Komedyanteng si Betong Sumaya pinaiyak ni Alden Richards ng bilhin nito lahat ang paninda niya sa online live selling

Hindi napigilan ng komedyanteng si Betong Sumaya ang mapaluha ng bilhin lahat ni Alden Richards ang kanyang paninda online.

Ang pagla-live selling ang pinagkakaabalahan ni Betong sa ngayon. Kung anu-anong gamit, tulad ng cap, hoodie, ang mga binibenta niya.

At bongga naman, dahil marami nga ang bumibili sa kanya. Naaliw sa klase ng pagla-live selling niya.

“Guys kita-kits mamayang 9pm sa ating live selling amazing!” paalala niya nitong Sabado ng gabi sa kanyang Instagram story.

At ngayong araw nga ay sinimulan na ni Betong ang kanyang panghihikayat sa mga viewers niya na bumili sa kanyang paninda.

Nang biglang may isang netizen ang nag-comment sa IG live niya.

“Magkano lahat binibenta mo diyan bes?” tanong ng isang netizen na RJ Richards ang user name.

“Ha? Alden ikaw ba `yan? Si RJ Richards. Siya ba `yon?” tanong ni Betong.

“Si Alden nga talaga ito. My God Alden. Grabe naman ito!” sabi pa ni Betong na hindi makapaniwala.

“Bigyan mo na ako ng P40K. Ha!??” tila gulat na gulat si Betong sa nabasa niya.

“Si Alden talaga oh!” saad ni Betong habang mangiyak-ngiyak na. “Sige Alden, nakakaiyak naman ito. My God, Alden, thank you!

Ipinakwenta agad ng Kapuso actor ang mga produkto ni Betong. At hindi nagtagal, nabayaran na rin niya agad ito. Doon, lalong naging emosyonal at talagang naluha si Betong sa kabaitang ipinakita ng kaibigan.

Binasa pa ni Betong ang ibang mensahe ni RJ Richards. Heto nga ang mas lalong nakapagpaiyak kay Betong.

“Hala nagbayad na!” tumitiling sabi ni Betong na hindi pa rin makapaniwala.

“Alden salamat, from the bottom of my heart…” sabi pa ni Betong na panay pa rin ang iyak, at pinunas pa ang damit niya sa kanyang luha.

Jose Manalo, Ipinakilala Na Ang Kaniyang Bagong Asawa Na Dating Miyembro Ng EB Babes! Kasabay Ng Opening Ng Kaniyang Negosyo

Matapos ang mahaba-habang pag-iipon sa kaniyang dalawang regular shows, ang Eat Bulaga at Sunday Pinasaya, nito lamang ay binuksan na din ni Jose Manalo sa Quezon City ang kaniyang dalawang bagong negosyo. Ito ay ang Yael’s pagupitan at ang Nailandia.

 

 

 

Ang blessing para sa mga naturang negosyo ay ginanap sa Fairview noong Mayo 8 na dinaluhan ng kaniyang mga kasamahan sa Eat Bulaga na sina Alden Richards at Wally Bayola.

Bukod sa kanila, dumalo din ang ilan sa mga kasamahan ni Jose sa Sunday Pinasaya na si Barbie Forteza at Marian Rivera. Ngunt, napansin ng maraming netizens na kasama ni Jose sa naturang opening ang dating bahagi ng grupo ng EB Babes na si Mergene Maranan na minsan ng napabalita na girlfriend umano ni Jose.

 

 

Nagsimulang umugong ang balita na mayroong relasyon ang dalawa taong 2012.

Makalipas naman ang dalawang taon simula nang umugong ang naturang isyu, tahasang itinanggi naman ni Jose noong 2014 ang mga balita tungkol sa relasyon umano niya sa dating EB Babes.

 

 

Ngunit, hindi din naman malabo na umusbong ang pagtitinginan ng dalawa noong si Mergene ay nasa Eat Bulaga pa lamang kung saan siya ay isa sa mga dancers.

Lumipas pa ang ilang taon ay wala pa ding inaamin si Jose tungkol sa isyu ngunit lantaran naman na niyang isinasama si Mergene sa mga importanteng okasyon na nangyayari sa kaniyang buhay katulad na lamang ng blessing sa mga negosyo ni Jose.

Si Jose Manalo ay isa sa mga kilala at hinahangaang TV host at komedyante sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang husay pagpapatawa at ang mga nakakatuwang jokes na binibitawan niya ay talaga nga namang nakakapagbigay ng ngiti para sa maraming manonood.

 

Taong 1995 nang maging regular na host ng Eat Bulaga si Jose. Maliban sa Eat Bulaga, siya ay mapapanood din sa ‘Sunday Pinasaya’.  Kaya naman maituturing din na isa si Jose sa pinakamasipag na komedyante sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.