Jennylyn Mercado, malaking espekulasyon ngayon ng mga netizens na nagdadalang tao na!

Nagdadalang tao na nga ba ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado?

‘Yan ang tanong ngayon ng publiko matapos lumabas ang isang blind item sa entertainment website na PEP.ph kagabi.
Ayon sa blind item “Buntis na uli… sikat na aktres papalitan na sa ginagawang serye, nagkaroon ng spotting sa taping

May kumakalat na tsismis na preggy na raw ang maganda at sikat na aktres. Lalong pinagdudahang totoo ito dahil nasa kalagitnaan daw ng taping ng bagong teleserye si maganda at sikat na aktres nang biglang natigil dahil may dumating na ambulansya sa set.

Sa pagtatanong at pagkalkal ng ilang nandun, nalaman nilang nagka-spotting daw si maganda at sikat na aktres. Nagdadalangtao raw ito, pero hindi pa nila sure kung okay na ang kalagayan niya.

Ilang sandali naman ang lumipas, napabalitang nagkaroon ng emergency sa seryeng “Love.Die.Repeat.” Na pinagbibidahan nina Jennylyn at Xian Lim.

Kinailangan umanong tignan ng doktor si Jennylyn dahil sa “emergency” na ito. Kaya naman tila napagtugma ng mga netizens na si Jen na nga talaga ang nasa blind item.

Ilan din kasi sa mga clue doon ay talagang konektado kay Jennylyn at sa nobyo niyang si Dennis Trillo.

Sa ngayon ay packed-up muna ang taping ng nasabing serye nina Jen at Xian. Hinihintay pa ang desisyon ng GMA kung kailan magre-resume ang taping.

Pero ayon sa bahagi ng blind item, posibleng palitan ang bidang babae dahil sa kalagayan nito.
Samantala, kasabay ring naglabasan ang balitang very soon ay ikakasal na sina Jennylyn at Dennis Trillo.

May post din sa Facebook si Jennylyn na tila may ipinapahiwatig sa kanyang caption na, “Sometimes things get complicated.”

Kung totoo mang buntis si Jen, sana’y hindi maging maselan ang kanyang pregnancy.

Aktor na si Dennis Trillo may nakitang ‘bubog’ sa pagkain na inorder na para sana sa partner na si Jennylyn Mercado!

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang masamang karanasan niya. Nang orderan niya ng pagkain ang kasintahang si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dennis ang isang video. Na naglalahad ng pagkadismaya niya sa inorderan niya ng pagkain.

Ayon kay Dennis may nakita silang bubog sa pagkain na binili niya para sa kanyang nobya.

Saad ni Dennins sa kanyang caption, “Ayaw ko lang na mangyare pa sa iba ito…Since wala kayong contact number, at hindi kayo nag rereply sa IG message ko, Baka sakaling makarating na sa inyo ito… 24/7 SUPER HEALTHY Marikina Heights branch. Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya????”
 

Makikita sa video na nasa palad ni Dennis ang maliliit na bubog na natagpuan nila sa pagkain. Maririnig naman sa background na sinasabi ni Jennylyn, “buti hindi ko nalunok.”

Sa comment section ng post ng aktor ay agad namang nag alala ang ilan sa mga kaibigan nila sa industriya.

Komento nga ni JayR “Yo thats f*cked up. Buti hindi nya nalunok.”

Napamura naman sa pagklabigla si Jerald Napoles, saad nito , “Ay pucha!!!”

Komento naman ng isang follower ni Dennis, “i-media nyo po para umabot sa concern branch, since di naman sila nagrereply sa msg nyo. Thanks God at di nakain ni Jen. Pano kung mangyari sa iba?”

“Bakit may bubog delikado yan kapag nakain ni Miss Jen,” pahayag naman ng isa pa nilang supporter.
Marami rin ang nagalit at sinabing hindi akma ang pangalan ng inorderan ni Dennis na “SUPER HEALTHY” sa natanggap nilang pagkain.