Home Tech Jayzam Manabat at Camille Trinidad isa-isang sinagot ang mga komento ng netizens...

Jayzam Manabat at Camille Trinidad isa-isang sinagot ang mga komento ng netizens sa kanilang muling pagbabalik sa YouTube

Isa isang sinagot ng couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang mga komento ng netizens sa kanilang pagbabalik sa YouTube.

Kamakailan nga lamang ay inilabas na nga ng JaMill ang pinakaunang vlog entry nila sa bagong gawa nilang YouTube channel.

Dito ay ipinaliwanag nila ang tunay na dahilan kung bakit nila binura ang dati nilang YT channel na may almost 13 million subscribers na.

Ayon kay Camille nagdesisyon siyang burahin ang kanilang channel para mag focus sa pagmo-move on. Na sanhi ng pagkakaroon ng lamat ng relasyon nila ni Jayzam.

Gusto rin umano niyang subukan kung kaya nilang ipagpatuloy ang kanilang relasyon kahit hindi na sila nagba-vlog.

Ipinaliwanag din nila na naiintindihan nila ang mga kumalat na balita sa tunay na dahilan ng biglaan nilang pagbura ng kanilang channel.

Sa kanila namang second vlog, napagdesisyunan ng magkasintaha na basahin ang mga komento ng mga netizens. Ukol sa pagbabalik nga nila bilang vloggers sa YouTube.

Dito ay pinangaralan nila ang mga netizen na nagsabi sa kanilang hindi na dapat sila bumalik pa. Matapos nilang burahin ang kanilang naunang channel.

Ayon kay Jayzam, hindi umano magtatagumpay ang isang tao kung ibabase niya ang kanyang buhay sa mga komento ng ibang tao.

Aniya, Pwede kayo mag-restart… Paano kung kami ay namumuhay sa salita ng ibang tao na ‘O sabi niyo ayaw niyo na mag-vlog ha. Bakit magva-vlog ulit kayo?’

“So hindi na kami makaka-bwelo? Gustung-gusto namin ulit mag-vlog pero takot kami sa salitang ibabato sa amin? Pwedeng-pwede ka mag-restart ng buhay mo na hindi ka nag-aalangan at hindi ka natatakot sa salitang ibabato sa’yo ng tao.”

Dagdag naman ni Camille, “Tsaka hindi ka naman mabubuhay ng salita ng ibang tao”

Narito ang kabuuan ng kanilang second vlog:

Issa Prank! Couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad balik YouTube na ulit?


Mukhang balik vlogging na ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o tinawag na JaMill ng kanilang mga fans.

Halos isang buwan lang ang nakalipas ng ianunsyo ng JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel. Na mayroong higit na 12 million subscribers.
Anila, gusto daw muna nilang mag-focus sa kanilang relasyon at mamuhay na lang ng simple.

Hanggang sa napabalita na ibinebenta na nila ang kanilang naipundar na bahay at mamahaling sasakyan.

May kumalat din na balita na kaya daw binura ng magkasintahan ang kanilang YouTube channel ay dahil umiiwas sila sa BIR.

Malaking tax daw kasi ang ipapataw sa JaMill kaya biglaan ang pag delete ng kanilang channel.

Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.

Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na (smiling emoji) abangan!!!”


May Tweet din si Camille na nagsabing “Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”


Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito. 😊
— Camille Trinidad (@camilltrinidad) September 14, 2021

Agad namang na-excite ang kanilang mga “mandirigma” sa balitang ito.

Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.

Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.