Home Tech Karla Estrada, inunfollow sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil umano sa...

Karla Estrada, inunfollow sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil umano sa naging tampuahan issue kay Daniel Padilla!

Karla Estrada, nag unfollow nga ba kay Bea Alonzo at Dominic Roque sa Instagram?

Naging usap usapan sa social media ang di umano pag unfollow ni Momshie Karla sa magkasintahan. Napansin kasi ng netizens na wala na sa following list ng aktres ang dalawa.

Hindi kaila sa fans ng anak ni Karla na si Daniel Padilla na super close friends dati ang dalawa. Nagkaroon na daw ng “gap” ang dalawang aktor ngayon sa hindi pa kumpirmadong dahilan.

Ayon sa mga komento ng netizens, nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Daniel at Dominic na hanggang ngayon ay wala pa din pansinan.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz, nabanggit din ito ng komedyante. Pero hindi pa daw malinaw kung bakit nag unfollow si Karla kay Dominic pati na din kay Bea.

Isang anggulo naman ang tinitignan na posibleng dahilan ng aktres. Magkaibigan daw kasi si Marjorie Barretto at Karla.

Si Marjorie ang ina ni Julia Barretto na itinuturong third party ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Ayon kay Ogie, maaaring inunfollow daw ni Karla si Bea dahil dito.

Sa kabilang banda, may mga komento din naman ang netizens na niligawan umano ni Dominic ang kapatid ni Daniel.

Lola Zeny ni Dominic Roque, hawig na hawig ni Bea Alonzo noong dalaga pa ito.

Tila itinadhana talaga kung ituring ng marami ang magkasintahan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Nakaraang buwan lamang ng kumpirmahin nina Dom at Bea sa publiko ang kanilang relasyon. Ito ay matapos ang kanilang bakasyon sa Estados Unidos.

July 18 nang dumalo sila sa baby shower para sa tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo. Doon din nakilala ni Bea ang ibang mga kaanak ng nobyo.

Naka-bonding na din ni Bea ang pamilya ni Dominic at ibinahagi ng kanilang fan page ang mga litrato na kuha sa bahay ng aktor.

Makikita sa litrato na naroon ang mga magulang ni Dominic na sina Anthony Sr. at Lena.

Naroon din ang mga kapatid ni Dominic na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean. Asawa ni Anthony Jr. si Marian at anak nila si Claudia.

At kamakailan nga lamang, tila destiny daw kung maituturing talaga sina Dominic at Bea. Dahil viral ngayon ang litrato ng Lola Zeny ni Dom.

Kung saan makikita ang laki ng pagkakahawig ni Lola Zeny kay Bea Alonzo noong kabataan pa nito.

Ipinost ito ng Fan pgae ng magkasintahan at pinagdikit ang litrato nina Bea at Lola Zeny.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang nasabing litrato.
Narito ang ilan sa say ng netizens:

“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo.. Kau daw ang magkakatuluyan”

“Sabi nila pag may resemblance.. destiny talaga sila”

“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “

“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”.