Home News Lalaki, sa Ilalim na Lamang ng Bato Natutulog at Namumulot Lamang ng...

Lalaki, sa Ilalim na Lamang ng Bato Natutulog at Namumulot Lamang ng Basura para Mabuhay

Kumakalat ngayon sa social media ang post ng isang netizen na si Jelly Yanong Balaod, matapos niyang ibahagi ang kalagayan ng isang nagngangalang Kuya Randy na napagalamang ulila na sa kanyang mga mahal sa buhay.

Si Kuya Randy ay nakitang naninirahan lamang sa ilalim ng bato sa isang liblib na lugar.

“Masakit makita si tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok Calatrava Negros Occidental po siya wla na pong pamilya at sa ilalim ng bato siya natutulog.” ayon kay Jelly.

Dagdag ni Jelly, sa basurahan lang daw kumukuha o naghahanap ng kakainin si kuya Randy kaya talaga namang kinaawaan siya ng makita nila si kuya.

“Namumulot lang po siya ng basura para makakain sobrang awa po ni tatay kasi paano pag my bagyo, malakas ang ulan o kidlat? kawawa namn po.. calling all my friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay.” sabi ni Jelly.

Sa kwento ni Jelly, noong una daw ay tumanggi umanong lumabas si Kuya Randy sa ilalim ng bato dahil nahihiya daw ito sa maraming tao. Pinilit pa nilang lumabas si Kuya Randy para makausap ito ng maayos.

“Ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kaya nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko siya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas siya, at nakausap namin.” ayon kay Jelly.

Base sa kanilang usapan, nagkaroon umano ng pagkamatatakutin ni Kuya Randy dahil sa kanyang mga karanasan sa buhay at hindi raw ito makausap ng matino dahil madami daw itong binabanggit na hindi maintindihan.

Basahin ang kabuoang post ni ng facebook page na NETIZENS sa ibaba:

Watch | Isang Lalaki na Nangangalakal at Tanging Kariton Lamang ang Tinutuluyan, Binigyan ng Bagong Pag-asa ng Vlogger!

Marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng lubhang kahiråpan sa buhay. Gayunpaman ay may mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa katulad na lamang ng isang sikat na vlogger na kilala bilang Virgelyncares. Marami na ang natulungan ng vlogger na ito at kasama na sa kanyang mga natulungan ay ang isang lalaki na nangangalakal at tanging kariton lamang ang nagsisilbing silungan.


Sa vlog na ibinahagi ni Virgelyncares sa kanyang youtube channel nitong Setyembre 9 ay maraming netizens ang napahanga sa lalaki. Sa katunayan ay humanga din ang vlogger sa lalaki dahil mas iniisip pa niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanyang sarili.

Binanggit niya sa vlogger na may taong mas nangangailangan ng tulong dahil kahit na mismo siya na walang-wala ay naaawå rin.



Dahil dito, ay hindi naman napigilan ng vlogger na alukin ang lalaki ng bagong pag-asa sa buhay. Binigyan niya ito ng Php20,000 bilang tulong sa panimula ng lalaki na imbis na mangalakal sa daan ay maghanapbuhay na lamang sa kanyang probinsya.

Nabanggit din ng lalaki na nagmula pa siya sa Maynila at nilakad lamang niya ang mahabang daan para lamang makarating kung nasaan siya ngayon. Tulak-tulak ang kariton ay matiyaga siyang nangangalakal ng basura para may makain sa pang araw-araw.


Sa tulong ng vlogger ay makakapagsimula na muli ng bagong pag-asa ang lalaki. Lubos naman ang pasasalamat ng lalaki sa tulong na ipinagkaloob sa kanya ng vlogger. Hindi rin niya napigilan ang kanyang emosyon dahil hindi niya inaakala na makikita ni s Virgelyncares na napapanood lamang niya sa youtube,

Narito ang kabuuang video:

Isang 75 anyos na lolo, nagtitinda ng puto at kutsinta ang nagsusumikap magtinda para sa kanyang pamilya

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Hinangaan ng netizen ang isang lolo matapos itong makitang nagtitinda ng puto at kutsinta sa tabi ng isang mall.Sa Facebook post ng “Bayan Mo, Ipatrol Mo,” ibinahagi ni Lorraine Joanino ang kuwento ng 75 taong gulang na lolo na si Gavino “Jun” Enciso na nagtitinda ng puto at kutsinta sa tabi ng isang mall sa Bucandala III, Imus City, Cavite.

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Mula si Enciso sa Barangay Salitran I, Dasmariñas, Cavite, at sinabi niyang halos limang taon na raw siyang naglalako ng kakanin. Dagdag pa niya, “Hindi maiiwasan na ‘di ako magtitinda kasi may pinapakain ako ‘yong isang apo kong lalaki limang taon kasi po ‘yong magulang patay na… in-adopt ko na po ‘yong bata kami na po ang nagpapalaki.”

Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Sa isang araw, umaabot daw sa P300 hanggang P500 ang kinikita ng lolo. Sapat na umano para matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Ako po bilang isang vendor ay nanawagan na kung pwede kung maaari lang kung makita ninyo ako sa paglalako-lako ay tulungan n’yo po ako kahit paano ay bumili-bili sa akin,” panawagan ni Enciso.

Para naman kay Joanino, “Humanga po kami at na-inspire kay tatay kasi kahit mahirap ang ginagawa niya at may edad na, sa gitna ng pandemic nagsusumikap pa rin po siya magtinda para sa pamilya niya.”
Umani ng maraming paghanga sa tiyagang pinapakita ni tatay. Narito ang ilang mga comment ng mga netizens:

“Nakasarap sa pakiramdam kung may magulang kang katulad ni tatay.
Dalangin ko po sa Panginoon ingatn kayo lagi at bigyan kyo ng Malakas na pangangatawan at mahaba pang buhay.
Mag iingat po kayo palagi Tatay.
God Bless you po!”

“Kung may kakayahan Lang din po ako tutulungan ko kayo kaso wala rin po.. Pero sa ngayon ipagdadasal ko na maging malusog kayo at wag mgkakasakit na palagi kayong malakas at ligtas.. At gabayan kayo ni lord sa inyong pglalako.. Godbless you po tatay”

“God bless po sana bigyan kayo palagi ni Lord ng malakas ng pangangatawan at mahaba pang buhay…ilayo sa lahat ng masama at sakit….sana maubos lagi mga paninda mo at.mabibiyaan pa”

“i admire and salute u po tay dhil nkkainspired po kau dhil khit mtanda n po kau gngampanan nyo prin ang dpat gmpanan ng isang ulirang ama at lolo ndi lhat ng ama o lolo nggawang mgsikap pra s pmilya..hugoat lng onti hehe ksi naiinggit aq s iba dyn n may amang tulad ni tatay puto vendormay godbless and protect u and ur family tatay again salute po aq sau at s ibang father’s out there n ggawin ang lhat pra mkkain ang mga pmilya nla”