Ivana Alawi, itinangging may relasyon sila ni Marco Gumabao at sinabing meron pag-asa si Joshua Garcia kung manligaw ito.

Kamusta nga ba ang lovelife ngayon ng nag-iisang Ivana Alawi?

Marami ang nagaabang kung sino ang makakabihag sa puso ng actress vlogger na ito. Hindi maitatanggi na marami talaga ang magkakagusto kay Ivana.
Kaya naman ang kanyang mga fans todo ang tanong sa kanya tungkol sa kanyang lovelife.

Sa naging KUMU live ni Ivana, sinagot niya ang ilang mga katanungan ng mga fans.

May nagpapatibok na nga ba sa puso niya? Sagot ng aktres, “Meron naman, oo” habang nakahawak sa kanyang dibdib.

Hindi na din naiwasan na mabanggit ang nalilink sa kanya ngayon na si Marco Gumabao.
Tinanong ng isang fan kung kamusta daw sila ng aktor, natatawang sinagot ni Ivana, “Okay naman” daw silang dalawa.

Kumalat noong nakaraan ang mga larawan ni Ivana kasama si Marco na nakahawak ang aktor sa binti ng aktres. Agad naman napaisip ang kanilang fans kung may special relationship na ang dalawa.

Itinaggi din niya na nagkaroon sila ng relasyon, “No, no and no. Never kami nagkaroon ng kahit anong relasyon… romantic, wala,” pagdidiin ng aktres.

Sa kabilang banda, nalilink din ang sexy star sa isa pang aktor na si Joshua Garcia. Sa isang vlog, inamin niya na crush niya daw talaga si Joshua at nagkakausap sila sa Instagram.

Naitanong din ng mga fans kung may pag-asa daw ba si Joshua kung liligawan siya nito.

Pahapyaw na sagot niya, “Lagi kong sinasabi lahat may pag-asa.”

Ipinagdiinan naman ng aktres na siya daw ay single ngayon at magsasabi naman daw siya kung in a relationship na siya.

Ilang mga litrato nina Ivana Alawi at Marco Gumabao na nagpapatunay na may nabubuong relasyon viral ngayon!

Mas maraming ebidensya sa tunay na relasyon nina Marco Gumabao at Ivana Alawi ang ngalalabasan ngayon.

Kahapon, October 12, nag viral ang video nina Marco at Ivana na sweet sa isa’t-isa. Ang nasabing video ay mula sa Ig story ni Ann Murphy kung saan makikita na nagkakasiyahan silang magkakaibigan.

 

Marco Gumabao at Ivana Alawi, umagaw ng atensyon ngayon matapos makitang magkasama at sweet sa isat-isa!

Marco Gumabao at Ivana Alawi magkarelasyon na nga ba?

Iyan ang tanong ng maraming netizens ngayon dahil sa viral video nina Ivana at Marco na sobrang sweet sa isa’t-isa.
Sa Instagram stories ng isang Ann Murphy, makikita ang get together nilang magkakaibigan. Nagkakantahan sila at nagiinuman sa tila isang private club.

Makikitang magkatabi sina Ivana at Marco sa upuan, sa isang video clip na nakapost kitang kita naman na nakahawak si Marco sa hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Hindi naman alintan ng dalaga ang paghawak na ito ng aktor. Kaya naman mabilis na hinuha ng mga netizens na baka may relasyon ang dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:
“Friends lang sila. Sure ako.”
“Yiee! Bagong loveteam!”
“Chipipay talaga c ivana”

“Cute sila if sila”
“nakasulat ba yan sa diary ni ano”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na na-link sina Ivana at Marco.

Biglang sumulpot at nabuo ang ‘MarVana’ pinagsamang Marco at Ivana sa mismong IG ng aktor.

Sa photo sa IG ay topless si Marco, naka-shorts at may na glass of wine habang nasa gilid ng swimming pool. Dati na itong ginagawa ng aktor, pero dahil kay Ivana ay umabot na sa kulang-kulang 150,000 ang mga like at mahigit 1,800 ang mga komento.