Kylie Versoza, napa-comment matapos siyang i-tag ng mga netizen kaugnay sa kontrobersyal na mensahe ni Aljur Abrenica sa ex niyang si Kylie Padilla!

Tila kamot ulo na lamang ang nagawa ng beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa. Sa pagkadawit niya sa viral issue nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Martes ng gabi October 19, binasag na ni Aljur ang kanyang pananahimik. Ukol sa tunay na dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kylie.
Sa kanyang official Facebook account ibinahagi ni Aljur ang kanyang saloobin tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Hindi na raw matiis ng aktor ang “sugar-coated” na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.
Kaya naman nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan. Sa likod ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko. At kung sino ang sumira ng kanilang pamilya. At naging dahilan ng pagsuko umano ni Aljur sa kanilang pamilya.

Ani Aljur, “Kylie please tell them the truth Don’t hide and disguise your comments. Statement for your self-gain.

“Tell them who cheated first Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

Humingi din siya ng dispensa kung hindi niya na umano napigilang magsalita. Kahit pa may usapan silang huwag nang magsalita sa publiko.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagviral agad ang pahayag na ito ni Aljur. Ginawa namang katatawanan ito ng mga netizens.

Dahil si Kylie Verzosa ang kanilang hinihingian ng sagot ukol dito imbes na si Kylie Padilla.

Kaya naman sa kanyang Facebook post ay sumagot na din dito ang nobya ni Jake Cuenca.

Aniya, “Tigilan nyo na mga issue issue! Napapagod ako sainyo!” Kalakip ng screenshot ng usapan nila ni ‘Senyora’