabi ng isa.

Umaasa naman ang ilan na may tumulong sa kanila. Baka raw kasi sila magkasakit dahil nabasa sila ng ulan.

Dagdag pa ng isa, “Nakakadurog ng puso.. kawawa silang pareho walang iwanan talaga.”

Sa ngayon ay mayroon ng 697 reacts, 100 comments, at 145 shares ang nasabing post.

Isa itong patunay na ang aso ang tinaguriang “man’s bestfriend.” Kahit saan man mapunta ang kanilang amo at kahit ano man ang mangyari, mananatili silang tapat sa mga taong tunay na nagmamahal at nagbibigay ng kalinga sa mga katulad nila. Isang klase ng pagkakaibigan na maaaring tumagal sa mahabang panahon.

Larawan ng batang natutulog sa bangketa habang nakaibabaw ang kanyang alagang aso nagpakirot sa damdamin ng netizens

Isang netizen ang napadaan sa ibabaw ng foot bridge at nakita ang isang bata habang ito’y mahimbing na natutulog katabi ng kaniyang alagang aso. nausisa ang netizen sa kaniyang nakita at nahabag sa katayuan ng bata. agad niya itong kinuhaan ng larawan at ibinahagi sa social media at kaniyang sinabi sa kaniyang post “Napatingin nalang ako at napa isip sa nadaanan q kahapon Iba tlga mag mahal ang mga alaga naten
Minsan dinaig pa ang mga kadugo o kamag anak.Sila sasamahan ka sa hirap at ginhawa sa initan at ulanan.”

Dag-dag pa nito sa kaniyang post “Loyal pa sya sa JOWA moh Ang alaga moh Bka po may mkadaan jan Sana po kht pano matulungan naten silaSa mga nagtatanong ng loc. Sa may rotonda ko po sila nakita sa foofbridge Pwede ko din po kayo samahan sa loc Kung tlgang dsidido nyong tulungan sila”

Maraming netizen ang naka kita sa kaniyang post at naawa sa katayuan at sitwasyon ng bata, saad nila “kawᾰwᾰ nᾰmᾰn ang kᾰlᾰgᾰyan ng bᾰtᾰ, sanᾰ’y matulungan sila ng gobyerno God Bless sayo ine, at sa alaga mong aso”