Home Tech Ivana Alawi, hindi kinaya ang kanyang challenge sa mga kapatid na Spicy...

Ivana Alawi, hindi kinaya ang kanyang challenge sa mga kapatid na Spicy Food For 24 Hour

Hindi kinaya ni Ivana Alawi ang isang buong araw na pagkain ng mga maaanghang na putahe.
Sa kanyang latest vlog, isang hamon na naman ang sinubukan ni Ivana kasama ang kanyang buong pamilya.
Sa panimula ng kanyang video, sinabi ni Ivana na paborito niya ang gagawin nilang challenge. At ito nga ay ang pagkain ng “spicy food” for 24 hours.

Saad ni Ivana masaya ito dahil ang kanilang Mama ay hindi talaga mahilig sa maanghang. Kahit konting lasa lang daw ng spicy ay sumasakit na ang dila nito.

Si Mona naman ay medyo hanggang mild na spicy naman ang kaya. Samantalang si Hash ay nakakasabay daw sa hilig niya sa maaanghang.

Sa Level 1 nga ng kanilang challenge ay agad ng umayaw si Mama Alawi at hindi na kinaya ang spicy foods. Pero ilang sandali lang ay sinabi din nitong kaya niya pa pala.

Sumunod naman na ginawa ni Ivana ay ang pagkain ng chichirya na may kasamang hot sauce. Si Hash naman ay pinatakan ng hot sauce ang kanyang bibig.

Pagdating naman ng lunch time ay puro sili na ang nakahain. At para hindi masyadong maanghan sina Mona at Mama Alawi, sina Hash at Ivan na lang ang naglaban.

Kampi kay Ivana si Mona at kay Hash naman si Mama Alawi.

Sumunod na kinain naman nila ay champorada na may hot sauce at doon na nagkaalaman kung sino ang palaban.
Sa huli ay mukhang si Hash ang nagwagi dahil naubos niya ang huling pagkain na maanghang.

Maraming netizens naman ang natuwa sa bonding na ito ng kanilang pamilya. Aliw na aliw sila sa mga naging reaksyon ng pamilya Alawi habang kumakain ng maanghang.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog: