Home News Isang pamilya tinawag na “Anghel” ang mga Drivers, Riders, and Traffic enforcers...

Isang pamilya tinawag na “Anghel” ang mga Drivers, Riders, and Traffic enforcers na tumulong sa kanila sa daan!

Minsan dumarating talaga sa ating buhay kung saan tayo ay nakararanas ng mabigat na pagsubok. At ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagsubok na mawalan ng mahal sa buhay.
Ngunit sa kabila nito, sinasabing mas nakikilala natin ang mga tunay na nagmamahal sa atin na handang dumamay at magbigay ng tulong.
May mga pagkakataon din na minsan, kung sino pa ang hindi mo kakilala, sila pa ang handang magmalasakit at magbigay ng tulong. Tulong na hindi naghahanap ng ano mang kapalit. Sila ang mga tinatawag nating ‘Good Samaritans’ na pawang mga ‘anghel sa lupa’ kung tawagin. Mga taong bukas palad tumulong sa kapwa at may tunay na malasakit.

Isang ina ang talaga namang pumukaw ng atensyon ng online world ng kanyang ibahagi ang sariling karanasan, kung saan sila ay nakatagpo ng mga ‘Anghel sa Daan’ na aniya ay sumagip sa buhay ng kanyang anak na noon ay kinailangan nilang dalhin sa ospital.


Ang kwentong ito ng netizen na si Kassy Pineda-Alba ay lubhang umantig sa puso ng marami at kanya daw diumanong hindi malilimutan kailanman.