Isang netizens ibinahagi sa twitter ang hiwalayan nina Miss Universe 2021 Beatrice Luigi Gomez at girlfriend nito matapos ang anim na taong relasyon!

Usap-usapan ngayon online ang hiwalayan diumano nina Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez at kanyang current girlfriend.

Isang netizen na may Twitter name na @cornedbeefcilog ang nagsiwalat ng status umano ni Bea. At ng kanyang six years in a relationship girlfriend na si Kate Jagdon.

Ayon sa mga tweet ng nasabing netizen ay tila si Bea daw ay tila nagcheat kay Kate. Nalaman daw ito ng DJ na tubong Cebu dahil sa IG stories ng beauty queen.

October 16 umano ng magpost si Bea ng black and white photo na may kahawak kamay. Na obviously ay hindi kamay ng babae means hindi kamay ni Kate.

Kumpirmadong kamay din ni Bea ang nasa litrato dahil sa suot nitong bracelet sa isang event. Napag-alaman naman na ang kahawak kamay ni Bea ay ang kaibigan nilang DJ.

Nakilalang si John Odin na isa ding DJ ang kamay na nasa larawan dahil sa mga tattoo nito.

Ayon pa sa netizen na ito ay tahimik ngayon ang IG stories ni Kate na dati ay madalas mag-update. Sa mga nangyayari sa kanila ni Bea.

Nag-unfollow na din umano ang dalaga sa kaibigan nilang si John Odin na ngayon ay nakaprivate na din ang social media accounts.

Ibinahagi din ng nasabing netizen na kaya pala makapal ang make up ni Bea dahil sa pamamaga ng mata nito sa kakaiyak. Dahil panay away daw sila ngayon ni Kate.

At after daw ng awayan na iyon ay saka ipinost ni Bea sa IG stories niya ang holding hands picture.

Sa ngayon ay wala na din ang twitter user na nagsiwalat ng lahat ng ito. Wala pa ding pahayag si Bea ukol sa isyung ito.

Miss Universe consultant na si Miss O sinabing malaki ang chance ni Liza Soberano na manalo sa mga beauty pageants

Ayon kay Olivia Quido ang Miss Universe’s official skin care partner, malaki umano ang tsansa ni Liza Soberano. Kung sasali ito sa beauty pageants.

Matagal ng hinihikayat ng maraming netizens at mga celebrities ang Kapamilya actress na sumali sa mga beauty pageants.

Pero ayon kay Liza ay wala siyang balak sa ngayon para dito. Hindi daw para sa kanya ang mg abeauty pageants dahil mahiyain siya.

Pahayag ni Liza noon, “As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me.

“I’m an intr0vert and stages with a huge audience sc4re me half to d34th (as ironic as it may sound).”

Samantala, isa sa mga consultant ng Miss Universe na si Olivia Quido si Liza ang bet niya. Nanag matanong kung sinong Pinay celebrity ang nakikita niyang pwede sa beauty pageants.

Saad nito sa panayam ng PUSH, “Si Liza Soberano, no questions asked. Number 1 ko sa linya si Liza Soberano. I think she’s going to be a good asset. Ang galing magsalita, ang ganda, ang tangkad. And also, napakaganda ng mukha. I think she has a very good chance if she were to join the pageant.” 

Ang tanong tuloy ng marami, magababago pa kaya ang isip ni Liza at sasali na ito sa mga beauty pageants?