Home Tech Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang...

Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang age gap sa kanya ayon kay Lolit Solis.

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith.

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.

Mark Herras may pahaging tungkol sa issue na nangutang siya ng 30K sa dating manager na si Lolit Solis

Tila may sagot na ang Kapuso actor na si Mark Herras sa pangbabatikos ng dati niyang manager na si Lolit Solis.

Matatandaan na noong Hulyo ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Lolit tungkol kay Mark.
Ayon sa batikang kolumnista at talent manager ay nangungutang daw diumano sa kanya si Mark Herras ng 30K.

Para umano pangbili ng gatas ng kanyang 7mos. old baby sa aktres na si Nicole Donesa.

Kalakip pa ng pagbubunyag na iyon ni Lolit ay ang pangungutya niya sa aktor. At ilang araw ang lumipas ay nagdesisyon na itong bitawan si Mark bilang talent niya.

Hindi naman nagbigay pa ng kanyang reaksyon si Mark sa pangbabatikos na ito sa kanya noon. Pero sa kanyang latest vlog sa YouTube ay tila may pahaging ang aktor tungkol sa issue.

Guest niya sa nsabing vlog ay ang aktor na si Eric Fructuoso at naglaro sila ng “Sagot o Lagot” chalenge. Dito ay mamimili sila kung sasagutin ang bawat tanong o iinom ng suka.

Ang isa sa naitanong ni Eric kay Mark ay kung magkano ang pera niya sa bangko.

Natawa naman si Mark sa tanong ng kaibigan at umakmang iinom na agad ng suka para umiwas na sagutin ang katanungan ni Eric.

Pero bago pa many iyon ay may pahaging si Mark aniya, “Mga P30K siguro. Inom na lang ako para walang issue.”
Nagdadag naman ng kanyang pahayag si Mark na halata namang patungkol sa batikos sa kanya ni Lolit.
“Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.”
Wala naman iba pang detalye na sinabi si Mark at tuluyan na lang inino ang suka. Para nga naman wala ng madagdag pang issue.

Panoorin dito ang kanilang video: