Kris Bernal, nag mala-prinsesa ngayon sa kanyang napakagandang wedding gown sa mismong kasal na gawa ng sikat na designer na si Mak Tumang.

A memorable wedding indeed!

Ikinasal na ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang long time partner na si Perry Choi.

Ginanap ang kanilang intimate church wedding sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Matapos ang ilang buwan na pag postponed sa kanilang kasal, sa wakas ay natuloy na ang pag-iisang dibdib ni Kris at Perry.

Katulad ng karamihan sa mga bride, pinaghandaan din ng aktres ang kanyang wedding gown. Tila naging center of attraction din ang wedding gown ni Kris na gawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Si Mak Tumang ay ang brilyanteng tao sa likod ng mga naging gowns ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naging isang real life bride princess si Kris sa kanyang Swarovski-embellished custom-made wedding gown.

Ang kanyang groom naman ay binagayan ang kanyang suot, beige suit na gawa ni M Baretto. Kasalukuyang naka live stream ang wedding ng dalawa sa YouTube channel ni Kris.

Apat na taon nang magkasintahan ang newly weds. Nag propose naman si Perry noong February 2020 at binalak magpakasal noong June 2021 pero napostpone dahil sa pandemya.

Matatandaan na naging emosyonal pa si Kris sa isang vlog niya kung saan kanyang ibinahagi ang ilang paghahanda sa kanilang kasal. Noong mga panahon na iyon, naka hold ang kanilang wedding day.

Congratulations, Mr. and Mrs. Choi!

Kris Bernal naging biktima ng fake Grab Food booking dinagsa ng 23 food delivery riders

Naloka ang aktres na si Kris Bernal nang dagsain siya ng Food Delivery riders mula sa Fake booking.

Sa post ni Kris nitong Sabado ng gabi sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang tungkol sa napakaraming pagkain.
Na ipinadala sa kanya ng isang food delivery service na hindi naman niya inorder.

Base sa caption ng IG video na ibinahagi ng aktres, maririnig ang delivery rider kausap ang isang babae na itinatanggi ang booking.
“FAKE GRAB BOOKING!
Humingi din ng tulong ang aktres sa mga netizens para mai-report ang bogus bookings mula sa food delivery service.

“Sadly the amount of the deliveries are of no jokes. Please help me report to @grabfoodph @grab_ph Kawawa po ang mga riders, umuulan pa. Please help!”  panawagan ni Kris.

Narito ang buong post ng aktres:

“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment.

“What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation, but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries. I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience,” saad ni Kris.

Narito ang mga posted video ni Kris Bernal: