Kilalanin si Juamee Revillame ang bunso at nag-iisang lalaki na anak ni Willie Revillame!

Ipinakilala na ni Willie Revillame ang kanyang unico hijo sa publiko.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang mga nakarelasyon. Ng multi-millionaire at tanyag na TV host na si Willie Revillame.
At nagbunga ito ng apat niyang supling. Ang panganay niyang anak ang kilala ng publiko. Ito ay walang iba kundi si Meryll Soriano.

Nakilala na din ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte.

At kamakailan nga lamang ay pinakilala na din sa publiko ni Kuya Wil ang bunso at unico hijo niyang si Juan Emmanuel.

Ipinakilala ni Willie Revillame sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng “Wowowin

Si Juamee ay anak ni Willie sa dating asawang si Liz Almoro.

Ani ng TV host at ipinakita ang nag-iisang anak na lalaki sa camera,

“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame.”

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal sa isang civil rite sa Batanggas noong March 2005 ngunit na-annul din ito noong 2008 matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz si Whammy ngunit pinapayagan naman niyang bisitahin ni Willie ang kanilang anak sa tuwing siya ay mayroong oras.

Sa ngayon si Liz ay mayroon na ring asawa

Sinabi naman ni Willie na siniguro na niyang naihanda na niya lahat ng kailangan ng kaniyang mga anak, lalo na ang mga bagay na kailangan nila sa hinaharap.

Nakakabonding din niya ang kanyang mga anak at sinisigurado niyang maging malapit siya sa mga ito.

Kilalanin ang sikat na child star na napiling gaganap at magbibigay buhay sa role ni Ding sa palabas na Darna

Ipinakilala na ang gaganap na Ding ang kapatid ng iconic superhero na si Darna. At ito ay walang iba kundi si Zaijan Jaranilla.

Makakasama ni Jane de Leon ang award-winning young actor na si Zaijian Jaranilla. Sa inaabangang Darna: The TV Series ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose Del Monte, Bulacan. Na sinundan din ng story confe­rence para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.

Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/ Narda (Jane) na may hawak ng ‘bigating bato.’

“Mahilig siya sa technology at computer games,” matipid na paglalarawan ni Zaijian sa kanyang karakter. Siguradong ito ang gagamiting “powers” ni Ding sa pagtulong kay Darna.

Ganap na ngang binata ang dating child star na si Zaijian Jaranilla. Na unang nakilala ng publiko bilang si Santino.