Home Tech Jamill, muling magbabalik sa pagba-vlog matapos ang ilang linggong pagkawala ng kanilang...

Jamill, muling magbabalik sa pagba-vlog matapos ang ilang linggong pagkawala ng kanilang YouTube channel.

Mukhang balik vlogging na ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o tinawag na JaMill ng kanilang mga fans.

Halos isang buwan lang ang nakalipas ng ianunsyo ng JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel. Na mayroong higit na 12 million subscribers.
Anila, gusto daw muna nilang mag-focus sa kanilang relasyon at mamuhay na lang ng simple.

Hanggang sa napabalita na ibinebenta na nila ang kanilang naipundar na bahay at mamahaling sasakyan.

May kumalat din na balita na kaya daw binura ng magkasintahan ang kanilang YouTube channel ay dahil umiiwas sila sa BIR.

Malaking tax daw kasi ang ipapataw sa JaMill kaya biglaan ang pag delete ng kanilang channel.

Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.


Pero kahapon, September 14, tila nagpahiwatig ang magkasintahan sa kanilang pagbabalik sa vlogging

Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na (smiling emoji) abangan!!!”


May Tweet din si Camille na nagsabing “Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”


Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.
— Camille Trinidad (@camilltrinidad) September 14, 2021

Agad namang na-excite ang kanilang mga “mandirigma” sa balitang ito.

Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.

Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.

JaMill, May Pakomisyon Na 100K Sa Makakabenta Ng Kanilang Mansion!

Gusto mo ba ng instant Php 100,000? JaMill na ang sagot dyan!

Matapos mapost ang kanilang naipundar na mansion, ipinagbibili na ngayon ni Camille Trinidad at Jayzam Manabat ang kanilang lupa at bahay.
Umiikot sa social media ngayon ang nga larawan ng bahay ni Camille at Jayzam dahil ipinagbibili na ito. Hindi naman malinaw ang dahilan kung bakit nila ito ibinebenta.

Malaki ang naging parte ng mansion ng JaMill dahil isa ito sa mga malalaking bagay na kanilang naipundar dahil sa kanilang YouTube vlogging.

Madami ding memories ang dalawa dito dahil halos karamihan ng kanilang vlogs ay kuha sa loob ng kanilang mansion.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Rhona Pineda Nilo, naka upload ang photos ng mansion na kita ang iba’t-ibang bahagi ng bahay.

Sa kanyang caption, nakalagay ang full details ng mansion. Pero mas agaw pansin sa caption na maaaring mag uwi ng isang daang libong piso sa makakahanap ng buyer nito.

“SHARE this post and get 100,000 pesos (commission) when your referral is set as sold transaction (hindi po kayo makikipag usap, basta refer nyo lang po ako na bahala makipag transact) direct owner/seller here.. ez 100k sayo,” saad ni Rhona.